Subic Nasa table ang buong mag-anak at sabay na nag aalmusal. Yana, Alexis, Timmy, ang dalawang bata at ang ama ni Alexis ng dumating si Jannel kasama ang anak at mister nito. Nakiupo na rin ito sa table at sinabayan ang lahat sa kanilang almusal. Hindi muna sila nag usap usap tungkol sa maseselang topic dahil sa mga batang kasama nila sa mesa. Kung ano ano na ang kanilang napag usapan na napapatawa silang lahat. Nang matapos ang mga bata dinala na ito ng kanilang yaya sa itaas upang makapag laro kaya naiwan na lamang sa table ang mga adults. Binalita ni Jannel sa dalawang babae ang mga nangyayari sa Bicol. "Ate, nakausap ko ang informant natin at ang sabi niya, madalas daw magpunta si Mike sa bahay niyo at nagmamanman. Ang sabi pa ng isang tauhan mo na tinatakot daw sila ni Mike na ka

