Viniel Hindi ko maiwasan tignan ang babaeng mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hindi ko na siya kilala. Hindi siya 'yong babaeng minahal ko. Ibang iba sa babaeng noo’y handa 'kong talikuran ang lahat para sa aming dalawa. Kasalanan ko 'to. Ako ang dahilan kung bakit siya naging ganito. Sana tinigilan ko na lang agad. Sana hindi ako natakot piliin si Chastine noon. "Wala ka na ba gagawing maganda sa pamilya natin?" tanong sa akin ni Mama. "Kumusta na po si Chastine?" pag iiba ko sa usapan. Tumawag si Tita kanina kay Mama, sinabi niyang nahimatay raw si Chastine at nasa ospital sila. Gusto kong pumunta ngunit pinagbawalan ako ng tatay niya. "Maayos na siya. Ano na ba ang gagawin mo? Linisin mo ang kalat mo, Viniel." "Patutunayan ko ang sarili ko. May naisip na akong paraan, ako na ang b

