Five

2521 Words
Pagkalabas ni Mike ng silid ng mag asawa, lumapit si Andrea sa dresser. Nakatitig lang siya sa kanyang sarili at pilit binabalikan ang kanyang panaginip. Ang gulo..."Why did Mia asked me if I still love her? I'm not into girls for sure. No...I am straight. Never na magkagusto ako sa babae... may asawa ako...At tinawag akong mommy ng bata? May anak pa akong isa?? Ugh! Sumasakit ang ulo ko. Hay naku.." "Mam... andito na po yung buyer ng baboy... Nasa sala po siya..." "Sige Manang bababa na ako..."Mabilis siyang nagpalit, naghilamos at nag toothbrush at nilisan ang nasabing silid. Agad na dumiretso sa sala at nakita ang babaeng nakatalikod, may mahabang buhok na pinatungan ng baseball cap, naka skinny jeans at naka long sleeve na nakatupi hanggang elbow. Pinagmamasdan ito ni Andrea at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ang ganda ng katawan niya.."wala sa sariling nasambit ito. "Did I just say she's...What the heck Andrea.!"saway niya sa kanyang isipan. "May sarili kang kaseksihan."dagdag pa niya. Then she cleared her throat. "Ahem hi, ikaw ang buyer ng baboy?" Then lumingon ang nasabing babae sabay alis sa kanyang baseball cap at aviator. Nakangiti na ito sa kanya. "M....Mia??" ******************************** MIA/YANA Makalipas ang ilang araw, balik normal ang buhay ng bawat isa sa amin. Ako, si Pating at Kiray ang siyang parating nasa kalye upang mamili ng mga baboy na gawing lechon at ang iba aalagaan namin upang palakihin. Si Mang Kanor ang nangangasiwa sa pag-aalaga sa kanila at siya din ang nagmamanage sa mga tao namin sa paggawa ng the best na lechon sa bayan ng Bacacay,etc. Halos hindi kami magkamayaw sa dami ng mga orders every day. Kaya naman halos hindi na ako makastay sa bahay ng matagal. Mabuti na lamang at nakilala ko itong mga taong parang mga kabute na nagsisulputan sa panahong ako ay nangangailangan ng makakatulong sa buhay. God really knows what are my needs. You see he answered my prayers except sa isang mahalagang panalangin na ilang taon ko na din inaasam na sana magkaron ng himala. Andito ako sa ilalim ng puno ng mangga at nagpapahangin habang nakahiga sa nilagay kong hammock. Papaidlip na sana ako ng may narinig akong biglang tumigil na sasakyan. Nakiramdam lang muna ako. Alam ko naman na nasa loob ng bahay ang dalawa, kiray at pating. May pasok sa school si LJ at nasa farm si Mang Kanor. Naririnig ko ang mga parang huni ng ibon. Teka wala naman kaming alagang love birds ah. Nakarinig ako ng yabag na papalapit sa kinaroroonan ko. "Ate Mia, may naligaw na alien sa bahay natin..." seryosong wika ni Kiray. Kumunot naman ang noo ko. "Huh? Anong alien ??" Tanong ko sa kanya at biglang sumulpot ang babaeng well, hindi naman siya katangkaran, may malalaking crispy pata, mabibilog na papaya, curl hair na kapag sinuklay sigurado bungi bungi ang suklay mo, hmm, malalaki ang mata na parang laging nagulat. "Magandang araw!." Wika ng babae in her high pitch voice. Nagulat naman ako na siya pala ang nagsasalita ng ganun. "Magandang umaga naman sayo." Sagot ko naman sabay sipat sa kanya at yun Ay hindi nakaligtas sa kanyang malaking mata. "Nagagandahan ka ba sa akin!" (High pitch tone) Hanudaw? Napangisi naman ako dahil sa nakita kong reaksyon ni Kiray at Pating. Yun bang nag synchronized ang kanilang mga kilay. Hinarap ko ang babaeng hmm, well kakaiba nga talaga siya o baka malakas lang ang fighting spirit niya. "In fairness, you've got that unique beauty." Sagot ko na lang at least Hindi masyadong nakaka offend kung sabihin ko ang totoo. "Ano ba ang maipaglilingkod ko sayo, binibini?" "Kasiii..." yeah grabe ang boses niya. "Yung amo ko kasi naghahanap ng mga biik para sa kambal eh nung dumaan kami dito nung isang araw, nakita namin yung sign niyo sa labas." "Ah hahaha! Sila ang gumawa niyan." turo ko sa dalawang nagpapapak ng green mango with bagoong. Parang mga naglilihi. "Maganda ba yung desayn? Kami may gawa nun." proud na proud na wika ni Pating ngunit inirapan ito ng alien. "Hindi ako pumunta dito para puriin ang gawa mong...kulang sa details..."