Hindi ko alam kung matawa ako sa sinabi ni Gabriel sa mga biro ko. Pero ayoko namang bastusin ang lalaking ito na nagpapaka ginoo. Siguro nga nagkamali lang siya ng taong sinabihan dahil kung ang mga nakarinig ng sagot niya ay ang mga katulad ni LJ at KIRAY, malamang naglupasay na sa kilig ang dalawang iyon. Walang sinuman ang pwedeng makapagpakilig sa akin kundi ang babaeng biglang naglaho na parang bula.
Matagal nang panahon ang lumipas ngunit ang pagmamahal niya sa akin parang hangin. I can't see it but I can feel it. Halos gabi gabi kong pinagdasal na sana dumating ang araw na susulpot siya. Okay lang na magalit siya sa akin at sabihing hindi na niya ako mahal, matatanggap ko pa iyon kesa naman na pagtaguan niya kami at hindi magpaparamdam dahil lang sa galit niya sa akin.
Nakausap ko ang kapatid ko at sinabi sa kanila na nasa Pilipinas ako but I neglected to mention where I am. It's better that they wont know anything where I live, what i am doing. Baka nga matawa pa sila na ang dating matinik na agent na humahabol sa mga criminal, now may hinahabol din naman ako, yun nga lang BABOY pa.
Wala pa rin daw silang balita about kay Alexis at sa mga anak namin. God, gusto kong magalit sa kanya dahil inilayo niya sa akin ang mga anak ko dahil sa galit niya sa akin. Iyon ba ang paraan niya upang gantihan ako? Well, i guess she won the battle. Hindi ako magagalit na ginawa niyang ilayo ang mga anak ko sa akin. At sana lang pinakilala niya ako sa mga bata. Tsk! Life's full of surprises. I'm thinking that it might be actually be possible for things to work out sometimes. Definitely not everything and maybe not the way you imagined. But sometimes, when you least expected it, life surprises you. And then Yung anak namin na si Timmy binatilyo na. Ang gwapong lalaki. Nagalit din daw siya sa akin pero nung sinabi nila ang tungkol kay Brandi, unti unti na rin nilang naunawaan ang lahat. Timmy asked me kung nasaan ako. Gusto ko mang sabihin sa kanya pero hindi pa ito ang oras. Dadalawin ko na lang sila kapag makaluwag ako since andito naman si Kiray, LJ at Mang Kanor. Inampon ko na silang lahat para kung sakaling wala ako, may tatao sa bahay.
About sa amin ni Brandi...Nakiusap lang naman siya na manatili ako sa tabi niya habang naghihintay ng kanyang kamatayan. Na magiging masaya siyang lisanin ang mundo kapag ako ang kasama niya. At isa sa mga wish niya ang makalanghap ng fresh air kaya dinala ko siya sa dagat kung saan doon kami nagkahulihan.
Mahigit isang taon din siyang pinahirapan ng kanyang sakit. Ako...Ako ang nag-alaga sa kanya. Kahit nga nahihirapan na siya hindi ko siya nakitaan ng pagrereklamo. Pinakita niya lang sa akin na matapang siya kahit ilang gabi ko siyang naririnig na umiiyak.
FLASHBACK
Kahit nahihirapan na siya sa kanyang sakit, hindi niya pinakita sa akin na nahihirapan na siya. Andun pa rin ang pilit na mga tawa niya at pagbibiro sa tuwing magkasama kami sa bahay after ng pagtitinda namin ng lechon doon sa Bacacay. Kapag umaalis siya para bumili ng baboy, ako naman ang naiiwan sa bahay para maglinis, maglaba at magluto para pagdating niya wala na siyang gagawin since pinatuloy niya ako for free.
Pagdating niya, magpapahinga lang siya like watching TV or mag internet. Sometimes nakikita ko siya na nagstrum ng guitar and I saw the pain through her eyes. Ilang beses ko na din siyang nahuhuling umiiyak dahil sa kanyang sakit.
Isang araw, nakita ko siyang may takip sa ulo na akala mo bagong ligo. At first I just ignored it. Ayoko naman pakialaman ang mga private stuffs niya. Then gabi na, ganun pa rin ang ayos ng kanyang buhok so out of nowhere I asked her.
