Nagising ako nang maramdaman na para bang may gumagalaw sa aking tiyan. Kaya naman hinaplos ko agad ito. Napangiti ako nang mapagtantong sumipa ang anak ko. "Ang kulit niyo na," naiiling kong sabi. Napatingin ako sa pinto nang makarinig ng katok mula roon, "Cha? Gising ka na ba?" boses ni Xander. "Oo. Pasok ka," sigaw ko upang marinig niya. Bumukas naman ang pinto at bumungad sa akin si Xander na nakangiti at may dalang tray. Lumapit siya sa akin at inilapag ang pagkaing dala niya. "Pinaghanda na kita ng almusal. Umalis kasi si Tita. Sinamahan ang Lola mo sa palengke," aniya. "Salamat, Xander." "Masakit ba ang tiyan mo?" nag aalalang tanong ni Xander nang makitang nakahawak ako sa aking tiyan. Natawa naman ako sa kanya. "Hindi. Gumalaw kasi kanina kaya napahawak ako." Nagulat ako n

