"Baby, I'm sorry," sabi niya sa akin. Naguguluhan ko siyang tinignan. "Bakit?" tanong ko. "Maghiwalay na tayo." Nanghihina ako. Hindi ko kaya ang binitawan niya. Naramdaman ko na naman ang sakit na nalagpasan ko na noon sa tuwing naririnig ko sa kanya ang mga salitang iyon. Paano ba? Naaayos na, eh. Bakit dito pa rin napupunta? Nagpatawad na ako. Tinanggap ko na. Bakit bibitaw siya? "Mas makabubuti kasi 'to para sa atin, baby. Sorry," sabi ni Van at nag iwas ng tingin sa akin. "Anong makabubuti? Van naman! Napag usapan na natin 'to, 'di ba? Sabi mo walang susuko..." pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi. "Huwag na natin pahirapan ang isa't isa. Hindi na kaya ayusin. Sirang sira na. Hindi lang ikaw, hindi lang ako, pati na rin ang pamilya natin." "Paano ang anak natin, Van?

