"Ang linis naman nitong unit mo teh, bakit wala man lang ka-design- design?"
"Oh really? Wala nga akong dala na kahit anong design dito. I thought that it's not really needed. I just keep this unit clean and orderly you know what I mean?" nakangiting sagot ni Leyla.
Si Roca naman ay hindi pa rin tumitigil sa sariling buo niyang kuwento. Naisip na naman niya na sino nga ba ang may kailangan ng pinagandang unit kung lilipat din naman siya sa unit ni Mr. Andrews.
"True, sabagay. Kung extra na unit mo nga naman-"
"Extra?"
"Wala teh, sshh na ako sige na. 'Wag kang mag-alala, hindi ko ipagsasabi 'to sa office."
"Oh yes please, 'wag mong sasabihin 'to sa kahit na sino. I am just letting you here because I think you are really nice."
Leyla thought that she was talking about her address. Sino nga ba naman ang may gusto na kumalat ang address niya? Hindi niya inaasahan ang makulay na imahinasyon ni Roca.
"Would you like spaghetti and meatballs or carbonara?" tanong niya sa babae na manghang- mangha sa magandang view mula sa salamin.
"Spaghetti please!" sigaw nito pabalik.
"Got it! Give me twenty minutes."
From the view outside, Roca can see the nice sunset in the distance behind the high buildings. She even took some selfies.
"Oh, 'yong kotse ni Sir," she saw the CEO's car drive in the entrance of the unit which is a couple of floors below them.
"Shocks, nakakatakot naman. Parang may alam akong secret affair ng Boss ko at kailangan ko na itago mula sa buong mundo. Baka ito pa ang maging dahilan ng pagkalaglag ko sa kumpanya," isip ni Roca.
Tahimik na umupo na lang si Leyla sa sofa habang nanonood ng cartoons, mula sa kinauupuan ay tanaw niya si Leyla na nagluluto sa may kusina.
"Dyosa naman kasi talaga si ate girl eh oh, sino ba naman ang gan'yan kaganda habang naghihiwa ng sibuyas? Diyos ko po, nung ako naman ang naghihiwa ng sibuyas hindi naman gan'yan. Kulang nalang tumulo ang uhog ko kapag ako, 'pag siya mukha siyang model?" gigil na sabi niya sa sarili.
"Roca? Ano 'yon?"
"Wala, nagsasabi- sabi lang ako rito. Paano ba naman kasi ang ganda- ganda mo maghiwa d'yan. Sana man lang 'di mo masyado ginagalingan teh, ang lakas maka-TV commercial."
Bahagyang natawa ang dalaga habang hinahawi ang kan'yang buhok palayo sa mukha niya.
"Mabiro ka talaga, kaunti nalang ito at maluluto na. Sauce nalang ang kulang."
Tinanguan niya ang dalaga, "Leyla, bakit ka naging secretary?" biglaan niyang tanong.
"Hmm, at first my teacher recommended me to apply in our company. Tapos ayon naging secretary na ako, wala akong reason talaga noong pumasok ako sa kumpanya. Pero ngayon dahil nga kailangan ni Sir Rui ng bagong secretary, mabuti na rin na ituloy ko."
"Mabuti na ituloy mo?"
"Bago palang ako, at pansin ko na hindi nagugustuhan ni Mr. Rui na ako ang papalit kay Mr. Albert. Pero ngayon na mas naiintindihan ko na kung ano ang kailangan ni Mr. Rui, wala na siyang magagawa para paalisin ako sa kumpanya. Kahit magbago pa ang ihip ng hangin at ipagtabuyan niya ako ulit."
Imbis na sagot para sa tanong ni Roca, parang kinakausap ni Leyla ang sarili. Parang para sa sarili ang ang mga dahilan. Tila ba kinukumbinsi niya ang sarili gamit ang mga dahilan na 'yon.
"Seyoso ka ba teh? Hindi mo pa kilala si Mr. Rui noon?" malokong tanong ni Roca.
"Huh? Paano ko naman siya makikilala?"
"I mean, hindi mo ba talaga siya- you know what, sige na. Hindi na ako manghihimasok sa relasyon nin'yo. Hahayaan ko na kung gusto niyo na ganito," pahina nang pahina ang boses niya kaya naman hindi na narinig ni Leyla ang mga sinasabi nito.
"Pansin mo ba girl, masyadong galit sa mundo si Mr. Rui. Kapag nakakasalubong ko siya, parang nakakakita siya ng tipaklong tapos lalayuan niya ako bigla, gusto ko lang naman mag good morning!"
