(Xena’s POV ) Ang lamig. Literal at figurative. ‘Yung tipong kahit nakabalot ako sa malambot na hoodie ni Kyle, parang may hangin pa ring sumisingit sa pagitan naming dalawa. At ‘yung hangin na ‘yon? Hindi na basta-basta lamig ng aircon. It’s the kind that hums — that kind na parang may tinatagong meaning, na parang may gustong sabihin pero hindi masabi. Naka-upo ako ngayon sa couch ng guesthouse, hawak ang tasa ng kape na ginawa ko kanina pa pero hindi ko naman iniinom. Kasi imbes na matikman ‘yung kape, panay sulyap ko kay Kyle. Ayun siya — nakasandal sa dining chair, tahimik, naka-hoodie rin (ibang kulay nga lang), at nakatitig sa laptop niya. Pero hindi siya kasing composed kagaya ng dati. Dati, kapag nagtuturo siya sa akin, every gesture was measured. Every word was calm. Nga

