Paggising ko ay nabungaran ko si Riyel na tulog na tulog pa. Napangiti ako at agad na namula. Magdamag kaming nagpaligaya sa isa't isa. Kahit hindi ko pa nakikita ang oras ay feeling magtatanghali na. Mabuti na lang at hindi kami ginising ni mama. Dahan dahan kong tinanggal ang braso niyang nakayakap sa akin. Umupo ako at hinalikan ko siya sandali sa pisngi bago tumayo. Nasilip ko na ang oras at mag aalas onse na ng umaga. Magha halfday na lang kami ngayon. Ichecheck ko muna kung may pagkain bago ko gisingin si Riyel. Sinuot ko ang tshirt niya at ang cotton shorts ko. Dumaan muna ako ng cr upang maghilamos. Napanguso ako sa nakita ko. Glowing ang mukha ko at may ilang kiss marks sa ibabaw ng aking dibdib, ang mga labi ko nama'y medyo namamaga sa panggigigil ni Riyel at ang buhok kong sa

