Doodled Equation Equals Destiny

908 Words
Mainit ang hapon, at para bang pati hangin ay nakikisabay sa tensyon sa loob ng study room. Si Xena, naka-cross legs sa velvet chair, hawak ang ballpen na hindi man lang nagsusulat. Kanina pa siya kunwaring nagno-notes pero ang totoo—dinodoodle niya ang initials na hindi dapat niya sinusulat. K. D. Kyle De Vera. Napatingin siya sa harap kung saan nakatayo ang tutor niyang walang ibang alam kundi equations at lecture. Ang puting polo nito ay neatly tucked in, sleeves rolled, at bawat igalaw ng pulang pen sa whiteboard ay parang choreographed. Para siyang nasa concert pero siya lang ang audience. “Focus, Xena,” malamig na sabi ni Kyle habang nagsusulat ng equation. Hindi man ito lumilingon, ramdam niya ang diretsong pangungutya. “Or baka gusto mong ako na rin ang magsusulat sa notebook mo?” Oh God, wag naman. Dahil kung bubuksan niya ang notebook na nasa lap niya ngayon… tapos. The end. Wrecked na ang dignidad niya. She cleared her throat. “Excuse me? Alam mo bang this brain doesn’t need extra pressure? Kaya ko ‘to.” “Really?” Humarap ito, nakataas ang kilay, arms folded. “Then solve this.” Dinrowing niya ng mabilis ang isang calculus problem. Tumingin siya sa board na parang may nakasulat na alien code. Sa halip na numbers, parang pangalan niya at pangalan nito ang nakikita niya. “Uh…” Tumawa siya nang pilit. “Wait, may nag-text kasi.” Kinuha niya ang phone niya, kahit wala namang nagvi-vibrate. “Pathetic excuse,” Kyle muttered, bumalik sa pagsusulat. Pero narinig niya iyon. Malinaw. Malutong. Ugh, nakakainis. Pero bakit ang hot ng pagkasabi niya? Nagsimulang tumibok nang mas mabilis ang puso niya. Pakiramdam niya, bawat pintig ay umaalingawngaw sa buong kwarto. At doon na nangyari ang hindi dapat mangyari. Habang pinipilit niyang itago ang notebook at i-slide ito papunta sa table, dumulas ito at diretsong nahulog sa sahig. Pak! Ramdam niya ang pagtigil ng mundo. Ang notebook. The cursed notebook. Nakabukas pa sa page na may malalaking sulat: “Mr. Tutor na parang kontrabida pero secretly leading man.” “Note to self: stop staring at his stupid jawline.” “K.D. + X.V. = ?” (nakapalibot sa hearts at doodles ng crown) Para siyang nakalutang sa slow motion habang unti-unting yumuko si Kyle. Walang sound effects, walang background music, kundi ang pag-crash ng buong pagkatao niya. “Wait—don’t—” mabilis siyang bumaba para maagaw, pero huli na. Kinuha ni Kyle ang notebook, binuklat ng bahagya, at natahimik. Dead silence. Oh my god. Lord, kunin Mo na ako. Please. Para matapos na ‘to. Pinanood niya habang binabasa nito ang mga pahina. Kitang-kita niya kung paano unti-unting nag-shift ang ekspresyon mula sa blank, hanggang sa may halong amusement, hanggang sa bahagyang smirk na parang nakahanap ng hidden weapon. “Tsk.” Tumayo si Kyle, hawak ang notebook parang hawak niya na rin ang kaluluwa ni Xena. “So this is why you’ve been spacing out.” “Hindi ‘yan—ano kasi—notes lang ‘yan—creative writing elective ko!” mabilis niyang palusot, pilit inaagaw. Pero tinaas niya iyon sa ere, malayo sa abot niya. “Creative writing? Really?” Nilapit nito ang bibig sa gilid ng notebook, binabasa ng malakas. “‘K.D. plus X.V. equals…’” Tumigil siya, bahagyang tumawa, mababa, parang nanunukso. “‘…equals destiny?’” Para siyang sinaksak ng sampung beses. “Hindi ko sinulat ‘yan!” “Oh?” Nagtaas ito ng kilay. “So sinulat ng multo?” Napapikit siya, humawak sa dibdib. “Pwede ba? Ibalik mo na. Hindi mo dapat binabasa ‘yan. Privacy ko ‘yan!” “Privacy?” Nilapit niya ito, halos dumampi sa mukha niya. “Then don’t drop it in front of me.” She swallowed hard. Why does he have to stand so close? Bakit parang bawal huminga? “Fine!” she blurted. “Oo, nagsusulat ako tungkol sa’yo. Happy now? Kasi wala kang ibang personality kundi maging walking calculator, at least sa notebook ko, human ka.” Tahimik lang ito. Walang galit. Walang insulto. Pero ang mga mata niya… parang may apoy na hindi niya mabasa. “Human, huh?” bulong niya. “At dito… leading man pa ako.” “Stop twisting it!” Tinapik niya ang braso nito. “Ibaba mo na!” Pero imbes ibaba, inilapit pa lalo. “What if I don’t want to?” Namilog ang mga mata niya. Did he just—did he just flirt back? Bago pa siya makasagot, biglang tumawa si Kyle. Hindi malakas, pero sapat para gumulo lalo ang isip niya. “You’re unbelievable.” Ibinalik nito ang notebook sa mesa, pero hindi pa rin siya tinitigilan ng titig. “A spoiled heiress writing about her tutor like a fangirl. Cute.” “Cute?!” nag-init ang pisngi niya. “Hindi ako fangirl, okay? Writer ako. Observer. Documenter of life.” “Sure.” Smirk ulit. “Then observe me more. Baka sa susunod, accurate na.” At naglakad ito pabalik sa board, para bang wala lang nangyari. Samantalang si Xena, nakatulala, hawak ang notebook na parang bomba. Hindi niya alam kung iiyak siya, matatawa, o magpapa-book ng flight to Mars. Pero isang bagay ang malinaw: Hindi na siya titigilan ng isip niya. Lalo na kapag ang kontrabida na pinipilit niyang kamuhian… biglang marunong magpa-smirk at mag-iwan ng cliffhanger sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD