"Tama ba ang narinig ko? Baby namin? Anak nila? Anong meron, Cha? Ano 'yong sinasabi ni Van?" "Chastine..." tawag sa akin ni Mommy at tinitigan ako sa mga mata. "Baka nagkamali lang po kayo ng rinig," sabi ko at umiwas ng tingin. "Hindi. Iyon talaga ang sinabi ni Van. Cha, nakikipagkita pa rin ba siya kay Yna? May relasyon ba sila? May hindi ka ba sinasabi sa amin?" sunod sunod na tanong ni Tita. Napalunok na ako at halos gusto ko nang lamunin ng lupa para lang makaiwas sa mga tanong nila. Kinakabahan ako at ayokong malaman nila ang totoo. Pero paano ko tatakasan 'to? "W-wala po. Maayos naman po kami ni Van. Wala po silang relasyon," sagot ko at pilit na ngumiti. Mag sasalita pa sana siya kaso biglang may sumigaw, "Chastine!" lahat kami ay napatingin kay Samantha. "Ay sorry po. Na-i

