"Hey bro, who's this gorgeous woman you're with?"he asked and he glanced at me and to his wife with wink pa.
"Okay guys, this is my friend Mia. Um Mia this is my brother Mike and his wife Andrea."
"Hello Mike nice to meet you." I waved and smiled at them. Then I turned to his wife. " Hi Andrea kamusta?" At nakita ko na gusto niyang makipag kamay kaya inabot ko ang kamay niya para kamayan.
"Hello Mia.. I'm fine..."
I almost collapse when I heard her voice. My heart start to raise while staring at this woman in front of me.
******************************
Matapos ang pakikipag usap niya sa mga Mendez, hindi na ito natahimik pa dahil sa babaeng ngayon lang nakita ngunit pinagulo nito ang kanyang isipan. Kaya kahit sa daan wala itong kibo na para bang wala siyang kasama. Sa ingay ng tatlo halos wala itong narinig sa kanilang pinag uusapan. Lumilipad ang isipan niya.
"Sino siya? Bakit...Bakit ganun ang kanyang boses at kahit yung lambot ng kanyang mga palad parang...shit... I need to investigate that woman."
"ATTTTEEEEEEE!" si Pating.
SCREEEEEECCCHHHHHHHH!!!!!!!!!
AAAHHHHHHHHHHHH!!!! Subsob ang mukha ni Kiray sa dashboard, ang mukha naman ni Pating sa likuran ng upuan napasubsob at si LJ napakapit sa upuan ni Yana/Mia.
"Bakit ka sumigaw?!" worried na tanong ni Mia sa kasama.
"Eh kasi ate kanina pa kami tanong ng tanong sayo eh parang hindi mo kami naririnig. Kaya nag-aalala na kami sayo baka mamaya bigla na lang tayo lilipad, o baka gawin mong submarine itong pick-up truck mo. Ayoko maglakad sa totoo lang dahil masakit ang paa ko." Ingos ni Pating.
"Paano naman kasi bakit ka nagsuot ng ganung kataas na takong na hindi ka pala sanay." Sermon naman ni Kiray.
"Alam niyo lalo tayong maaksidente diyan sa ginagawa niyong pagsigaw sigaw na yan eh." Si Yana. "Anyway, okay lang talaga ako. Gusto ko lang mag concentrate habang nagdadrive.
"Ikaw kasi ate Pating."si LJ.
"Oo nga." Segunda naman ni Kiray. Then pareho silang nagulat ng biglang may pumutok. Nang lumabas silang apat para tingnan ang pangyayari, nakita nilang pumutok ang gulong ng sasakyan.
"Ayaaannn! Yan ang sinasabi ni ate Mia na mangyayari." Si Kiray ulit. Tahimik lang si Pating.
"Paano na tayo nito? Alas dose na at wala nang sasakyan na dumadaan dito." Wika ni LJ.
Tiningnan ni Yana ang spare tire. Flat din ito. Nakalimutan niya pala itong mapalagyan ng hangin. Napakamot sa ulo ang dalaga. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Wala ni anumang ilaw na nanggagaling sa ibang mga sasakyan. Nagbabakasakaling may magpasakay sa kanila. Then isang motorist ang tumigil sa kanilang harapan. At gaya ng karaniwang reaksyon ng mga kababaihan, laglag panga na naman ang tatlo maliban kay Yana na walang epekto ang mga ganitong pangangatawan at pagmumukha.
"Ahem, good morning... mukhang kailangan niyo yata ng tulong ah..." sabay alis ng helmet at ang tatlo napakagat ng kanilang mga labi. Lumapit ang lalaki kay Yana.
"Yeah, sumabog ang front tire kasi and meron akong spare tire diyan pero flat din." Si Yana. Nakita niya naman ang tatlong nakatingin sa kanila at nakikipag sampalan sa mga lamok. Hinubad ng lalaki ang black leather jacket at nagtanong ng mga gamit para mapalitan ang gulong. He even checked the other tire unfortunately they can't use it dahil wala talagang hangin. Napahawak sa bewang ang lalaki habang pinagmamasdan ang nasabing flat tire. Napakagat pa ito ng labi. Then sinuot ang helmet at sumakay ng kanyang motor.
"I'll be right back." Tumango lang ang tatlong babae. Pagkaalis ng lalaki, bumalik sa loob ng sasakyan ang tatlo at nakinig na lamang sa music. Then nagkwentuhan at ang naging pulutan, si Yana dahil isinayaw ito ng doctor na si Gabriel ngunit ang isipan ng dalaga nasa asawa ni Mike.
