Kakatapos lang namin mag banlaw at nakatapat kami sa sink habang nagpupunas ng katawan. Parehas na kaming nakasuot ng robe ngayon. Nagpupunas na kami pareho ng buhok namin habang nakatitig kami sa isa't isa sa repleksyon ng salamin. Nang matapos siya sa pagpupunas ay akala ko'y babalik na siya sa kama pero niyakap niya ako galing sa likuran at sininghot ang aking leeg. I giggled a little when I felt his growing stubbles on his chin. He tightened his arms around me and looked at me intently through the mirror. Binaba ko ang hawak kong tuwalya na gamit kong pamunas ng buhok. Humilig ako sa kanya at tumitig din sa salamin. Bumuntong hininga ako at upang magpalakas ng loob. "I love you, Riyel," I said slowly. Napakikit ako at kinabahan. I felt that he was taken aback. His body became stif

