(Kyle’s POV ) Pagkatapos ng gabing ‘yon, hindi na ako tinantanan ng konsensya ko. Hindi rin ako tinantanan ng mukha niya. For two days, I avoided her. Hindi ako nagreply sa mga text niya, kahit simple lang na “Sir, what time po tayo bukas?” Ginawa kong dahilan na busy ako sa university lectures. Pero to be honest—busy ako sa pagpilit kalimutan kung gaano kalapit ‘yung labi niya sa akin noong gabing ‘yon. At ngayon, andito na naman ako. Sa harap niya. Sa study room kung saan nagsimula ang lahat ng gulo. Tahimik lang siya kanina habang nagbubukas ng mga notes. Wala ni isang tanong. Wala ring tawa. Pero ‘yung mga mata niya, ramdam kong tinatapos ako sa bawat titig. “Sir,” she finally said, breaking the silence. “Hindi niyo ako iniiwasan, ‘di ba?” I swallowed. “Bakit mo naman nasabi