"I need to know who is that woman...Magkaboses sila ni Alexis at kahit yung lambot ng kanyang mga palad para bang yung palad na pinanabikan kong muling mahawakan."sambit sa isipan.
"Naku ate Mia, nagdaydreaming kay Fafa Gabriel. Uyyyy!" panunukso ni Pating. Napapangiti na lamang si Yana sa mga kasama niya. Then bigla silang nagulat ng may tumigil na sasakyan sa kanilang harapan. Bigla silang kinabahan at nagkatinginan. Biglang nagbaba ng bintana ang driver at tumambad si Kuya pandesal (may abs kasi, sarap sawsawan hahaha) Unang lumabas si Yana, kasunod si Pating. Si LJ kumapit sa braso ni Yana. Si Kiray naman sinisilip ang laman ng sasakyan sa likuran at biglang napaatras sabay turo sa may bandang likuran.
"Po-pogi...m-may la-laaman ba y-yung ka-karggaa sa lik-kkood?"
"Hoy Kiray umayos ka nga kung magsalita..." saway ni Pating.
"Oh sige kung matapang ka,sumilip ka sa likuran!" utos kay Pating na sumunod naman ito. Nakamasid lang ang mga kasama at ayun sumilip nga si Pating at biglang kumaripas ng balik payakap kay Yana. Bigla itong namutla na parang suka. Tawa naman ng tawa si Kiray.
"Hahaha! Matapang ka ha! Oh ano haa! Haa! Sige dun ka sumakay.." panghahamon ni Kiray kay Pating na inirapan na lamang nito.
"Hey tama na iyan!" si Yana. Hinarap ang lalaking halos mamatay matay sa kakatawa. "At ikaw, bakit may ganito ka? Sasakyan ng patay at may karga pa sa likod. Yun ba eh may laman?"
Napangiwi ang lalaki sabay kamot sa ulo.
"Sorry ganda. Nataranta na kasi ako kaya pasimple ko lang yan kinuha sa garahe ng punerarya na pag aari ng uncle ko. Kesa naman lamukin kayo dito kaya ito ikinuha ko kayo ng masasakyan at ng maihatid kayo sa inyong uuwian." sambit nito at ngumiti. Nakapamewang na hinarap ni Yana ang tatlo.
"Guys... yan ang magiging sasakyan natin pauwi sa bahay, okay lang ba sa inyo yan?" turo niya sa hearse, nagkatinginan ang tatlong babae na hindi alam kung tatango o what.
"Ate Mia, ta-ttabiii po ako sa inyooo." si LJ na nakakapit sa damit ni Yana. Bigla siyang ngumiti at inakbayan ito.
"Sige, sa harapan tayo at kayong dalawa sa likod ha..."
"Ay ate Mia...walang ganyanan..." si Pating..."Si Kiray na lang doon kasi matapang naman siya eh." then nakita nila sa may bandang likod ang lalaki na binuksan ang kabaong. Then lumapit sa kanilang apat.
"I think nakalimutan nilang kunin yung patay sa likod. Pero harmless naman siya eh."
"Harmless?! Eh halos mamatay matay na ako sa takot punyeta naman!" si Kiray. Ngumiwi na lamang ang lalaking may pandesal. Napapapiksi naman si LJ at Pating lalo na nang malamang may laman ang kabaong. Tawa ng tawa si Yana sa dalawang nagtutulakan sa pag-akyat sa sasakyan. Kinuha ni Yana ang gamit niya sa truck at sumakay na sila ni LJ sa harapan. Nilingon niya ang dalawang magkayakap sa likod.
"Okay lang ba kayo diyan?" sabay ngisi niya ng nakakalok. Gustong gusto niya nang matawa dahil sa hitsura ng dalawang babae sa likod kasama ng kabaong.
"O-okaay laangg...aahhh... ateee namannnn..." si Pating na halos ayaw idikit ang balat sa kabaong.
"Shhh... Ingay niyong dalawa diyan, kapag yan magising..."pananakot niya sa magkayakap na Pating at Kiray. Then nagsalita ang lalaki.
"Tara na?"
"Yah.. Baka mapaihi yung dalawa kong kasama sa likod sa sobrang takot eh hahaha."
"Pasensiya na ito kasi ang dinadrive ko everyday. Doon kasi ako nagtatrabaho kaya sanay na ako makakita ng patay."
"Embalmer ka Kuya pogi?" si LJ.
