"Cha, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" tanong sa akin ni Samantha. Nandito pa rin ako sa bahay nila. Wala na si Van. Pinaalis ko siya kahit ayaw niya. Kasama siya ngayon ni Timothy. "Kailangan ko 'to gawin, Sam. Ayoko nang magkagulo pa kami ni Yna. Noon, muntik nang malaglag ang baby niya. Ayoko nang madamay pa ang mga anak namin. Ayokong madamay ang anak ko rito," sagot ko sa kanya. "Eh ano'ng gagawin mo?" "Sasama ako kay Mommy pagpunta ng Cebu. Tapos 'yong annulment, aayusin ko na rin para matapos na," sagot ko. "Sigurado ka bang makikipaghiwalay ka na kay Van? Cha, pag isipan mo muna nang mabuti," sabi niya sa akin. "Iyon ang gusto ng magulang ko. Iyon din ang hinihintay ni Yna. Gusto ko na mag simula ulit. Para sa anak ko." "Pero ikaw na rin ang nagsabi noon na hindi ka

