(Kyle's POV) Minsan, hindi mo alam kung alin ang mas nakakapagod — ‘yung buong araw mong pinipigilan ang sarili mo, o ‘yung gabing wala ka namang kalaban kundi utak mo. At ngayong gabi, talo ako. Walang tulog, walang katahimikan, walang kahit anong distraction na kayang patahimikin ‘yung ingay sa utak ko. Lahat nagsimula sa isang simpleng turo — isang sagot, isang notebook, isang ngiti. At ngayon, hindi ko na alam kung tutor pa ba ako o isang lalaking nawawala sa sariling disiplina. Humiga ako sa kama, nakatingin sa kisame, pero sa isip ko, nando’n pa rin siya. ‘Yung paraan ng pagkakaupo niya kanina — nakasandal, hawak ‘yung ballpen, nakakunot noo habang iniintindi ‘yung formula. At ‘yung buhok niyang medyo bumabagsak sa harap ng mukha niya, na gusto kong ituck sa likod ng tenga ni