"Hindi. Ako yung nag aarrange para sa pagpapalibing. Pag-aari siya ng Tito ko na nag migrate sa Italy. Since walang may gusto na ipagpatuloy ang nasabing negosyo, sa akin ito iniwan. Then nakita ko naman na okay naman pala siyang business kaya tinuloy ko na." sagot nito. Binalingan ng tingin si Yana na nasa labas ang paningin. "Ikaw miss ganda hindi ka ba natatakot?"
"Huh saan?"
"Makakita ng patay?" ngumisi ng nakakaloko si Yana. Hindi niya lang masabi na sa trabaho niya halos sa isang araw ilang patay ang nakikita niya at minsan hahawakan pa niya ito lalo na kung medyo maselan ang kaso at kailangan maging maingat sa pag conduct ng investigation.
"Hindi. Kasi sabi nila, matakot ka sa buhay hindi sa patay na wala nang magagawa upang manakit ng kapwa."
"Tama ka diyan miss Ganda."
"Mia na lang. Unlimited ka na diyan sa sinasabi mong ganda eh." wika nito at napapangiti. Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay hanggang sa mapadaan sila sa kalsadang hindi man lang nagawang ipaayos ng government officials. Para silang pinagrarambol sa loob ng hearse. Maging ang kabaong napapaatras abante na rin kaya lalong natakot ang dalawang sakay sa likuran na baka sa sobrang lubak ng kalsada, sa labas na pupulutin ang patay.
"Miss pwede pakihawakan naman yung kabaong baka kasi mahulog sa sobrang tagtag nitong kalsada eh." pakiusap ni Kuyang pandesal sa dalawang babae na malapit nang magkapalit ang mukha sa sobrang dikit. Napalingon ang tatawa tawang si Yana sa likuran.
"Narinig niyo yun di ba? Hawakan niyo na at baka mahulog pa yan. Kawawa naman ang sakay diyan sa likod."
"Ateeee!!! Kainis naman eii..." ingos ni Kiray.
"Akala ko ba matapang ka? Sige ikaw humawak diyan at baka mahulog." si Pating. Binigyan ito ng nakakamatay na tingin ni Kiray.
"Sorry guys ha. Itong kalsada kasi na ito mukhang nakalimutan na ng ating mga opisyales. Malamang saka na naman nila ito mapansin kapag malapit na ang eleksyon."
"Naku, hindi na bago yan sa bansang Pilipinas. Hehehe."sambit ni Yana.
Nagturuan naman si Pating at Kiray sa paghawak sa kabaong dahil sa sobrang lubak ng kalsada na akala mo nakasakay sila sa roller coaster. Hinubad ni Kiray ang sapatos at pinatong sa kabaong dahil panay ang galaw nito sa sobrang rough ng road. After nila malagpasan ang nasabing kalsada, naging smooth na ulit ang kanilang byahe. Nakatulog na din ang dalawang babae sa likod sa sobrang pagod at antok. At ayun ginawang sandalan ni Pating ang kabaong at nakanganga pa. Si Kiray, ginawang patungan ng paa at tulo laway naman. Si Yana hindi dinalaw ng antok at sinabayan ang lalaki sa pagpupuyat.
"Saan nga pala kayo galing?"
"Hays.. Sinamahan ko lang itong tatlo na pumunta sa sayawan. Ayoko naman kasing hayaan silang maglakad ng madaling araw sa gitna ng kalsada. Alam mo na kung gaano ka delikado ang panahon ngayon.."
"Ay diyan sa may plaza. May nagyaya din sa akin na pumunta kaya lang kailangan kong ihatid ang pamangkin kong babae sa terminal ng bus pabalik ng Manila kasama ng mga friends niya na nagbakasyon dito sa amin ng tatlong araw."
"Oh i see. Anyway, diyan lang kami sa may gate na blue."turo ni Yana sa gate na nasisinagan ng ilaw. "Salamat ulit sayo ha ahm.."
"Fernando Dimagiba."
"Okay lang na Fern tawag ko sayo?"
"Yeah mas mabuti pa nga. Huwag lang sa last name ko at sobrang bantot. Hahaha." then tumigil sila sa di gaano malaki at di gaanong maliit na bahay. Nag-usap muna ang dalawa sa loob then Lumabas ang driver na si Fernando para buksan ang likuran at saktong lumabas ng gate si Mang Kanor na nagtataka dahil nakita niya ang kabaong. Napa sign of cross pa ito at biglang kinabahan. Nanlaki ang mga mata ng makitang bumaba sina Kiray at Pating na halos hindi na makausap. Sabog ang mga mukha.
"Diyos na mahabagin, anong nangyari?" tanong ni Mang Kanor sa kanyang isipan.
