"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Van. "Pinapatawag ako ni Papa. May meeting daw," sagot niya. "Gusto mo ba kumain muna?" "Hindi na." Inayos niya ang suot na polo. Pagkatapos ay sinuot ang relo at kinuha na ang gamit niya. "Van, sandali," lumapit ako sa kanya at inabot 'ang sandwich na ginawa ko, "Dalhin mo na 'to. Para kung sakali na magutom ka, eh may makakain ka. Goodluck sa meeting mo. I love you." "I hate you," sagot niya. Pilit pa rin akong ngumiti, "Okay lang. Mahal naman kita." Hindi na niya ako pinansin at nag lakad na palabas. Hinintay ko muna siyang maka alis bago ako pumasok sa loob. Nang makapasok sa bahay ay iniligpit ko muna 'yong pagkain na hindi nagalaw. Wala naman akong gana kumain dahil wala akong kasabay. Nakakalungkot mag isa. Pagkatapos ay umakyat na ako at