Natawa si Leyla dahil sa biglaang pagsusumbong ni Roca sa kan'ya.
"Ganoon lang talaga siya, parang galit siya palagi. Pero hindi naman masama ang ugali niya," Leyla started to talk more sincerely and Roca can see that in her eyes. "He has too much in his mind, sometimes he just needs to be understood."
"Shuta, sa mga pinagsasalita ni ate mo girl, mukhang kilalang-kilala niya si Sir. Duda talaga ako na kakakilala lang nila. Bakit parang sobra niya kung intindihin at alagaan si bossing?" she thought.
Naputol ang malalim niyang pag-iisip nang sulubungin siya ng mabangong amoy noong pumasok siya sa kusina.
"Oh my gosh, hindi ko inexpect na ganito ka kagaling mag-luto. Bakit ang ganda? Mukhang gawa ng professional chef!"
Leyla sweetly smiled with her eyebrows softly raised, "Awe, that's so sweet. Hindi mo pa nga natitikman pero ang dami mo na agad papuri."
Hindi na nakapaghintay ang makulit na babae, kaagad na niyang sinunggaban ang nakahapag na pagkain.
"Sh*t, 'di na talaga ako magugulat sa susunod, sa ngayon naniniwala na talaga ako na lahat nalang kaya mong gawin!"
This night is very different from what Leyla is used to. Hindi niya inasahan na ang simpleng pagpapatuloy niya lang kay Roca at ang pagluluto niya para rito ay magiging ganito ang epekto sa kan'ya. She felt contented. Matagal na rin ang nakalipas mula nang may iba siyang pinagluto, na-miss na niya ang pakiramdam ng may kasama at may nakakausap ng ganito. At first she found Roca to be a very difficult to understand woman, but now she can finally admit that she loves her company.
"She's loud and very talkative, sometimes I don't even understand her, but when I'm with her, I never felt lonely," Leyla thought as she watched Roca stuff her face with the pasta.
The two enjoyed the night together, they even hang out and watched Roca's favorite Disney movie.
"Anong IG mo teh?"
Panandalian na natigilan si Leyla bago niya naintindihan ang tinanong nito sa kan'ya.
"I don't have social media accounts actually. If you want, I can give you my number."
"Hoy seryoso ka ba? Gan'yan ka kaganda tapos hindi mo man lang pinagyayabang sa IG? Baka kapag gumawa ka pa, baka ma- discover ka pa at maging artista ka ng company natin!"
"Hahaha! Mabiro ka talaga, imposible na mangyari 'yan."
Imbis na sumagot, inagaw lang ni Roca ang phone ni Leyla para simulan ang paggawa ng IG nito. Sobrang bilis niya na ginawa ang lahat at hindi na masundan ni Leyla kung ano ang mga pinag-pipindot nito.
"Wala kang kahit anong selfie? Seryoso ka ba!" may puot at galit na sigaw ni Roca. "Nakakasama ka na ng loob! Kung ako ang gan'yan kaganda teh, baka bumili ako ng sampung cellphone para punuin ng selfie! Dito ka, tumayo ka dito sa may bintana." hatak- hatak niya ang dalaga. Ilang sandali pa ay kinunan niya ito ng litrato.
"P*ta, isang picture lang tapos perfect kaagad? Gusto ko manapak," she whispered. "Oh, ayan may IG ka na. Dapat may post ka na selfie dito everyday. Panigurado talaga marami ang mag-fofollow sa'yo!"
"I-uhm, I don't know how to-"
"Kailangan natin ng isang selfie para maging first post mo!"
Rui just got out of the car to finally end the day quietly in his condo unit. He's ready to take a hot shower, drink some wine and just rest the whole night. After another stressful day like that, wala na siyang balak na dagdagan pa ang iisipin ngayong gabi.
"Hello Albert?" he answered on his phone.
"Mr. Rui, I'll be out with my family tonight. If you need something you can directly contact Leyla."
Rui nodded as if he's speaking to him face to face, "I don't plan to do any more work tonight so there's no reason for that. Enjoy your night Albert."
As soon as Rui unlocked the door to his condo unit, he felt something unfamiliar. Parang may kung ano siyang biglang naramdaman.
"Shawn?" he called out. May pakiramdam siya na mayroong ibang tao sa loob ng unit niya. And aside from his mother, si Shawn lang naman ang may alam ng code niya. At ngayon, alam niya na imposibleng nandito ang mama niya dahil kasalukuyan itong naglilibot sa Guam kasama ang mga amiga niya.
Bago siya tumuloy papasok, sinigurado niya muna na tawagan si Shawn.
"Oh? Hello?" pasigaw na sagot Shawn sa tawag niya.
