Napatingin ako sa cellphone ko. 10:57 AM, Sunday. Malalaman na namin kung anak ba talaga ni Van ang dinadala ni Yna. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kakabahan ba o matutuwa? Hinaplos ko ang aking tiyan, "Anak, alam kong kailangan mo ng tatay. Ngunit kung sakali man na anak niya nga talaga iyon, kakailanganin din siya ni Yna at ng magiging kapatid mo. 'Wag kang mag alala, hindi naman kita pababayaan. Ako na lang ang mag aalaga sa 'yo." Timothy: Kukunin ko na 'yong resulta. Saan niyo ba gusto makipag kita? Hindi muna ako nag reply. Bumaba ako at tinignan kung nandoon ang tatay ko. "Cha? May kailangan ka?" tanong sa akin ni Mommy nang makita ako. "Wala naman po. Magpapaalam lang ako, Mommy. Magkikita kasi kami ni Samantha." "Saan, anak?" "Sa bahay niya po," sagot ko. "Sig