Then lumabas sa harapan ang aantok antok na si LJ at ang natatawang si Yana habang nakatingin sa dalawang kumaripas ng pasok sa bahay para maglinis ng katawan. Nagmano si LJ sa Lolo at pumasok na sa loob. Naiwan naman si Yana para magpasalamat sa lalaki.
"Fern, thank you sa libreng paghatid sa amin dito ha."
"Naku walang anuman. Pero maaring bang dumalaw dito bilang bayad sa paghatid ko sa inyo?" tanong nito na kakamot kamot sa ulo.
"Sure! Basta ba huwag na ito ang dalhin mo at baka himatayin yung mga kasama ko pati mga alaga kong baboy."
"Hahaha, oo ba. Sige um.."
"Mia.."
"Oh sige Mia, mauna na ako. See you sa susunod."
Kumaway na lamang ang dalaga sa paalis na lalaki at hinarap ang matanda.
"Good morning Mang Kanor..."
"Anong nangyari sa truck mo?"
Naupo ito sa may upuang kahoy sa labas ng kanilang bahay. Isang malalim na buntong hininga at tumingin sa kawalan.
"Ayun po, sumabog lang naman ang sa unahan. Tapos ang dala kong spare tire, ayun flat din."
"Sandali at puntahan ko si Julius baka makahiram tayo ng sasakyan at hilahin na lang yung truck mo. Naku Mia, baka bukas kahit gulong nun hindi mo na matagpuan. Balikan natin yung truck mo."
Bigla silang nagulat dahil nasa labas pa pala ng gate ang inakalang umalis na lalaki.
"Akala ko ba umalis ka na?" takang wika ni Yana.
"Hindi pa eh. Tinawagan kasi ako na kailangan ko daw dalhin sa isang funeral homes yung patay sa likod."
"Ganun ba. Sige na..." si Yana.
"Ah kailangan niyo ba ng ride?" nagpalipat lipat ng tingin ang lalaki sa dalaga at sa matanda.
"Uy ano ka ba. Wag na. May alam na kaming pwede namin mahiraman ng sasakyan. Salamat Fern."
"Sure ka diyan ha..."
"Oo nga. Sige na hatid mo na iyang sakay mo sa likod at baka kanina pa iyan naiinip."sambit nito at ngumiti sa lalaki.
"Sige mauna na ako ha. Basta Mia pwede ako dumalaw dito ha."
"Oo naman. Kaya sige na."
Tumalilis naman ng alis ang lalaki. Narinig pa nila Yana ang pag andar ng makina at paunti unting nawawala sa kanilang pandinig ang ugon ng sasakyan. Walang ano ano, may sasakyan na pumarada sa harapan. Jeep na hiniram ni Mang Kanor.
"Mia saan ba banda mo iniwan yung sasakyan?"tanong ng kapitbahay nilang tinatawag niyang Kuya Julius.
"Bago po makarating sa tulay? Yung sa harapan ng simbahan ng INC."
"Sa may barangay Mandirigma."
"Tara Julius baka mamaya wala na tayong maabutan. Alam mo naman ang mga tao sa bandang lugar na iyan at nakuu lang."
Mabilis naman na sumakay sa likuran si Yana at sa harapan naman si Mang Kanor. Dahil sa hampas ng hangin na dumadampi sa kanyang mukha, nakatulog si Yana at hindi alintana yung tagtag ng byahe. Ni Hindi niya namalayan kung mabilis o mabagal ang kanilang takbo. Sobrang pagod niya since malapit nang mag alas dos ng madaling araw. nakahalukipkip lang ito sa likuran ng jeep. Bigla itong naalimpungatan ng may marinig siyang nagsasalita. They just arrived.
SAMANTALA
Habang nasa harap ng kanyang dresser si Andrea at sinusuklay ang mahabang buhok, hinding hindi maalis sa kanyang isipan ang pagmumukha ni Yana. Kanina pa ito hindi dinadalaw ng antok.
"Bakit parang gulat na gulat siya nung kinamayan ko na siya? Ano kaya ang nangyari sa babae na yun? I don't even know her. Hmm, tsk. bakit ko ba sinasayang ang oras ko sa babae na yun." sambit niya sa isipan. She got up and went to the kids room. Pumasok siya dito at isa isang hinalikan ang dalawang bata. Then bumalik ng master's bedroom kung saan tulog na tulog si Mike. Tinabihan na niya ito. Nakaharap ito sa kanya at tinititigan niya ang mukha ng asawa. "Ang swerte ko dahil nakapag asawa ako ng isang mabait, mapagmahal, maalaga na asawa. Wala na akong hahanapin pa."
Pinikit na niya ang kanyang mga mata at dahil sa pagod nito galing sa plaza mabilis lang siyang nakatulog. Then.....
"Nasaan ako? Ang gandang lugar naman nito? Naglakad lakad pa ako sa dalampasigan then i heard somewhat a woman's voice and a kid's voice? Saan galing yun? Kailangan ko hanapin ang pinagmulan ng mga boses baka kailangan nila ng tulong.
Lakad takbo na ako at ginalugad ang buong isla then mula sa kinatatayuan ko, may isang babaeng nakatalikod at may kasamang batang lalaki. Nag iihaw sila ng isda. Masayang masaya silang dalawa. Nakita kong pinupunasan ng babae ang noo ng bata. Sino sila? Hmm, dahil nga diko naman sila kilala nagsimula na akong naglakad palayo sa lugar. Pero laking gulat ko ng may sumisigaw na bata.
"Mommmyyyy!"
"Mommmyyy please don't go! I love you so much mommy why you always left me? Hindi niyo na po ba ako mahal? Pareho lang kayo ni daddy na iniwan ako! Huhuhu!"
Nilingon ko ang batang lalaki na yakap yakap ng nakayukong babae. Anong mommy? Ang alam ko dalawa Lang ang anak ko and they were twins. Is he alright? Baka nagkakamali lang siya ng tinawag. Ako ba ang tinawag niya o yung babae na yakap niya?
Umiiyak lang ang batang lalaki. Hindi ko kinaya ang tanawing iyon kaya nilisan ko ang lugar. Then nakita ko ang isang bahay na punong puno ng iba't ibang pananim. Sobrang ganda. Sino kaya ang may ari ng bahay na ito?
Dahan dahan akong naglakad habang pinagmamasdan ang nasabing bahay at garden ng may lumabas sa pintuan. Huh? Wait, siya yung... Yung babae na nakilala ko sa plaza...si...si Mia... tama siya nga...sa kanya kaya ang bahay na ito? Then nagulat ako ng makita ko ang batang lalaki ulit na may dala dalang bola. Ang saya saya na nila. Then they're both staring at me.
"Mom, you should join us." Nakita ko yung saya sa mukha ng bata. "Mommy! I wanna be a baseball player! Look at me mom!"
Wala akong nagawa kundi panoorin silang naglalaro. Nang makita kong parang uulan, nagpasya akong umuwi na baka hinahanap na ako ng asawa ko at mga anak. Pero nakailang hakbang pa lang ako....
"Alexisss...do you still love me??"
I turned around and I saw Mia's crying... she called me Alexis? Alex...xissss??...Alexissss...
"Andrea...sweetheart.... wake up...Andrea babe..."
"Huh? W-What?"
"I just want to tell you that I'll be home late. Pupunta lang kami ni Gabriel sa kabilang barangay para mamigay ng mga gamot. Do you want to come with us?"
"Um maybe next time sweetheart. Where's the kids?"
"Nasa kitchen pinapakain ng kanilang yaya. Well, I'll see you later okay."
"Yes sweetheart and you guys take good care."
"We will. Tsuupp muahhh! I love you ? "
"Hmm. I love you too."
Pagkalabas ni Mike ng silid ng mag asawa, lumapit si Andrea sa dresser. Nakatitig lang siya sa kanyang sarili at pilit binabalikan ang kanyang panaginip. Ang gulo..."Why did Mia asked me if I still love her? I'm not into girls for sure. No...I am straight. Never na magkagusto ako sa babae... may asawa ako...At tinawag akong mommy ng bata? May anak pa akong isa?? Ugh! Sumasakit ang ulo ko. Hay naku.."
"Mam... andito na po yung buyer ng baboy... Nasa sala po siya..."
"Sige Manang bababa na ako..."Mabilis siyang nagpalit, naghilamos at nag toothbrush at nilisan ang nasabing silid. Agad na dumiretso sa sala at nakita ang babaeng nakatalikod, may mahabang buhok na pinatungan ng baseball cap, naka skinny jeans at naka long sleeve na nakatupi hanggang elbow. Pinagmamasdan ito ni Andrea at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ang ganda ng katawan niya.."wala sa sariling nasambit ito. "Did I just say she's...What the heck Andrea.!"saway niya sa kanyang isipan. "May sarili kang kaseksihan."dagdag pa niya. Then she cleared her throat. "Ahem hi, ikaw ang buyer ng baboy?" Then lumingon ang nasabing babae sabay alis sa kanyang baseball cap at aviator. Nakangiti na ito sa kanya. "M....Mia??"