“Because I have to,” sagot ko, halos pabulong. “Bakit nga? Dahil tutor lang kita?” “Exactly.” “Eh ano naman ngayon kung tutor ka? You’re still you… and I—” naputol ang salita niya, parang nahihirapan siyang ituloy. “I like being around you, Kyle.” Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Masaya? Natatakot? Parehong naroon. “Xena…” Tumayo siya, marahang nilapitan ako. Hindi siya agresibo—pero ‘yung bawat hakbang niya, mabigat. May intensyon. “You can’t deny it,” sabi niya. “Anong hindi ko ma-deny?” “That you feel something too.” At doon ko siya tinitigan nang matagal. Hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang sagot. Kasi oo, nararamdaman ko. Pero alam ko rin na ‘pag inamin ko, wala nang atrasan. “Do you even realize what you’re doing?” tanong ko. Ngumiti siya ng mapai