"Brand, hindi ka ba nahihirapan diyan sa ulo mo? Blower mo kaya para matuyo agad."tumawa siya at nagkibit balikat.
"I'll be fine. Maganda bang style ito?"
"Hahaha! Funny..."
"Hey... pikon." then pumasok sa kwarto kaya sumunod din ako. Matutulog na kami pero andun pa rin yung takip niya sa ulo at walang ano ano hinablot ko ito dahil nabwebwesit akong tingnan na matutulog na eh may patakip takip pa siya sa ulo knowing na kaming dalawa lang sa bahay. At hindi ako nakapagsalita sa nakita ko. Maging si Brandi hindi niya ako kayang tignan kaya napayuko na lang siya. "I'm no longer beautiful..." narinig kong sabi niya. I knew nagbibiro lang siya pero ako, sunod sunod na luha ang nagsipatakan mula sa mga mata ko. She's losing her hair. Yung long, smooth and silky hair of Brandi, now kaya mo nang bilangin sa mga kamay mo. Mabilis ko siyang hinatak palapit sa akin para sabihin sa kanyang she will never walk alone. Sasamahan ko siya sa paglaban sa kanyang sakit. Pareho kaming nag iyakan.
"You are still beautiful Brands, tandaan mo yan."
"Naku, sinabi mo lang yun para pagaanin ang loob ko."sabay pahid ng kanyang luha.
"No. May buhok ka man o wala, maganda ka pa rin."sagot ko at panay singhot. Iyon ang simula na naging malapit pa kami lalo sa isa't isa. There's no romance between us. Para na kaming magkapatid, or mag bestfriend.
Hindi na din siya nagpa chemo dahil gastos lang daw. Sinubukan niya ng ilng beses pero yun nga wala namang nangyari. Kaya tinigilan na niya ito. Sa mga nalalabi niyang araw, kung saan saan kami nagpupunta. Dito lang kami nag-iikot ikot sa loob ng bansa. Madami din namang magagandang tourist destinations as long as na alam mo kung paano yun puntahan. No need na pumunta ka sa ibang bansa kung bundok lang naman ang gusto mong makita. Beaches? We are richer than you think when it comes to beautiful places. Sagana tayo diyan. Kulang lang tayo sa pagpapalaganap para makilala tayo sa ibang bansa. Instead we promote our country, eh tayo din ang gumagawa ng paraan para matakot silang pumunta sa bansa natin.
Matapos namin mapuntahan yung mga nasa wish list niya, dito na lang kami nag ikot ikot sa Bicol. Sobra siyang natuwa. Gusto ko nga siya batukan one time. Nasa may dalampasigan kami that time.
"Babe, pwede na ako kukunin ni Lord alam mo kung bakit?"Napasulyap ako sa kanya kaya nagtama ang mga mata namin. "Kasi kasama kitang mamasyal sa mga lugar na gusto kong puntahan. Masayang masaya ako na aalis sa mundong ito. Tanggap ko na ang kamatayan ko babe."
Tumulo ang luha ko sa kanyang mga sinabi. Ako kasi hindi ko matanggap na any moment mawawala na pala siya. Pero siya, she's brave enough to accept death. Ako? Baka nga makiusap pa ako kay kamatayan niyan.
"Pakiusap Yana, don't cry on my grave. Kasi baka babangon ako at isasama ka sa kabaong ko. Gusto mo ba yun?"
Para akong bata na umiling. Ayoko nga. Naiisip ko pa lang na kakainin ako ng mga worm nahintakutan na ako.
"Don't worry hindi ako iiyak. Magpaparty pa ako. Maghahanda ako ng mga favorite foods mo."sagot ko sa kanya na alam niya naman nagbibiro ako. Sinasabi ko na hindi ako iiyak pero nakita niya kung paano magsidaluyan ang lecheng luha ko na para bang hindi na matapos tapos. "May fireworks display pa yun at madaming balloons. Kasi hindi ka naman mahalaga sa akin."sambit ko na kinakagat ko ang lips ko while in tears. "Magiging masaya ako sakaling mawala ka na. Sino ka ba para sa akin. You mean...nothing huhuhu ...to... me... huhuhu."napahagulhol ako sa sobrang bigat ng dibdib ko. Ang hirap naman ng naging sitwasyon ko. Yung alam mong nagpapaalam ka sa taong hinding hindi mo na makita pa.
"Shhhh... Sabi ko huwag mo akong iyakan di ba? Ano yang ginagawa mo?"
"Haha! Wala practice lang. Balak ko kasi mag artista. Baka sakaling maging Sandra Bullock ako or Angelina Jolie. Kaya ngayon pa lang nagpapractice na ako."
"Yeah right..."sambit niya at lumapit sa akin then she let her head rested on my shoulder while watching the sunset.
After weeks, nauna akong gumising sa kanya since pinapahinga ko lang siya. Ilang gabi din kasi na wala siyang tulog dahil sa sakit niya kaya hinayaan ko lang siyang mag sleep in. Tinext ko na lang yung mga tauhan namin na sila muna ang bahala sa tindahan. Okay naman sila at maasahan sa pera at negosyo. I was preparing our breakfast and after ko ma set ang table, pumasok ako sa kwarto para gisingin si Brandi.
"Branddd...babe.. wake up na pupunta pa tayo sa tindahan. Babeee.. babee na panget wake up na. Hay naku sige ka ubusin ko yung kamatis at daing mo at saka fried rice."
Yun kasi favorite niyang kainin sa umaga. Or coffee and pandesal na may butter. Ako naman natuto na din ako sa kanya. Normally cereals, oatmeal at toast lang ako sa morning. Pero magaling kasi na promoter ng daing at kamatis ang babae na ito. Hindi ako nakatiis kaya nilapitan ko siya at niyugyog sa balikat since patagilid siyang nakahiga.
"Brandi! Hoy gising na... Brannd...?"
Napansin ko na parang nag iba na ang kanyang kulay. Kaya kinapa ko ang kanyang forehead. She's freaking cold. I checked her pulse, I can't find any pulse rate. Nagsimula na akong kabahan at this time naiiyak na ako. Muli ko siyang ginising.
"Brandi! s**t naman Brand ano ba?!!! Huhuhu! Brandi wake up!!! Brandiiii!!!"
I tried to change her position from lying on her side and now she's lying flat. Nakatitig lang ako sa kanyang dibdib maybe it will raise up and down pero negative na talaga. Nilagay ko ang daliri ko sa may ilong niya, wala nang breathing. Maybe nasa denial pa rin ako though Brandi just left the physical world at hindi ko lang matanggap ang bagay na yun.
"Brandddiiiiiiiiii huhuhu! Shittttt ka! Branddiiiiiiii!" i was hugging her so tight. Nasa ganun akong position then tinabihan ko siya habang nakayakap ako sa kanya. "Ang daya daya mo. Hindi mo man lang nahintay na magcelebrate tayo ng birthday mo. Di ba sabi ko sayo pupunta tayo ng Thailand? Then why you left so sudden? Bakit anong meron doon sa taas? Hindi ba sila makapaghintay? Hindi ka ba nakiusap na bigyan ka pa ng ilang days para sa birthday mo?"
Hindi ko alam kung ilang luha ang pinakawalan ko that day. Kahit yung kumakatok sa bahay, hindi ko na narinig pa. Mabuti at hindi naman yun nakalock. Pumasok si Mang Kanor at hinahanap ang susi ng truck. Nadatnan niya ako sa kwarto namin ni Brandi na umiiyak.
"Mia...anong nangyari?" Mia kasi ang pakilala sa akin ni Brandi sa taga rito. Kapag kaming dalawa lang ni Brandi si Yana ako.
"Mang Kanor...huhuhu...si Brandi..."
"Diyos na mahabagin."sabay tingin niya sa akin at inakap niya ako. Yung yakap ng isang ama para sa kanyang naghihinagpis na anak. Kaya lalo akong umiyak sa kanyang mga bisig. Yung para bang binibigyan niya ako ng lakas dahil sa pagkawala ni Brandi sa amin. Ang alam kasi ng mga tao dito, mag bestfriend kami ni Brandi.
