**
Nakaupo si Andrea sa upuang gawa sa kawayan sa lilim ng punong manggang kanilang pinagkainan noong tanghalian, samantala ay katabi niya si Damien na siyang gumagamot sa kanyang sugat.
Hawak nito ang kanyang kamay habang maingat na dinadampian ang sugat ng betadine. Nakakunot ang noo ni Damien na tutok na tutok at seryosong-seryoso sa ginagawa.
She can feel his callus hand gently holding hers. Tiningnan niya ang kamay nilang dalawa. Kumpara sa laki ng kamay ni Damien ay aakalain mong tubo ng kawayan na lamang ang kamay niya. Hindi dahil sa nasobrahan naman siya sa payat, she's slim at natural na petite ang katawan niya. Sadyang malaking tao lang si Damien.
But despite on how big he is, his gentle touch was making her feel comfortable and safe. Na animo sa haplos nito ay mararamdaman mo ang kapanatagan at kaginhawaan. As if he has a magic touch that can ease your pain or anything...
"Masakit ba?"
Napaangat ng tingin si Andrea sa mukha ng binata. Nakatingin ito sa kanyang kamay na ngayon ay may benda na.
"M-medyo, pero kaya naman." Tugon niya.
Nag-angat ng tingin si Damien sa mukha ng dalaga. Their eyes met. At sa pagtatama niyon ay ang paglamlam ng mata ng binata habang tinititigan ang magandang mukha ni Andrea.
Mas lalong nagwala ang puso ni Andrea ng mga sandaling iyon.
Damien grinned. "Kung saan-saan ka kasi nakatingin... Alam ko namang may pagnanasa ka sa'kin kaya hindi mo na kailangan ipagduldulan pa. Pwede mo naman akong sabihin kung gusto mo 'tong hawakan." Yuko ng binata sa nakalantad nitong katawan at pinagalaw pa ang dibdib.
Halos mag-init na parang takure si Andrea sa sinabi ng binata.
"Hoy lalaking kasing lakas ang apog ng bagyo! K-kahit ibalandra mo sa'kin 'yang ulalam---este p-pangit mong katawan, hinding-hindi ko sasayangin ang oras ko para..." Bahagya niyang pinasadahan ng tingin ang mala-adonis nitong katawan. "Ti... T-titigan 'yan!"
Napatawa si Damien. "Talaga lang ha? E bakit kanina halos maglaway ka na habang nakatingin sa'kin? Aminin mo na..." Patuloy na panunukso nito.
Mas lalong namula ang mukha ni Andrea na siyang mas ikinatawa ni Damien.
"Tse!" Naitakip na lamang ng dalaga ang kamay sa mukha.
"Ayos lang ba kayo diyan?" Tanong ni Kakang D at dinalhan sila ng tubig sa pitsel at baso.
"Okay lang po Kakang D," tugon ni Damien at agad na nagsalin ng tubig da plastic na baso.
"Naku Andy, hija, pasensya ka na ha..." Baling ng matanda kay Andrea. "Hindi na lang sana kita pinatulong, nasugatan ka pa tuloy." Tingin nito sa nakabendang kamay ng dalaga.
Ngumiti si Andrea sa matanda. "Ano ka ba Tatay D, ayos lang po ako... Malayo sa bituka 'to. At saka, ako nga ho itong nagpumilit na tumulong, kaya kasalanan ko rin. Hindi ko po kasi tinitingnan nang ayos ang dinadampot ko." Kagat-labi niyang pag-amin.
"O siya sige at diyan muna kayo. Ililipat ko lang pwesto si Tikas at masyado nang mainit." Tukoy nito sa alaga nitong kalabaw. Pero bago ito maglakad palayo ay muli itong lumingon sa kanila. "Siya nga pala, kung gusto ninyo ng mangga, kumuha lang kayo. Wala nga lang akong panungkit at naputol na."
"Ako na po bahala 'Kang D!" Ani Damien.
Nang makaalis ang matanda ay nilingon ni Andrea ang katabing binata. "Sure ka? Kaya mong akyatin iyan?" Nguso niya sa punong mangga na siyang kanilang sinisilungan.
"Aba oo naman, kahit ilang beses pa 'kong mahulog tiyak sa'yo naman ang bagsak ko." Kindat nito sa kanya bago tumalikod at nilapitan ang katawan ng puno.
Napairap na lamang si Andrea sa hangin at hindi maiwasang kiligin ng palihim. "Pshh! Bolero..." Bulong niya ngunit abot tainga naman ang ngiti sa labi.
Niligpit niya ang mga gamit sa lamesa at pinanood ang pag-akyat ng binata.
Habang nakatalikod ang hubad nitong katawan sa kanya ay kitang-kita ni Andrea kung papaano maggalawan ang mga muscle sa katawan nito. Lalo na ang mga biceps nito na naghuhumiyaw sa katipunuan.
Yumakap si Damien sa katawan ng puno at pumuwesto sa pag-akyat. Animo ito gorilya kung umakyat dahil sanay na sanay sa pagkunyapit sa puno. Ilang saglit pa ay nasa taas na ito ng punong mangga at sinisipat ang mga manggang nakalambitin.
Nakapamaywang na nakatingala si Andrea sa binata. "Sa kanan mo!" Turo niya sa isang kumpol ng mangga malapit dito.
Nilingon ni Damien ang itinuturo ng dalaga at kumapit sa isang sanga upang abutin ang mga mangga.
"Ayos na ba 'to?" Pakita ni Damien sa hawak kay Andrea na nakatingala sa kanya.
"Oo, tama na iyan."
Maingat na bumaba si Damien ng puno hawak ang mga mangga.
"Ano? Ayos ba? Ako na ang susunod papalit kay Tarzan." kinindatan ni Damien sa dalaga at inilapag sa lamesa ang hawak. Animo wala lang dito ang pag-akyat sa puno.
Andrea rolled her eyes. "Ewan ko sa'yo. Mukha kang bakulaw kung umakyat." At naupo sa lamesa.
"Sus! Kung alam ko lang... Gwapong-gwapo ka na naman sa'kin habang umaakyat ako." Nakangising wika ng binata.
"Ang lakas ng hangin!" Paypay ni Andrea sa sarili dahilan upang mapatawa si Damien.
"Ano, nakakuha ba kayo?" Tanong ni Kakang D nang makarating. May dala pa itong lubid na ginagamit sa pang-araro.
"Ah opo, ito nga po at malalaki ang nakuha ni Damien." Ani Andrea.
"Hindi n'yo na niramihan ang kuha, magkakanda-laglag lang din naman ang mga mangga at ang mga tao rine'y sawa na sa mangga."
"Ayos lang po ba na magdala kami pauwi?"
"Hala sige at mag-uwi kayo at ng may maipasalubong sa inyo." Ngiti ng matanda. "Damien, kunin mo may bagoong ako doon sa loob. Kayo muna diyan at kakaunin ko ang mga kambing."
"Hindi na po ba namin kayo sasamahan?" Tanong ni Damien.
"Kow! kala mo naman at ako'y mawawala. Ako na laang at saglit lang naman ako." Muling paalam ni Kakang D bago muling umalis.
"Ang sipag ni Tatay D ano?" Baling ni Andrea kay Damien nang makaalis na ang matanda.
"Sinabi mo pa." Pagsang-ayon ng binata. "Dito ka muna at kukuha lang ako ng kutsilyo sa loob."
Tumango si Andrea at umayos ng pagkakaupo sa bangkito. The soft breeze of the noon gently soothe her skin as it whispers. Para siyang hinehele nito at dinadala sa lilim ng antok.
