MAHINANG hagikhikan ang unti-unting gumising kay Anika. Ayaw pa niya dumilat kasi inaantok pa siya at gusto pa matulog. Isa pa masyado siyang komportable sa pagkakahiga niya. Nababalutan siya ng masarap na init at makakatulog na sana ulit pero may narinig na naman siyang hagikhikan. Na sinundan ng pagkilos ng kung sino sa tabi niya at mainit na hininga sa bandang tainga niya. Napadilat si Anika at nanlaki ang mga mata nang marealize ang dahilan kung bakit komportable at mainit ang pakiramdam niya. Kasi nakaharap na pala siya kay Trick at magkayakap sila! Bago pa siya makakilos dumilat na rin ang binata at nanlaki rin ang mga mata. Sabay silang kumalas sa isa’t isa at mabilis na bumangon. Lumawak ang tawanan ng mga kapatid niya. Napalingon siya sa mga ito. “Ang sarap ng tulog niyo ate,”

