(Kyle’s POV) Ang tahimik ng buong study room. Yung tipo ng katahimikan na hindi nakaka-relax—nakakabingi. Kaharap ko si Xena, nakasandal sa swivel chair, nakaponytail ang buhok na parang sinadya talagang ipakita ‘yung makinis niyang batok. Naka-oversized hoodie siya—oo, ‘yung hoodie ko. At hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan kasi habang nagso-solve siya ng equations, halos maubos ‘yung self-control ko sa bawat paggalaw niya. She twirls her pen between her fingers, lips pursed, tapos biglang nagsalita nang walang kaabog-abog: “Sir Kyle, kapag naperfect ko ‘to, may reward ba ako?” Huminto ako sa pagsusulat sa whiteboard. “Reward?” tanong ko, kunwari clueless, pero sa loob-loob ko, please huwag mo akong subukin, Xena. She nodded, leaning forward sa mesa. “Mm-hm. Parang

