******************** Pumasok sa loob ng bahay si Yana kasama ang dalawang bata at nadatnan niyang katabi ni Alexis ang panganay at kaharap nito ang ama at masinsinang nag-uusap. Nahihiya namang lumapit ang kambal sa inang si Alexis dahil sa mga bagong panauhin. Nagkatinginan naman sina Yana at Alexis at hindi alam kung ano ang sasabihin sa dalawang bata. Napaluhod ito upang makapantay ang mga anak. "Hey kiddo, this is Kuya Timmy and grandpa. Dali magmano kayo sa grandpa and hug niyo si Kuya..." Nahihiyang lumapit ang dalawa sa kanilang kuya at lolo ngunit sumunod din naman sila. Then kinandong sila ng kanilang lolo na kahit hirap eh binuhat pa rin ang dalawang bata. "Ang laki laki na pala ng mga apo ko. Ang gwapo at ang ganda ng mga batang ito." nakangiting turan nito at hinagkan pa an

