Nakahoodie na pumasok si Yana sa isang coffee shop upang makausap si Rebaldo. Madami siyang tinanong sa kaibigan na puro naman negative ang sinagot nito sa kanya. Hindi naman nagtagal ang kanilang pag uusap dahil may tawag agad ito sa headquarter at naiwan ang babaeng sumasakit na ang ulo sa dami ng iniisip. Magulong magulo ang isipan nito hindi dahil sa pagkawala ng asawa at dagdag pa dahil sa napapansin niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. "Bakit Parang may kakaiba sa kanilang mga kinikilos. Parang umiiwas na may malaman ako?"sambit sa sariling isipan habang humihigop ng kape. Matagal nang nakaalis si Rebaldo at nagpasya muna siyang magbasa ng newspaper ngunit lalo itong hindi mapakali. Binaba niya ang binabasa at napaisip sandali. "Kanina habang kausap ko si Rebaldo, malikot an

