Chapter 13
(Maesy point of view)...
.
.
Sa pag babalik tanaw ko sa aking nakaraan, hindi ko namalayan na umaagos na pala ang aking mga luha dahil sa pag iyak.
Hindi ko alam, wala akong maalala na sa kabila ng pinag daanan ko ay heto ako ngayon. Wala akong maalala kung paano ko nalagpasan ang lahat ng mga yun. Waka din ako malala kung paano ako punta kay lola.
Seguro dahil sa karanasan ko, hindi ko na lubos iniisip o inalala ang mga masasayang pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na malala kung naging masaya ako. Na sa kabila ng lahat ng pagsubok sa akin, hindi ko alam kung may tumulong sa akin para malagpasan ang mga iyon, maliban kay lola, wala na! wala ng tumulong sa akin. Yun ang naalala ko sa lahat ng nakaraan na nangyari sa akin. Bawat pag pikit ko kasing dilim ang nakikita ko sa mundong ginagalawan ko.
Paano ba ako nakapunta kay lola??! Hindi ko rin alam, Basta ang naalala ko lang pag gising ko nasa hindi ako pamilyar na kwarto....
.
.
.
.
.
.
.
(flasback.. Maesy point of view..)
.
.
.
Gumising ako na nasa ibang kwarto ako, alam ko na hindi ko eto kwarto kasi puti ang kulay ng pintura, kulay puti rin ang mga nasa paligid ko. At may parang may maliit na t.v sa tabi ko na panay guhit na pababa, at pataas ang lumalabas dito . At kung ano rin ang naka kabit sa aking ilong, tinignan ko kung san eto naka konektado at nakita ko ang nasa gilid ko na tangke ng gas, may naka kabit din sa aking kamay at naka konektado rin eto sa may parang plastik na nakakabit sa taas. Hinawakan ko ang ulo ko at nalaman ko na may benda ang ulo ko.
"anong nangyari sakin?." tanong ng aking isipan. "nasaan ba ako? "
Biglang may lumabas sa may pintuan, nang makita niya ako na pilit binabangon ang aking sarili nagulat eto. Bigla etong lumabas at narinig ko nalang na sumisigaw eto. Isinisigaw niya ang silatang, "nurse! nurse! excouse me! paki tawag ang doktor ng apo ko. Gising na kasi eto. Gising na ang apo ko.!"
apo?! sinong apo niya?
Ngumiti eto sa akin at nilapitan niya ako. "kumusta ang pakiramdam mo? may masakit ba sayo? sabihin mo kay lola ha!."
"lo-lola?! lola ko po kayo?! ako ba ang sinasabi neyong apo?." sagot ko.
Pero, lumaki ang mga mata neto, na tila nabigla siya sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko? may mali ba sa tanong ko? kaya ganyan nalang ang reaksyon niya??
"apo?! hindi mo ba ako nakikilala?" takang tanong niya. "te-teka?! alam mo ba kung ano ang pangalan mo?!" kinakabahan niyang tanung sa akin.
Tumango lang ako bilang sagot.
"Ta-talaga?! di kilala mo ako kung sino ako?." tanung niya ulit.
Pero umiling ako bilang sagot ulit sa tanong niya. Kaya eto biglang nagulat "a-ano?! hindi mo ako nakikilala, pero alam mo kun sino ka?! " sabi niya ulit.
Tumango ako ulit. "hindi ko po kayo kilala, pero ako po si Maesy Chean Abad." pakilala ko sakanya, kaya bigla eto muli nagulat.
"ang mga magulang mo ihja?! kilala mo ba?! " tanong pa niya.
Tumango ako muli bilang sagot sakanyang tanong at nag salita. "ang papa ko si..." humikbi ako sa naalala ko. At diko namalayan na tumulo na ang mga luha ko. "si mama.. si mama...ma! mama! ang mama ko! wala na si mama!! ang mama ko wala na siya. Kasalanan ko ang lahat !! mama!! mama! sorry mama! sorry!! " iyak kung sabi. "asan po pala si papa ko?! hihingi ako ng sorry kay papa, papa! pa! sorry na pa! wag kanalang magalit sa akin pa! wag mo na akong saktan pa! sorry pa! sorry! " dagdag ko pa.