'Napakapayapa ng buhay dito.' Tumingin siya sa paligid. Walang nagtatataasang gusali at sa halip ay mga mayayabong na puno ang makikita, mga bulubundukin, at masaganang palayan lamang.
Magkakalayo man ang mga bahay roon ay napakalalapit naman ng tao. May mga panaka-nakang nagagawi sa kanya ang tingin ng mga ito at nginingitian o kinakawayan siya bilang pagbati.
Bagamat hindi siya kilala ng mga ito ay pakiramdam niya ay welcome na welcome siya sa nayon.
Pagbalik ni Damien ay may bitbit na itong kutsilyo, platito na may bagoong at isang tabo na may lamang tubig. Inilapag nito ang mga iyon sa lamesa at tumabi sa kanya sa pag-upo.
"Ba't may dala kang tabo?" Taka niyang tanong.
"Panghugas sa mangga." Anito at naglagay sa tabo ng mangga. Kinuha nito ang isa at sinimulan itong balatan gamit ang kutsilyo.
Animo nagkikiskis lang ng kaliskis ng isda na mabilis nitong nabalatan ang mangga. Medyo madilaw na ang mangga, nangangahulugang hinog na ito.
Humiwa si Damien ng maliit na piraso ng pisngi ng mangga at inilahad kay Andrea. Ngunit tiningnan lamang iyon ng huli. Napangiti si Damien at napailing.
"Masarap 'to. Gawa ni Kakang D." Sawsaw niya sa piraso ng mangga sa platito ng bagoong at isinubo sa naghihintay na dalaga.
Marahang kumagat si Andrea sa mangga.
"Hmm! Masarap nga!"
Muling humiwa si Damien ng mangga at muling inilahad na isusubo sa dalaga.
"Pakunyari ka pa. Gusto mo lang magpasubo sa'kin." Tudyo ng binata.
"A-ano ka?! Hilo?!" Mabilis na bawi ni Andrea. "Hindi ko kinuha kasi m-madumi ang kamay ko!" Pagtatanggol niya sa sarili at inagaw mula kay Damien ang mangga.
Napatawa si Damien nang makitang halos mamula na parang kamatis ang pisngi ni Andrea.
"Sus! Palusot ka pa. Ayaw mo lang aminin na may gusto ka sa'kin." Patuloy niyang pang-aasar dito na mas ikinapula ng mukha nito.
"Tumigil ka! Bakulaw!"
Napahaglpak ng tawa si Damien sa itinuran ng namumula sa inis na dalaga. Hindi niya tuloy mapigilang isipin na para silang bagong kasal na mag-asawa na nagtutuksuhan at simpleng namumuhay sa nayon.
**
"Mauna na po kami Kakang D," paalam ni Damien nang makarating sila sa nakaparadang pick-up truck at hinarap ang matanda. "Baka ho hanapin si Andrea ng Daddy n'ya."
Dapit-hapon na nang mapagdesisyunan nilang umuwi. Masyadong napasarap ang kwentuhan at pananatili nila sa nayon at hindi na namalayan ang paglipas ng oras.
"Maraming salamat po sa tanghalian at pabaon ninyo sa'min." Ani Andrea bitbit ang isang bayong na naglalaman ng mga mangga, kamote, patatas, at kung ano-ano pang galing sa taniman ni Kakang D.
"Naku hija, wala iyon. Salamat din sa pagbisita ninyo rito, sana maulit." Ngiti ni Kakang D.
"Sigurado pong mauulit pa ng maraming beses na dadalaw kami sa inyo Tatay D. Hindi ko pwedeng palampasin ang mga kwento ninyo." Magiliw na wika ni Andrea.
"Siya sige at humayo na kayo, baka abutan kayo ng dilim sa daan. Wala pa namang mga poste ng ilaw at baka madisgrasya kayo. Ingatan nawa kayo ng may Kapal sa pag-uwi."
Inabot ni Andrea ang kamay ng matanda at nagmano.
