Nang nakapag relax na ako ay unti unti kong inangat ang mukha ko mula sa kanyang leeg. Nahihiya akong tumingin sa kanya. Agad akong tumakbo ng cr upang makapag hilamos. Uminom na din ako ng tubig upang lalo akong mahimasmasan. Natapos na ako ay dahan dahan akong lumapit sa kanya, nahihiya pa rin ako sa inasal ko kanina. Nakita kong nakangisi ito habang nakatingin sa akin kaya napanguso na lang ako. Tumabi ako sa kanya pero may space sa gitna namin. Narinig ko siyang nagreklamo kaya hinawakan niya ang binti ko at hinila palapit sa kanya. "Okay na ang pakiramdam mo?" tanong niya habang hinahaplos ang aking buhok. Tumango ako at napatingin ako sa hita naming magkadikit. "T-thank you.." "Thank you's not enough.." Napaangat ako ng tingin sa kanya at nagtataka. "H-ha?" "Kiss me, Thalia..

