Kanina pa ako huminahon sa pag iyak ngunit hindi ako makaalis dito dahil sa ganda ng tanawin. Kahit yakap ko ang sarili ko ay nararamdaman ko pa rin ang lamig ng dala ng hangin. Nanatili akong nakatanaw sa paborito kong tanawin. Ang tagal kong pinangarap na makaapak sa mundong ito. Ngayong abot ko na bakit parang.. ang dami namang kapalit. Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may maglagay ng jacket sa aking balikat. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin ang paglapit ni mama. "Ma.. akala ko tulog ka na," nanghihina kong bigkas. Pasimple kong pinunasan ang luha ko kung may natira ba. Ayokong malaman niya na umiiyak ako dahil sa lalaking hindi ko naman kilala. Malungkot lang siyang ngumiti sa akin. Ginaya niya ako, sumandal din siya sa railing at tumingin sa citylights. Nak