Napatingin si Damien sa dalaga at hindi inaasahang tila gayon na lamang kabilis nitong mapalapit kay Kakang D. Napangiti siya. At nagpatiunang sumakay ng sasakyan.
"Maraming salamat po ulit Tatay D. Mag-iingat din po kayo." Muling paalam ng dalaga bago lumulan na rin ng sasakyan.
Sinimulang paandarin ni Damien ang makina at tinanguan si Kakang D na nakatanaw sa kanila bago umarangkada.
Sa kanilang daan pabalik ay may mga tao silang nakakasalubong na sila rin nilang binabati at kinakawayan. Mga taga nayon din ang mga ito na nagsisiuwian na mula sa pagsasaka sa mga sakahan.
Hinubad ni Andrea ang suot na sumbrero at inilapag iyon sa kanyang tabi. "Parang nakakakunsensya na iwan lang doon ng mag-isa si Tatay D. Ni-wala man kang s'yang kasama sa bahay n'ya."
Napasulyap si Damien at katabing dalaga. Mababanaag sa maganda nitong mukha ang pag-aalala para sa matanda. Muli niyang binalik ang mata sa kalsada.
"Dapat na ba akong magselos ngayon?"
Mabilis na takang napalingon si Andrea kay Damien.
"Mas gusto mo pa atang makasama si Kakang D kaysa sa'kin. Iniisip ko na tuloy kung bet mo na si Kakang D." May mapang-asar na ngiting sabi nito.
Agad na nangunot ang noo ni Andrea ang nanlaki ang mata sa itinuran ng binata. "E-excuse me? Anong tingin mo sa'kin?" Pinanlakihan niya ito ng mata. "It's just that I care for him, but not to the point of "something" you are talking about."
"So ibig mo bang sabihin... Mas gusto mo akong kasama at bet mo 'ko?" Nakapaskil pa rin ang ngiting hindi mapawing muling wika ni Damien.
"But of course!" Bulaslas ni Andrea. Sumandal at humalukipkip siya sa kinauupuan. "Sino bang hindi gugustuhing makasa---"
Saka lamang niya napagtanto ang sinabi at napahinto. Nilingon niya si Damien na ngayon ay pigil na pigil ang pagtawa habang nagmamaneho.
"D-don't get me wrong! A-ang ibig ko lang naman s-sabihin e... B-but of course you are my p-personal bodyguard! Dapat lang na i-ikaw ang kasama ko." Natatarantang paglilinaw niya sa sarili.
Ngunit huli na dahil...
"HAHAHAHAHA!"
... Tila nasiraan na ng bait na tumatawa ang binata. Umuugong ang malalim at buong-buo nitong boses habang humahalakhak sa buong sasakyan.
"Damien! A-ano ba!" Naiinis na hampas niya sa braso nito. "Are you even listening to me?!"
Pinigilan ni Damien ang pagtawa at bahagya siyang nilingon ng binata. "Ah wala na... Sinabi mo na e. Sa'yo na mismo nanggaling. Mas gusto mo akong kasama at bet mo 'ko." At muli ay tumawa.
Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ni Andrea dala ng inis. Halos umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha na pinamulahanan.
"Mali ka! H-hindi iyon ang ibig kong sabihin! Binigla mo a-ako sa tanong mo kaya... Argh! I hate you!" Sumusukong napahalukipkip na lamang ang namumulang si Andrea sa kinauupuan.
Samantala ay tila hindi na mabura pa sa labi ni Damien ang kakaibang ngiti. Animo maaabot na ng mga labi nito ang tainga sa sobrang pagbungisngis.
Nilingon niya si Andrea na ngayon ay nakabusangot na ang namumulang mukha habang nakatingin sa daan. Oh! How he love teasing her. Mas lalo itong gumaganda kapag nagtataray o nagmamaldito.
Kagat-labing ikinambyo niya ang manibela at patuloy na umarangkada.
♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
Hope you enjoyed! Don't forget to leave a comment~