Dumating ang mga kaanak ni Brandi. And hindi naman ako nahirapan sa pagpapalibing sa kanya Since may nabili pala siyang plan para sa sarili niya, yun na ang ginamit namin. Maybe ayaw niya lang kami at ang pamilya niya magsuffer about sa gastusin. Ang mahal kaya magpalibing. Hindi din namin pinatagal ang pagpapalibing dahil andito naman mostly ng mga kaanak niya kaya after few days hinatid na namin siya sa kanyang resting and final place.
On the day of her funeral, parang ako yung kamag anak. Ako mostly ang nag-asikaso. Pero yung mga pinabibigay niya sa mga kaanak niya dahil nag iwan siya ng maliit na note, ayun pinakita ko sa kanila at alam nila na it's Brandi's penmanship. Baka kung makita nila ang handwriting ko,sasabihin nila na nagmamadali ka? Talo mo pa sulat ng doctor. Kaya wala silang reklamo dahil nakita nila kung paano ko ginawang maging maayos ang pagpapalibing sa kanilang kamag-anak. They thanked me for all my efforts. Well ginawa ko yun para kay Brandi. Kahit nagkamali siya hiningi niya naman ng tawad yun. Nag distribute kami ng white balloons para sa lahat. Then nagpagawa ng banner na may nakasulat with her picture 'Advance happy birthday Brandi. We Love You and you'll be forever in our hearts.'
After magsalita ng ilan sa mga kamag anak niya at kaibigan, they let me speak in behalf of Brandi.
"Bago po tayo maghihiwalay, gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat na dumalo para ihatid natin ang ating mahal na si Brandi. Masakit man sa atin na mawala siya sa atin pero si God na ang may gusto na kailangan na niyang lisanin ang mundo ng mga buhay."napapailing ako then I continued talking while looking at her casket. "Sometimes God stirs us out of comfortable situations in order to stretch us and cause us to use our faith. We may not like it, and it may not always be comfortable,but God loves us too much to just leave us the way we are. Brandi, you asked me before not to cry right, but darn it Brands kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na huwag umiyak pero dinadaya ako ng sarili kong katawan. Ever since we met, I've known that we're special. Hindi ko sinabi na pareho tayong may sakit sa utak. What I mean is that, the way we talked and laughed around each other is different than everybody else. Isa ka sa mga nakilala ko that I can trust. I just want to thank you for all the years we've been together. Minsan nag-aaway tayo,nagkapikunan, nag-aasaran, pero hindi naman tayo umabot sa punto na nagbabatuhan ng gamit sa bahay. Since wala naman akong binili na gamit sa bahay mo kasi pinatira mo lang naman ako dun kaya wala akong pwedeng damputin para ibato din sayo." they were laughing at me. Pati ako natatawa sa mga pinagsasabi ko. Paano ba yan, i guess hanggang dito na lang talaga ito. Promise hindi ako iiyak kasi baka nga gagawin mo yung sinabi mo sa akin na kapag iiyak ako dito ngayon, isasama mo ako diyan sa loob. Pero di ba walang space for me kaya mag isa ka diyan."muli kong pagbibiro. "Mamimiss kita leche ka."then I cried...
END OF FLASBACK
Haysss..Nailibing na namin si Brandi pero walang Alexis na nagpakita. Police siya she probably did some investigations sa akin at sa aming lahat kaya alam ko na alam niya ang mga nangyayari.But then ilang taon na ang lumipas wala kaming narinig na kahit ano. Pero hanggang sa ngayon umaasa pa rin ako na babalik ang asawa ko one day. At sa mga panahon na lumipas, ni Hindi man lang ako nagkaron ng pagkakataong makakilala ng taong magpapatibok muli sa aking pihikang puso. Kahit madami namang babae diyan sa tabi tabi, ngunit wala man Lang akong naramdaman kilig sa mga iyon. Mas lalo namang hindi ako kikiligin sa mga lalaking nakikitaan ko ng mga abs abs na iyan.