Bigla akong niyakap nung babae na kausap ko. Medyo may edad na eto, mukhang matanda na,.
Niyakap niya akung mahigpit na mahigpit at hinahawi ang aking likod, hanggang sa dumating ang isang nurse at doktok. Pinakalma na nila ako dahil sa labis kung pag iyak. Nang kumalma ako, cheneak-up ako, sinuri ako at kinuhanan ako ng mga dugo at kung ano ano pa, Pagkatapos akung suriin, at kuhanan ng kung ano ano, umalis yung nurse, pero naiwan yung doktor.
"ihja?! natatandaan mo ba kung sino ka? " tanong sakin nung doktor.
Tumango ako bilang sagot sa tanong niya,.
"pwede mo bang sabihin sakin kung sino ka? " tanong niya ulit.
Tumango ako at nag pakilala sakanya, "ako po si Maesy Chean Marquez Abad." pakilala ko.
"eiy! edad? alam mo ba kung ilang edad kana? " tanong niya ulit.
"e-edad?! hindi ko po alam kung anong saktong edad na ako. Basta ang alam ko lang walaong taon ako nun ng mamatay ang aking mama." sagot ko.
"ano ba nangyari sa mama mo? pwede mo ba ekwento sa akin? " sabi pa niya.
Tumango ulit ako bilang pang sang ayon sa nais niya.
"pinag samantalahan si mama, sa harap ko mismo. Pinatay si mama ng wala man lang akong nagawa. Hindi ko nailigtas si mama. Hindi ko din nagawang matukoy kung sino ang mga kalalakihan na gumawa iyon kay mama." sabi ko, pero unti unting pumapatak naman ang mga luha ko.
"eiy! ang papa mo? kilala mo ba?" tanong ulit nung doktor.
Tumango ulit ako bilang sagot, "Warren Valtazar Abad, yan po pangalan ni papa."
pero, unti unting pumapatak ang mga luha ko. "he mad at me. He hate me! Sinasaktan niya ako. Hindi ko ginusto mawala si mama. Pero tama si papa, kasalanan ko ang lahat." sabi ko. At tuluyan na nga akong umiyak.
Niyakap ako ng nagsasabing lola ko daw siya, pero hindi ko alam kung totoo yun.
"Mga kaibigan?, may mga kaibigan ka ba? " tanong niya ulit.
Pero, umiling ako, "wala. waka akung kaibigan kahit ni isa. Nasa bahay lang ako kaya wala akong kaibigan." sagot ko.
"eiy! ang lola mo? nakikilala mo ba siya?" sabi pa niya. Sabay turo sa matandang babae na katabi ko.
Pero, umiling ako. "lo-lola? lola ko po siya?" takang tanong ko.
Kinuha nung sinasabi nila na lola ko ang mga kamay ko, at sabi niyan, "ako ang iyong lola. Ako ang lola Gretha mo. Margareth ang pangalan ko. apo."
"lo-lola gretha?, " pag uulit ko.
"oo apo! ako ang lola gretha mo, Margareth ang pangalan ko. Ako ang ina ng mama mo, ina ako ni sheena ang mama mo. Kaya apo kita." sabi pa nung lola Gretha daw.
"lola?! lola! " sambit ko. At niyakap na din eto.
"Pasinsya kana apo. Nahuli ang lola, sorry apo. Pag pasensyahan mo na ang lola, wala ako sa tabi mo ng kailangan mo ng tulong." hinaplos haplos pa niya ang aking buhok. "andito na si lola apo. Hindi kita pababayaan. Andito ako lagi apo." dugtong pa niya.
umiyak nalang ako.
Hanggang nag salita muli ang doktor "ihja?! ano ba ang naaalala mo na nangyari sayo?"
"hindi po sinasadya ni papa na ma hampas ako. Nakadahilan ng pag hulog ko sa hagdan. Wala po siyang kasalanan. Kasalanan ko po kasi hindi ako nag iingat, kasalanan ko," sagot ko.
"alam mo ba kung ilang taon kana ngayon? " tanung ulit ng doktor.
Kagaya parin, na iling lang ang ginawa ko.
"ihja, almost 15 years old kana ngayon, mag pipitong taon narin ang lumipas ng mamatay ang ina mo. " saad ng doktor.
