(Kyle’s POV) Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala sa harap ng monitor, pero kahit ilang formula o graphs ang tumambad sa screen, isa lang ang malinaw sa isip ko. Xena. ‘Yung tawa niya kaninang umaga habang pinipilit kong hindi mapatingin sa kanya. ‘Yung paraan ng pagsinghap niya nang magkasabay kaming yumuko para damputin ang nalaglag na pen. At higit sa lahat — ‘yung simpleng titig na parang sinasabi, “Kyle, stop pretending you’re not affected.” Pero paano nga ba ako hindi maapektuhan kung siya mismo ang dahilan kung bakit hindi na ako makatulog nang maayos? Gabi-gabi. Kapag sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, siya agad ang unang bumabati sa isip ko. Minsan nakangiti. Minsan nagagalit. Minsan... masyadong malapit. At ngayon, heto kami. Magkasama ulit sa study r