(high pitch voice) Biglang nag-iba ang expressions ng dalawa kaya pumagitna na ako at baka makatikim ito ng suntok galing sa dalawang maasim na ang mukha. Hindi ko alam kung dahil sa mangga o sa aming bwesita. "Hep! Guys sige na ako na ang bahala dito." then hinarap ko ang alien na ito. "At ikaw naman miss sa dami ng mga buyers and dealer ng baboy eh bakit dito niyo naisipang bumili? Malapit lang ba kami sa inyo?" "Medyo may kalayuan din pero gusto ng amo ko na ikaw ang kontakin. Basta, kayo na ang mag-usap. Ito ang address ng bahay, pakihanap mo na lang at pumunta ka doon bukas ng umaga. Dahil kailangan niya iyon para sa kambal." Pagkaabot niya sa akin ng nasabing papel na may nakasulat na address, taas noo na itong naglakad palabas ng gate. Ngunit bago pa man siya makarating ng gate, binigyan niya muna ng malditang tingin ang dalawa. "Anong tinitingin tingin mo ha?!" matapang na tanong ni Kiray. Tumayo din si Pating at saka nilagay sa balikat ang palakol. Biglang tumalilis ang nasabing babae at sumakay sa magarang sasakyan. Sobrang natakot siguro dahil sa matatapang kong alalay pero kung sa patay parang binabad sa suka. "Kayong dalawa tinakot niyo naman yung babae..." "Paano naman kasi akala mo kung umasta eh mayaman at sobrang ganda. Nakuuu..." nanggigigil na turan ni Kiray. "Ate Mia, ano kailangan ng aswang na yun?" si Pating. "Aswang talaga?" "Oo. Mukhang hindi sila nagkita ng suklay simula nung siya ipinanganak." nakaismid na wika pa ni Pating. Maldita talaga ang isang ito. "Hay naku. Yung amo daw niya naghahanap ng biik para sa kanyang mga anak. Kaya ito ang address oh." Sabay pakita ng papel sa kanila baka kasi mas may alam pa sila sa mga lugar dito. "Biik? Hindi lechon? Okay ah biik ang hanap at tayo pa ang kinontak?" Turan ni Pating. Nagkibit balikat na lang ako sa kanyang sinabi. "Hmm. Yan ang lugar ng mayayaman. Di ba diyan din banda nakatira sila Gov? Diko Lang sure yung number ng bahay pero Alam ko diyan sila nakatira." Sambit naman ni Kiray at ako naman tatango tango. Ano pa nga ba ang sasabihin ko.. "Paano ate Mia puntahan natin bukas?" Si Pating. "Sige kailangan maaga tayo ha kasi meron pa tayong mga delivery ng lechon sa hapon." "Ay Opo ate Mia." Mabilis na sagot ni Pating. At agad na kinuha ang lagayan ng pagkain ng baboy at sumunod kay Kiray sa farm. Andun na kasi si Mang Kanor. Pagkapasok ko sa loob umatungal ang akong phone. "Hello?" "Ate, how are you?" "Janelle! I'm fine.. kayo kamusta? I missed you guys." "Ate naman, bakit ayaw mo pa kami papuntahin diyan? Ate, kalimutan na lang natin yung nakaraan okay? Pamilya tayo baka nakalimutan mo yan. Si Jade manganganak na sa second baby nila ni Benj." "Pangalawa na?" "Oo naman ate. Alam mo naman si Jade binato lang ng brief nakabuo agad." Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi matawa. Sinong mag aakala na babagsak ang matinik na Jade sa kamay ng kapatid kong si Benj. Si miss pancake napunta kay papa Jumbo. "Okay basta..." sumilip muna ako sa labas. "Basta kapag andito kayo Mia ang pangalan ko at please lang Hindi ako agent. Basta sabihin niyo na may negosyo tayo kaya lang naipatalo ko sa casino ang pera. At hey walang may alam na mahilig ako sa babae." "Copy that ate. Isasama namin si Timmy boy. Namiss ka na ng panganay mo." "I missed him too." "Okay ate we'll see you soon. Ay ano nga pala ang address mo ate?" Kaya bago kami magpaalamanan naibigay ko sa kanya ang nasabing address. "Patay..."sambit ko na Lang sa aking isipan. KINABUKASAN Pagkatapos mag almusal ng lahat, si Mang Kanor pinuntahan ang mga alagang baboy sa farm. Si LJ pumasok sa school at ang tatlo naghanda para puntahan ang nasabing address. Nakikipag kulitan pa ang tatlo habang nasa byahe. Tuksuhan at asaran hanggang sa tumunog ang peborit song ni Pating. Aegis Band! Umarangkada ang namamaos na boses ni Pating sa pagkanta. Napapailing na lamang si Yana sa dalawang makulit na nagduet pa. ~Heto ako ngayon, nag-iisa Naglalakbay sa gitna ng dilim Lagi na lang akong nadarapa Ngunit heto, bumabangon pa rin Heto ako, basang-basa sa ulan Walang masisilungan, walang malalapitan Sana'y may luha pa, akong mailuluha At ng mabawasan ang aking kalungkutan. "Ayan umuulan nga! Hahaha!" Sambit ni Kiray. Umirap naman si Pating sa kanya at muling napatuloy sa pagkanta. Binalewala ang malakas na ulan. ~~Heto ako, basang-basa sa ulan Walang masisilungan, walang malalapitan Sana'y may luha pa, akong mailuluha At ng mabawasan ang aking kalungkutan Heto ako, basang-basa sa ulan Walang masisilungan, walang malalapitan Sana'y may luha pa, akong mailuluha At ng mabawasan ang aking kalungkutan ang aking kalungkutan ang aking kalungkutan and aking kalungkutan~~ Samantalang si Yana, iisa Lang ang nasa isipan, si Alexis. Na hanggang sa ngayon ito pa rin ang nagpapatibok sa kanyang puso. Ang nag iisang babae na nagmamay-ari sa puso niya. "Nasaan ka na ba baby? Ganun ba kalalim ang sugat na dinulot ko sayo at hindi mo ako kayang patawarin? Sana para na lang sa mga anak natin. Miss na miss ko na kayong tatlo. Please come back to me and let's start all over again." "ATTTEEEEEE!!!" SCREEEECCHHHHHHH!!! "What again!!?" "Lumagpas na po tayo. Ayun yung bahay oh."Turo ni Kiray sa malaking bahay na may mataas na pader at madaming lalaking naka tayo sa labas ng nasabing tahanan. "Sigurado kayo ito ang bahay?" "Opo!" Si Pating. "Mukhang mayaman ang may ari kasi madaming bodyguards sa labas."segunda ni Kiray. Umatras si Yana at pumarada sa may harapan. "Bosing, hinahanap namin ang bahay na ito. Yan ba yung bahay?" Si Yana. "Ito nga miss. May kailangan ka ba? Ay sino ang hinahanap mo kasi wala dito si Gov at ang mga anak niya." "Ay Ano po.... kasi po pinapupunta daw kami dito ng among babae para sa bibilhin nilang biik. Pero hindi ko alam kung sino ang ka kausapin ko." "Sige pasok na Lang kayo sa loob miss." Guide niya sa tatlo. "Papasukin niyo sila at tawagin si Mam Andi." Pagkapasok ng tatlo, namangha sila sa ganda ng bahay. Bulungan silang tatlo. "Ate ang ganda no." Si Pating. "Tama nga ako bahay ito ni Gov."sambit ni Kiray. "Dito pala nakatira ang magkapatid na Mendez?" Si Yana. Tumango tango si Kiray. Pumasok sa loob ng sala si Yana at nag paiwan sa labas ang dalawa dahil sa mga lalaki na nakikita nilang naglalaro ng basketball. Sinalubong ito ng isang may idad nang babae. "Hinahanap mo ba si Mam Andi?" "Huh ah opo. Yung tungkol po sa baboy." "Ah ganun ba. Ako nga pala si Fe Peña." Dinig ni Yana is Pe Penia. "Ya- Mia po. Kamusta po kayo ate Pe Penia." "It's Fe Pe...nñaaaa... F..E .. FE tapos Peña P..E.. Ñ nye..A. PEÑA." "Ahh pasensiya na po.."sambit ng nahihiyang si Yana. "Sige maiwan muna kita at tawagin ko si Mam Andi." Naiwan naman si Yana na nagmamasid sa buong tahanan. Umiral ang pagiging agent niya. Hindi namalayan ang pagdating ng babae na nakatingin Lang sa kanya na para bang isang Xray machine ang mga titig nito sa kanya. "Ahem, hi. Ikaw ang buyer ng baboy?" biglang lumingon si Mia/Yana. "M-Mia?" "Hi..Um