Nasa opisina na kami ngayon. Ilang beses na niya akong tinawag ni Riyel papunta sa loob ng kanyang opisina. Gusto daw niya na doon na ako magtrabaho para nakikita niya ako. Pero, imposible 'yon dahil madalas ng bumisita sa kanya ang mga investors at board members dahil sa nalalapit na event niya. Hindi ako makakapag trabaho kung makikinig lang ako sa kanila. Nailipat na din ang mga gamit ko sa condo niya. Halos maokupa ko ang kalahating walk in-closet niya dahil sa madalas kong pagsha-shopping. "Thalia.." tawag niya sa intercom. Natawa ako. "Ano na naman.." "Come here.." malambing na sabi nito. Binitiwan ko ang papel na inaarrange ko at agad akong dumalo sa kanya. Nag alala ako ng nakasandal ang ulo niya sa headrest ng kanyang swivel chair at seryosong nakatingin sa kisame. "Riye