Itong si Kiray kulang na lang ingungod ang mukha sa tiyan ni Gabriel. Si LJ ki bata bata pero naku akala mo may alam na sa pag ibig na yan. Kung inasikaso ang pag-aaral hindi siya uuwing may itlog na dala. Ewan kung ano ang ginagawa sa school kaya ayun pinagalitan ni Mang Kanor. Dagdag pa itong bagong pasok sa akin na si Pating, walang ibang alam kundi humugot. Paano kasi may bagong hire ako si Patricia Timawa, ayun kapag nagtipon tipon na silang tatlo puro ngawa na ang babae na iyan. Niloko daw siya ng lalaking mahal na mahal niya. Kaya ayun walang katapusang hugot ang pinagpopost niya. Yung pinabasa sa akin ni LJ na post niya is "MAY MGA TAO TALAGANG KAYA KANG PAKILIGIN, PERO HINDI KA KAYANG IBIGIN."(from hugot Queen Chelsea Lmao hindi na po ako nagpaalam)Sigunda din si Kiray na akala mo may lablyf. So far wala pang natalisod na tao para siya mapansin. Hindi ko nga alam baka natakot sila sa kanyang crispy pata at sa kanyang layer of bills. Basta alam niyo na yun.
Andito na Kaming lahat sa front yard at nagpapahinga. Ako busy sa pagkukwenta ng aming kinita. Syempre, magpapasahod ako sa aking mga tauhan. Yung iba sa kanila, mga tauhan pa ito ni Brandi at nagtatrabaho pa rin sa akin kagaya ni Mang Kanor. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbubudget ko ng marinig ko ang usapan ng tatlo. Nakikinig Lang ako sa kanilang usapan. At ang naging pulutan nila ang Mendez brothers. Madalas nila itong i-stalk sa i********: at twitter.
"May pasayaw sa plaza punta tayo...aattend daw si fafa Mike dahil siya yata ang tatakbong mayor sa susunod na halalan kaya ayun siya ang guest of horror. "si LJ kausap si Kiray at Patring na nag one on one sa Tanduay. Napatawa naman kami sa kanyang sinabi. Grabe ang batang ito,daming alam eh. Wala kasing trabaho bukas kaya pahinga kaming lahat. Pero the following day which is Market day, ayun Grabe halos wala na kaming pahinga. Kaya early morning, busy na ang mga tao ko. Tapos kapag may mga celebrations naku grabe. Mas lalo na Christmas at New Year plus birthday, weddings, binyag,graduation and fiesta. Kaya nga pinagpatuloy ko ang negosyo na sinimulan ni Brandi dahil nakita ko kung paano pumasok ang pera ng ganun ka bilis.
"Kilan naman ang pasayaw?"si Kiray at nagpapapak ng mani/peanut.
"Sa darating na friday na. Wala namang pasok kinabukasan di ba."sambit pa niya. "Ate Mia, sama ka sa amin punta tayo sa sayawan. Baka andun si Dok Gabriel.."
"UUuuuiiii, may doc gabriel na siya." tukso ni Kiray na biniyayaan ng malaking crispy pata. Inirapan ko nga.
"Hahaha! Hala, napikon si ate Mia.Uy punta tayo Kiray."segunda ni Pating.Makikita na sa mukha ang pamumula dala ng alak. Napangiti ako ng lihim sa kanilang dalawa. Ito naman si LJ kanina pa nakatingin sa phone. Malapit na ngang malipat ang pagmumukha niya at forever nang maging screen saver eh. Hindi ko yata siya nakita na nilapag niya ito ng isang oras.Then nagulat ako ng may tumunog, si LJ pala ang may pakana. Biglang tumayo ang lasing na si Pating at gumiling giling. I bit my lower lip dahil hindi ko alam kung yung sayaw niya dala ng kalasingan o ganun talaga siya sumayaw.
"Whooo! Giling pa ate Pating!"hiyaw ni LJ na kumikembot na rin. Napataas ako ng kilay sa batang ito, may talent.
