Matapos magkaayos nina Yana at Alexis, though hindi nila pinahalata na naayos na nila ito sa ibang paraan, nakikitaan na rin sila ng unti unting pagbabago. Nag uusap na hindi nag sisigawan at pinapairal ang kanilang katapangan at kulang na Lang magsaksakan. Bumalik ng Manila ang kapatid ni Yana at family nito upang gawin agad agad ang mga pinapagawa ng kapatid. Si Rebaldo naman nakipag contact sa kaibigang pulis na hindi kayang bayaran ng salapi ng mga Mendez. Ito ang nagsilbing mata at taenga ni Rebaldo para malaman ang lahat ng activities ng mga Mendez sa lugar ng Legazpi at buong Bicol. Sumama din pabalik ng Manila sina Alexis at Yana sa matanda dahil gusto nitong makasama ang mga Apo na ngayon lamang niya nakita. Matanda na rin ito at may kahinaan dahil nagkaron ito ng mild stroke

