Dahil sa ginawa ni Riyel kay Sera ay araw araw akong kinakabahan kung kelan aabot ang balita sa magulang niya. Hindi ko alam ang magiging desisyon nila pero iisa lang ang sigurado, na magagalit sila kay Gabrielle or worse ay tanggalin siya sa posisyon niya, ayon kay Sera. Hindi ko pinaramdam kay Riyel na natatakot ako para sa kanya. Mabuti na lang ay naging busy siya sa nalalapit niyang event para hindi niya mahalata na marami ang pumapasok sa utak ko. Hindi ako takot na maghirap dahil kaya ko, paano si Riyel? Sana huwag mangyari sa kanya iyon. Sana hindi totoo ang sinasabi ni Sera. Kung sakaling mangyari man 'yon ay kaya kong magtrabaho para sa amin. Ipinaglaban niya ako kaya ipaglalaban ko din ang relasyon namin. Nang dumating ang araw ng event ay naghire ako ng makeup artist at