"Where are you?"
"Nasa shooting pa rin ako sa Quezon. Bakit anong meron?"
"Nothing, I am just- never mind. I'll go then."
Kahit na medyo nakakaramdam pa rin siya ng kakaiba, pinili niya na hindi ito intindihin at dumiretso nalang siya papasok ng kan'yang unit.
But as soon as he opened the door to his room, he was doomed. He started to breathe harder, pinipilit niya na pakalmahin ang sarili kahit na halos hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan niya.
"Kuya Rui," Kira said. "Bakit ang tagal mong umuwi?"
She's wearing a very revealing black dress while she seductively sat on the edge of his bed.
"Bakit parang takot na takot ka?" she asked. "Iniisip mo ba kung paano ako nakapasok dito?" her giggles sent chills down his spine.
"Para namang hindi mo alam kung ano ang nagagawa ng pera," she said.
Rui gathered all his strength to drag his feet and move out of the room. Hindi niya inasahan na makita ang babae sa sarili niyang pamamahay kaya naman kahit na hindi pa ito kumikilos papalapit sa kan'ya, unti-unti na siyang nilalamon ng takot. Bumabalik ang masamang ala- ala ng nakaraan niya.
"Bakit ka lumalayo? Halika rito, ang tagal ko ng naghihintay. Alam ko na kapag tayong dalawa lang, hindi mo ako maaayawan. 'Wag ka ng mahiya," Kira slowly walked towards him and forced him into a hug.
Her creepy giggles continued as she enjoyed hugging Rui, forcing his suit open. She even left small kisses on his covered broad shoulders before cupping his face. Napangiti siya nang mapansin na nakapikit ang mga mata ng lalaki habang mabigat na humihinga. He's clinging so hard on the table that's behind him.
This is hell. Nauulit na naman ang impyernong ito kay Rui. Halos hindi na siya makatayo dahil sa panghihina. Ganitong- ganito ang nangyari sa kan'ya noon. Ang akala niya, ngayon na matanda na siya, kahit papaano ay makakaya niya na protektahan ang sarili niya. Pero wala, hindi pa rin siya makalaban. Wala pa rin siyang laban.
He hated himself for being too weak.
"F*ck off," he whispered. Inipon niya ang lahat ng lakas na natitira sa kan'ya bago niya itinulak ng malakas ang babae na nabalibag sa kama. Mabilis siyang tumakbo palabas habang pilit na kinakalma ang sarili. Alam niya na ilang sandali nalang, mawawalan na siya ng malay. At ang huling nakita niya para takbuhan ay ang elevator.
Hindi na niya makita kung saan siya patungo. Halos hindi na niya mabasa ang mga numero ng elevator kaya naman pinindot nalang niya ang kahit ano na matapatan ng kan' yang mga daliri.
"Teh, grabe busog na busog ako! Excited na talaga ako na maulit 'to!"
"Ano ka ba, hindi ka pa nga nakakauwi gusto mo na agad na maulit?" natatawang sagot ni Leyla kay Roca habang naghihintay sila sa pagbaba ng elevator.
"Oo naman! Ang sarap mo kasi mag luto. Tapos- Sir Rui?" gulat na napasigaw si Roca dahil sa biglaang pagbukas ng pintuan nitong elavator.
"Mr. Rui?" pag-uulit ni Leyla. Naguguluhan siya na lumingon patungo sa direksyon na tinitignan ni Roca. Dito ay nakita niya si Rui na halos mapaupo na sa sahig habang nakakapit ng mahigpit sa hawakan ng elevator.
Sa isang tingin lang, alam na niya na may hindi magandang nangyari kay Rui. Hinahabol niya ang kan'yang hininga habang hirap na hirap sa pagbukas ng kan'yang mga mata.
"Sir!" mukhang natunugan ni Rui ang boses na 'yon. Kahit na hindi na siya makalakad ng maayos, sinundan niya ang boses na narinig.
"Leyla..." he whispered.
She forgot everything, mabuti nalang at nasalo ni Roca ang nakabalot na pagkain na ibibigay niya sana para maiuwi nito dahil bigla niya nalang itong binitawan para saluhin si Rui.
Roca watched everything go down. Kitang-kita niya kung paano mabilis na bumitaw si Rui sa pagkakahawak sa railing nang marinig si Leyla. Hindi niya inaasahan na makita ang CEO na ganito, nang mahawakan na siya ni Leyla, parang nakahinga na siya nang maluwag at binalot niya ang sekretarya sa mahigpit na yakap.
"Sir, don't worry... I'm here," she whispered.