Tahimik kong pinagmamasdan ang alon sa dagat na tanaw ko mula rito. Hinaplos ko ang aking tiyan saka napangiti. "Hindi na ako makapaghintay na mayakap kayo," bulong ko. "Hindi na rin ako makapaghintay," napalingon ako nang marinig ang boses na iyon. Nakita ko si Xander na nakangiti sa akin. Ngumiti naman ako pabalik. Lumapit siya sa akin at hinaplos din ang aking tiyan. "Dalawang buwan na lang at makakasama na natin sila," aniya. Babae ang magiging anak ko. Kambal pa nga. Kaya naman malaki laki talaga ang tiyan ko. Tatlong buwan na rin simula nang umalis ako ng Manila. Nag punta kami sa Cebu upang dalawin ang nanay ni Daddy. Ngunit ngayon, nandito ako sa probinsya nina Mommy. Nandito kami ngayon sa Quezon, sa bahay ni Lola. "Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Xander. Tumango naman

