YANA pov(cont.) Panay tingin ko sa relo at likuran dahil alam ko na lagpas lagpas na ako sa nasabing speed limit. Pakiramdam ko that time, hindi na sumasayad sa kalsada ang tire ng sasakyan ko. Hindi na din ako nag iisip na baka mahuli ako ng traffic enforcer. Well, isa lang ang gusto kong mangyari this time, ang mailigtas ang mga anak ko mula sa kamay ng mga kidnappers. Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko na parang nababaliw. Ganito yata talaga ang nararamdaman mo kapag mga anak mo na ang pinag uusapan. "Huwag na huwag niyong sasaktan ang anak ko dahil lahat kayo magbabayad sa gagawin niyo sa kanila. Kinuha niyo na sa akin ang asawa ko pati ba naman ang kambal idadamay niyong mga hinayupak kayo!" sambit ko sa aking sarili. Mabuti na lamang at walang gaanong sasakyan s