"So ano ate Mia pupunta ba tayo sa friday?" tanong sa akin ni Pating at atras abante kung sumayaw. Nagpuppy eyes pa silang tatlo. Haysss... Okay na nga.
"Sige na nga. Pero hindi tayo magpapaumaga ha. Kailangan pa natin maghagilap ng mga baboy para sa darating na fiesta. At saka para may masakyan din kayo pauwi."
"YUN OH!!" sigaw ni Kiray at napahampas pa sa hangin. Kawawang lamok na tinamaan ng kamao ni Kiray.
FRIDAY
Alas syete ng gabi nagbibihis na itong mga dalaga kong alaga. Tawag ko minsan sa kanila Mia's Angels. Tuwang tuwa naman sila kapag yun ang tawag ko. Nagsuot lang ako ng white long sleeve at tinupi ko hanggang elbow tapos nag skinny jeans and black high heels shoes.
Nag spray ng pabango at kinuha ko na ang susi ng sasakyan at nauna na sa labas. Nakasandal ako sa hood ng sasakyan ng lumabas ang tatlo at sinipat ako mula ulo pababa. Wow, xray machine?
"May mali ba sa suot ko?"
"Ate Miaaaaaa!! Ang seksi niyo po!" si Pating yan. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Naku, sigurado na isasayaw ka ni Doc Gabriel niyan mamaya." segunda ni LJ.
"Hay naku, magsitigil na kayo. Tara na at para makauwi tayo agad."
"Ate Mia hindi pa tayo nakarating doon, uuwi na tayo agad?"naka pout na ingos ni Pating.
"Oh sige hindi na tayo aalis..."
"Ate Mia wagggg! Paano na itong mga outfit namin. Malay mo doon namin makikilala ang aming FOREVER..."
"Kiray, WALANG FOREVER. Trust me..."
Hanggang sa sasakyan nagdiskusyon pa kami about sa leche na forever na iyan. Yeah, walang forever period. Makalipas ang ilang saglit, narating na namin ang plaza. Madaming tao. May bata, matanda, may ngipin meron ding wala. May mga dumating na talagang dressed to kill. Sinamahan ko na ang tatlo na pumasok sa loob. Then napatingin sila sa amin. Akala mo naman nakakita ng artista eh.
"Kirayyy! Dito kayo umupo."tawag ng isang babae kay Kiray. Sinundan lang namin sila. Tahimik lang akong nagmamatyag. Umiiral na naman ang pagiging agent ko. Mabuti na lang naglagay ako ng off lotion kaya hindi sila makalapit sa akin. Pinagamit ko din ang tatlo para hindi din sila lapitan. Kawawa ang lamok na lalapit kay Kiray magka diabetis siya. Kung si Pating naman baka puro hugot lang ang alam ng lamok. Then biglang nagkaron ng ingay mula sa labas ng gate. Sa pinas talaga kahit mayor bodyguards pagkadami dami. Napapailing ako then nakita ko si Gabriel na may akay akay na dalawang bata. Hindi ko mamukhaan masyado dahil natatakpan ng mga bodyguards. Then nakita ko si Mike na sinasabi nila may hila hila siyang babae. As usual kahit matangkad ako hindi ko din makita ang mukha.
Pumunta na sila sa gilid ng stage. Then may nagsalita. May kumanta at sumayaw. Lumabas muna ako at hinila si Kiray.
"Bili muna tayo ng drinks. Nakakauhaw ang init dito."
"Matao kasi kaya ayan ang init. Mamaya iba iba na ang maaamoy mo. Hahaha."
"Hahaha. Tama ka."
Lumabas kami at bumili ng apat na drinks na pinaglalagay sa plastic. Pagbalik namin sakto lang na tinawag ang nasabing Mike at masigabong na palakpakan ang mga nanonood. Siya nga pala ang guest of horror according to LJ. Bumalik kami sa aming pwesto at tahimik na nakikinig.
