Great! Ang galing ko lang talagang sumira ng mood, ‘no? Kung kailangan parang nagkakaayos na kaming dalawa ay ‘tsaka ako magsisingit ng mga ganitong bagay, at saka ako magbabanggit ng isang taong maaari na naman naming pagtalunan. “Huh? What about her?” he said with curiosity. Na para bang iniisip niya kung anong koneksyon ni Selina sa aming dalawa. “She’s your fiancée, right? Kaya nga nakita ko kayong magkasama sa condo mo. Ipinagkakasundo kayong dalawa ng mga magulag niyo, hindi ba?” Narinig ko pa nga ang pag-uusap na iyon ni Sir Santiago at ng tatay ni Selina. “Yes, ipinagkakasundo nga kami. Dad told me about it at hindi ako pumayag. Selina is just a friend to me or more like a sister. I can’t see myself marrying her, and Dad respected my decision. Hindi niya iyon ipinagpilitan sa ak

