POV: Xena If failing were an Olympic sport, gold medalist na siguro ako by now. Kahit anong pilit kong ipako ang utak ko sa numbers, sa equations, sa fractions na parang foreign language, lahat nabubura. Para silang mga ligaw na kalat na kahit gaano ko ayusin, ayaw magpatinag. At ngayon, hawak ko na ang papel ng quiz ko, naka-bold at bilog ang grade na parang pang-asar: 52%. “Sh*t,” napabulong ako, parang gusto kong kainin na lang ‘yong papel. Hindi ko pa man nahahawakan ng matagal, naagaw na ito ni Kyle At ayun na. The storm. “Fifty-two?” malamig ang boses niya pero may init na nakatago, parang apoy na nagkukubli sa ilalim ng yelo. I tried to smile. “At least pasado kung may pasang-awa system?” Hindi siya natawa. “Do you even take this seriously, Xena?” tumaas ang boses niya. Hin

