Chapter 44

1152 Words

Paggising ko ay nabungaran ko si Riyel. Nakatukod ang kaliwa niyang siko sa unan upang alalayan niya ang kanyang ulo. Nakatunghay siya sa akin habang marahan niyang sinusuklay ang buhok ko. "Good morning," malambing na bati niya sa akin. "Goodmorning," pinatakan ko siya ng halik sa kanyang pisngi. Inabot ko ang dalawang kamay ko sa kanya at mabilis naman siyang yumakap sa akin. Pagkatapos kong maghilamos ay nakita kong tamad pa rin siyang nakahiga sa kama. "Check ko lang si mama," paalam ko sa kanya. Tumango siya at ngumiti. Paalis na sana ako pero hinabol niya ako ng yakap. Tumawa ako dahil akala ko kung ano na gagawin niya. "I love you," seryosong bulong niya. "I love you, Riyel.." Ilang segundo pa kaming naghalikan bago niya ako mahinang tinulak palabas ng kwarto dahil hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD