” (Xena’s POV ) Ang tahimik ng umaga, pero hindi mapayapa. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ng hangin o dahil sa init ng kung anong namamagitan sa amin ni Kyle — pero habang tumatagal, parang unti-unting nagiging masikip ‘yung buong paligid. Nasa kusina pa rin siya, nakatalikod, nag-aayos ng mug na parang may iniwasan. Ako naman, nakatayo sa may counter, hawak ‘yung tasa ng kape ko na ni hindi ko pa rin iniinom. Ang tagal na naming ganito — walang imikan, puro pilit na normal. Pero ang problema… hindi na normal. Hindi na kagaya ng dati. Every movement he makes feels deliberate. Yung bawat pagbuhos ng kape, bawat pag-ayos ng buhok, bawat paghinga niya — may bigat. At ‘yung bigat na ‘yon, ramdam kong ako ‘yung dahilan. Hindi ko naman sinasadya, pero parang gusto ko na rin. “Hind