"Magandang gabi mga kababayan. Nag eenjoy ba ang lahat? It is a great, great honor and privilege to be here with you today. Kaya gusto ko magpasalamat sa lahat dahil ako ang napili niyong maging panauhin. Siguro naman kilala na ng halos karamihan kung sino ako at sa iba na nandito na hindi pa ako kilala, ako po si Mike Mendez. Kasama ko din ang aking maybahay na si Andrea Mendez at mga anak namin na sina Sophia at Cedric. Madami pa akong sasabihin pero nakikita ko kung gaano na ka excited ang ating mga nagagandahang mga dalaga at mga poging binata par maisayaw ang kanilang mga napiling dalaga sa loob ng sayawan. Kaya para masimulan na, maestro play our song!"
"Whoooooo!!!" hiyawan ng mga tao. Pati itong mga kasama ko napapaindak. They played a kinda romantic and sweet song na talaga namang mapapayakap ka ng husto sa kasayaw mo lalo na kung mahal na mahal mo ito.
Nagpunta na sila sa gitna. Kumapit agad yung misis niya sa leeg ng kanyang asawa(Mike) at nakangiti sa isa't isa habang sinasabayan ang nasabing music.
YOU AND I KENNY ROGERS
All the man I am
You are the reason for me
You help me understand
I'll be your shelter from rain
That never ends
Girl, you've always got a friend in me
All the love we had
I should've known our love
Was older than the past
Throwing my life away on songs I never heard
Just the speaking of a special word
I made you die inside, but you loved me..
Hindi kay Mike nakatuon ang paningin ko kundi sa asawa niya. Ang ganda niya. s**t! I know she's married pero bakit ganito ang pakiramdam ko sa kanya. Nasa ganun akong pag iisip ng may nakatayo sa harapan ko.
"Hey gorgeous, may i have this dance?" narinig ko ang hagikhikan ng tatlo na parang kinikilig. Ayoko namang tanggihan siya kaya ayun sumama na lamang ako at lalong naghiyawan ang lahat ng pumagitna kami ni Gabriel.
And don't believe the word
No the word can't give us paradise
When you make your love to me
Till I just could not see the light
As long as I got you
As long as you got me
As long as we got you and I
Hinapit niya ako palapit sa kanya at napahawak ako sa may balikat niya at isang kamay ko hawak niya. Then we start swaying, side to side. Sinasabayan namin ang magandang tugtugin. At pa minsan minsang mag usap.
"You look beautiful tonight Mia. I'm glad you came. I was surprised to see you at the crowd. Ayoko maniwala na Ikaw yung nakikita ko but when I looked at you for the second time, ayun naniwala na ako. Thank you for coming oh di ba may naisayaw ako na maganda."
"Gosh.. Bolero here." Natatawa ako. "Sinamahan ko lang yung tatlo. Para may masakyan sila pauwi and ang gwapo mo din ngayon Doctor Mendez."
"Hahaha! Ayaw patatalo. Basta thank you and I had a great time with you. Look forward to do it again sometimes."
"Tsk! We'll see." Sagot ko at natatawa. Saktong sa amin nakaharap ang asawa ni Mike at ngumiti siya sa akin. I was stunned by the way she smiled at me. Parang....parang...oh gosh. Minumulto na yata ako ng asawa ko. Ayokong isipin na wala na nga siya. No she's still alive.
"Are you okay?"
"Yeah. I'm fine. Hehehhe."
I won't let you down
No better love will be there
When you turn around
I'll be living for you till the oceans turn to sand
There will never be any man
Could love you just the say
That I love you
So don't believe the word
No the world cant't give us paradise
In the eye within the storm
When I just could not make it through the night
As long as I got you, as long as you got me
As long as we got you and I
After ng aming sayaw lumapit sa amin ang mag asawa.
"Hey bro, who's this gorgeous woman you're with?"he asked and he glanced at me and to his wife with wink pa.
"Okay guys, this is my friend Mia. Um Mia this is my brother Mike and his wife Andrea."
"Hello Mike nice to meet you." I waved and smiled at them. Then I turned to his wife. " Hi Andrea kamusta?" At nakita ko na gusto niyang makipag kamay kaya inabot ko ang kamay niya para kamayan.
"Hello Mia.. I'm fine..."
I almost collapse when I heard her voice. My heart start to raise while staring at this woman in front of me.