Xena’s POV Hindi ko alam kung anong mas nakakakaba — ‘yung surprise quiz ni Kyle sa akin ngayong gabi o ‘yung paraan ng pagtingin niya na parang siya mismo ang prize. “Ano, ready ka na?” tanong niya, hawak ‘yung tablet habang nakaupo sa opposite side ng study table. Pero kahit sa pagitan naming mesa, ramdam ko ‘yung invisible current sa ere. “Depende,” sabi ko, kunwari chill habang pinipilit kong huwag tumingin sa kanya nang diretso. “May reward ba kapag pumasa?” Napataas ang kilay niya. “‘Reward’? So kailangan mo pa ng incentive para mag-aral, Miss Xena?” “Hindi naman kailangan,” sagot ko sabay kagat sa labi. “Pero alam mo naman, mas fun kapag may stakes.” ‘Yun lang — napahinto siya. May kung anong bahagyang ngiti na umakyat sa gilid ng labi niya, ‘yung tipo ng ngiting dangerous but