Andrea..." Yana stuttered... ......... "G-Good morning um Andrea I mean mam Andrea." Nauutal na bati ni Yana. Ibang iba kasi ang pakiramdam niya sa pagkatao ni Andi. Ang boses at kilos nito parang si Alexis. Nag iba lang ang hitsura pero kapag pinakinggan mo ang boses niya para ka lang nakipag usap kay Alexis. "Andi na lang."nakangiti niyang wika. "Anyway good morning. Mabuti naman at nakarating ka. Nagulat Lang ako na Ikaw pala ang may ari ng babuyan." "Yeah. Um dumaan sa amin yung tauhan mo kahapon Kaya agad agad na nagpunta kami dito lalo na nung sinabi niya na para sa mga anak mo daw ang mga biik na gusto mong bilhin."Naglakad palabas ang dalawa habang nag uusap. "Shes my assistant Ana Dimalaglagpante. Pag-" naputol ang kanyang sasabihin dahil sa mahinang tawa ni Pating na nakarating sa pandinig ni Yana at Andrea. "Pfffftttt! Hehehe!"reaksyon ni Pating na narinig pala ang sinabi ni Andrea. Sabay hampas sa braso ni kiray. "Ano po pangalan niya ulit?" Si Kiray at pigil ang sariling matawa din. "Um.. Ana-" si Andrea pero biglang dumating ang may ari ng pangalan. "Ana. Ana Dimalaglagpante." Sagot ng nasabing si Ana at taas noong pagmamalaki sa kanyang pangalan. "Bakit may problema ka ba sa pangalan ko?" Malditang tanong nito in her high pitch voice. Sunod sunod na pag iling ang sagot ni Pating. At nag sign pa ng zipped her mouth. "Ana, pakisabi kay manang Fe na ipaghanda sila ng makakain." "Magdasal na kayo dahil ito na ang huling araw niyo sa mundo." Kausap niya ang dalawang nagbabait baitan. Nagngitian na lamang si Andrea at Yana dahil sa bangayan ng kanilang mga alalay. "So um, ilang biik ang kailangan mo Sana?" Si Yana. "Two. Yun kasi ang gustong alagaan ng kambal. Ayun nga oh nagpagawa na ng bahay para sa kanilang biik." Turo niya sa magiging bahay ng mga biik. "Aba! Tamang tama, after two weeks pwede niyo na pik apin yung mga biik. Pero kailangan niyo pumunta doon para mamili." Suggestion ni Yana sa kausap. Pero lingid sa kaalaman ni Andrea, gustong gusto na siyang yakapin ni Yana para lang maramdaman kung siya nga ba talaga ang babaeng kanyang hinahanap. Hindi lang siya nagpapahalata. "Sure!" Mabilis na sagot ni Andrea. "I'll take the kids with me and let them pick for themselves na Lang para walang sisihan." "Hahaha! Oo nga. Alam mo na naman ang mga bata. Nasaan pala ang mga anak mo?" "Wala sila. After ng breakfast Sumama na naman dun sa palaisdaan para mag fishing. But don't worry, you'll meet them next time." "Cool. I love kids by the way." "Do...you... have...." "Ah yeah binata na nga eh. And yung dalawa nasa um asawa ko." "Separated?"diretsahang tanong ni Andrea. Biglang natahimik si Yana. "I'm sorry for asking." "Noo! No... don't be sorry. Ganun naman talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin kaya nating makuha ng ganun kadali. At Hindi lahat ng taong akala natin makakasama natin sa pagtanda eh hindi na sila mawawala pero alam mo yung natulog ka pag gising mo mag isa ka na Lang?"madamdaming wika ni Yana. "At ang masaklap, inilayo pa sa akin ang dalawa kong anak. Kaya ngayon wala na akong balita sa kanila." "Tsk! Grabe naman yang asawa mo pala. Pero alam mo babalik din yun. Kasi magtatanong talaga yung mga bata kung nasaan ang kanilang kapatid at mommy." "Sana nga makilala nila ako. It's been 5 years na hindi ko sila nakita."malungkot nitong sabi at tumingin sa malayo. "Oh parang ka age ng mga anak kong kambal... 5years na din sila." Masayang wika ni Andrea. Biglang napatingin sa kanya ang nagulat na si Yana at walang salita na lumabas mula sa bibig. Tanging ang lakas ng pintig ng puso nito ang siyang maririnig. **************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD