Panic Bomb

1061 Words
(POV: Xena) Ang hirap talaga magpaka-composed kapag hindi naman talaga ako composed. Parang kapag sinasabihan ka ng “act natural” — doon ka biglang nagiging pinaka-weird na tao sa mundo. Gano’n ang nangyari sa akin ngayong gabi. Katatapos lang ng tutoring session namin ni Kyle, at kung tutuusin ay hindi naman siya gano’n ka-intense ngayong araw — compared sa usual niyang “straight-out-of-the-textbook genius” na attitude. Pero sakto lang na sa pinaka-worst timing ever, nang ako pa mismo ang nag-ayos ng gamit ko, biglang nahulog mula sa bag ko ang notebook ko. Hindi ordinaryong notebook ‘yon. Nope. Hindi siya parang kahit anong class notes na makikita lang niya na puno ng doodles at half-baked equations. Hindi rin siya yung planner kong may nakasulat na “Starbucks date with girls” o “nails appointment.” Ito ‘yong diary ko disguised as a random notebook. At guess what? Nandoon ang mga… ehem… entries ko tungkol sa kaniya. Yes. Him. Si Kyle-the-genius-tutor-who-acts-like-a-brooding-K-drama-male-lead. At ngayong nakatambad sa sahig, parang gusto kong i-command yung universe na mag-earthquake, landslide, o kahit anong sakuna basta hindi niya makita iyon. “Xena.” Narinig ko ang boses niya, mababa, seryoso, at parang ang hirap i-ignore. Nag-freeze ako pero hindi ako sumuko. Mabilis akong yumuko para damputin ang notebook. Para akong ninja na may adrenaline rush, pero mas mukhang awkward penguin na nagpa-practice ng cartwheel sa sobrang bilis ng galaw ko. “Huy, akin na ‘yan!” halos sumigaw akong parang five-year-old na nahuli habang may tinatago. Napakunot ang noo niya. “Relax. Hindi ko naman sinasabing kukunin ko.” Pero ang problema, nakalapit na siya. As in nasa gilid ko na siya, at dahil sa pagmamadali ko, natapilok pa ako sa sarili kong paa. Sumalampak ako sa sahig, clutching my poor notebook na parang ito na ang last piece of dignity ko. “Are you okay?” tanong niya agad, bahagyang naka-lean down para abutin sana ako. Pero bago pa siya makalapit ng sobra, binato ko ng kamay ko ang hangin. “No! Don’t touch me! I mean—don’t touch this!” itinuro ko ang notebook habang nakakapit pa rin ako dito na parang hawak ko ang pinaka-importanteng kontrata ng buhay ko. Umangat ang isang kilay niya. “You’re acting suspicious.” “Suspicious? Me? Pfft. Hindi. This is just—ano lang—nothing. Just doodles. Ugly doodles. Like… cats with six legs. You don’t want to see that.” At doon nagsimula ang pinakamasahol na banter sa buong buhay ko. “Ugly doodles?” ulit niya, nakatitig sa akin na parang sinusubukan niyang i-X-ray gamit lang ang mga mata niya. “Kung wala namang issue, bakit parang gusto mong lamunin ng sahig ‘yang notebook na ‘yan?” “Excuse me, hindi lahat ng nagsu-sulat ng cats ay suspicious.” “Pero hindi mo naman sinabing cats. Sinabi mong ugly cats with six legs.” “Oh my gosh, Kyle, bakit ka ba nagde-debate tungkol dito?!” “Because you’re panicking.” “Hindi ako nagpapanic!” “You are. You’re literally clutching that notebook like it’s a bomb.” Napatitig ako sa kaniya, at siya rin sa akin. For a moment, nagkaroon ng silence, pero hindi ‘yong comfortable na silence. Hindi rin awkward. Ito ‘yong silence na parang may tension, may nakatagong pulso, may kuryenteng dumadaloy sa pagitan naming dalawa. At mas lalo akong nag-panic. Kaya ginawa ko ang pinaka-un-Xena move ever: tumayo ako bigla, hawak-hawak ang notebook, tapos pinilit kong ngumiti. “Anyway! Thanks for today’s lesson. You may now leave. Dismissed ka na. Chop-chop.” Parang ako ang tutor at siya ang estudyante sa tono ko, pero deadma siya. “Xena,” seryoso niyang tawag ulit. Kinagat ko ang labi ko, naglakad palayo papunta sa pintuan, pero naramdaman ko ang mabilis niyang hakbang kasunod ko. Nasa likod ko na siya, at kung hindi lang ako nakapagtimpi baka napasigaw na ako sa kaba. “Give me that notebook.” “No way!” “Then let me at least see what you’re hiding.” “I told you, wala!” “Then prove it.” Halos mabitawan ko ang hawak ko sa sobrang pressure ng boses niya. Pero hindi ako bumigay. Hindi puwede. Kasi kung makita niya? Tapos na ang reputasyon ko. Magiging laughing stock ako sa harap ng sariling tutor. “Fine.” I raised my chin, glaring at him. “Hindi mo siya makukuha unless agawin mo.” At ayun na nga. Kung sa pelikula ito, iyon na ‘yong cue ng super slow-motion scene na may dramatic background music. Nag-step forward siya, at automatic, umatras ako. One step. Then another. Until literal na nakasandal na ako sa pader, trapped, habang siya naman nakatayo sa harap ko, arms crossed. “Last chance, Xena.” Mababa ang tono niya, parang warning, pero may halong amusement. “Hindi mo ba naiintindihan? Private ito!” halos sumigaw na ako. He leaned closer. So close na halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya. “Then why are you afraid of me seeing it?” Sh*t. My heart was racing like crazy. Hindi ako makatingin nang direkta, pero ramdam kong nakapako ang tingin niya sa mukha ko. Ang problema, alam ko rin na hindi lang simpleng curiosity ang laman ng mga mata niya. Para bang… iba. Para bang he needed to know. At doon ako mas lalong nataranta. So I did what any spoiled heiress-s***h-prideful girl would do. I bolted. “Yes, private! So mind your own business!” I yelled, mabilis na lumusot sa ilalim ng braso niya, tapos dumiretso sa pintuan at binuksan ito. “Session over!” That night, habang nakahiga ako sa kama, hawak pa rin ang notebook ko, para akong baliw na iniisip ang lahat ng nangyari. Bakit ba kasi hindi ko na lang tinapon ‘tong notebook na ‘to kahapon pa? Bakit kailangan ko pang magsulat tungkol sa kaniya? Bakit parang naging guilty pleasure ko na rin ang pagsulat ng mga kwento naming dalawa — kahit na sa totoo, hindi naman nangyayari? Nakatawa. Nakakahiya. Nakaka-adik. At oo, kinikilig ako kahit galit ako sa sarili ko. Pero ang mas kinakatakot ko? Baka hindi na lang curiosity ‘yong nasa mga mata ni Kairo kanina. Baka… nabasa niya ang isang pahina bago ko nakuha. At kung gano’n nga — I’m doomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD