Nagising akong masakit ang ulo. Napatingin ako sa gilid at nakita si Mommy na nakapikit habang nakahawak sa kamay ko. Nagising siya nang bahagya akong gumalaw. "Anak? Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?" tanong niya sa akin. "Ayos lang ako, Ma. Medyo nahihilo lang po," sagot ko sa kanya. Pumasok naman si Daddy kasama ang doktor. Saglit lang siya tumingin sa akin pagkatapos ay agad din nag iwas ng tingin para kausapin ang doktor. "Wala naman po kayong dapat ipag alala. Maayos naman si Chastine. Kailangan niya lang mag pahinga. Basta inumin niya 'yong gamot na ibinigay ko," sabi ng doktor at ngumiti sa akin. "Kumusta po ang baby ko?" tanong ko sa kanya. "Ayos naman ang baby mo, hija. Iwasan lang ang stress, okay? Hindi kasi iyon makabubuti sa 'yo," sagot niya. Nagpaalam