Bigla naman akong nagulat sa nalaman ko. Napanganga pa ako na napag tanto ko na, kung mag pipitong taon na ang nakakalipas simula ng mamatay si mama, ibig sabihin mag pipitong taon na din ako na nasa hospital na nakaratay. Ano na nga ang tawag sa kalagayan na yun, "co-coma??! " bigkas ko ng malala ang tawag dun.
Bigla namang, nagulat ang lola ko sa sinabi ko at biglang napatakip eto sakanyang bibig.
"anong nangyayari? bakit tila, nagulat si lola sa sinabi ko? ganun naba ako nakaka awa?" sabi ko sa aking sarili.
Hindi ko nalang pinansin ang bagay na yun, kahit naman ako ay naawa sa aking sarili, sa kinahahantongan ko ngayon.
"wala ka nabang naalala bukod sa nangyari sa mama mo? pitong taong nakalapis? " tanong ulit ng doktor.
Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Ano pa ba ang maalala ko? wala namang nangyari sakin, bukod sa pananakit sakin ni papa. Sa walang sawa niyang pag hihirap niya sa akin, sa pagsisisi niya sa akin. Ano pa nga ba ang maaalala ko. Pitong taon akong nakaratay dito. Pero ang weird lang. Kasi wala na akong ibang maalala. Pero kung nawala man ako ng alala o amnisia na tinatawag nila, di sana hindi ko naalala ang pangalan ko at kung sino ako at kung ano nangyari kay mama.
Sana nga, sana nga walan nalang ako ng memorya, para hindi ko na maalala ang kahayopang ginawa nila kay mama. At para narin hindi ko narin maalala ang masamang trato sa akin ni papa. Sana nga nawalan nalang ako ng memorya ng saganun hindi ko maalala ang bangongot sa buhay ko.
Sa pag iisip ko sa nangyari at pag aalala, biglang sumakit ang ulo ko.
"aahhh!! ang sakit! aahhhh!! " hiyaw ko sa sobrang sakit ng ulo ko. "Aaaaahhh!!! Aaaahhhh!!" Hinawakan ko pa ang ulo ko dahil sobrang nangingilipit eto sa sakit. Sa sobrang sakit, nag wawala na ako kaya namam,.
Biglang may kinuha ang doktor at itinusok sa akin para kumalma. At dahan dahan na din akong napakalma at unti unti na din pumipikit ang mga mata ko.
.
.
.
.
Lumipas ang mga araw, ididis charge na ako ni lola. Sabi kasi ng doktor ay pwede na akong maka uwi. Pero, nagtataka ako bakit simula ng magising ako tila hindi ko nakita si papa.
Kaya naman habang sinasamahan ko si lola na nag aayus ng aking gamit, bigla nalang ako napaluha dahil iniisip ko si papa.
"bakit apo?! may problema ba? may masakit ba sayo?!" tarantang tanong ni lola. Nang mapansin niya ang mga luha kung pumapatak.
Iniling ko ang aking ulo at sabing, "wala po eto la, wala naman po akong masamang nararamdaman,. Ang sakit lang isipin na nag iba na ang trato sakin ng papa ko. Ang sakit lang isipin na wala na akong halaga sakanya. Simula nung nagkamalay ako, ni hindi ko man lang nakita ang anino niya. Ni hindi man lang niya ako kinamusta." pagtatampo kung sagot, at niyakap ako ni lola.
.
.
.
.
.
Lumipas ang ilang oras nakarating kami sa bahay ni lola. Andun si tita Gwen na kasakasama ni lola minsan sa hospital, sabi din ni lola na kapatid siya ni mama. May katabi si tita gwen na dalawang babae. Ngumiti sila sa akin, pero nag tabo ako sa likod ni lola.
"wag kang matakot apo. Mga pinsan mo mga yan, anak sila ni tita Gwen mo." sabu ni lola.
"Siya si Veronica, kasing edad mo siya." pakilala ni tita Gwen dun sa naka bangs na babae na kasing edad ko daw.
"Siya naman si ate Vyda mo. Ang panganay kung anak. Mga tatlong taon ang agwat niya sa inyo ni Veronica." pakilala niya dun sa isa na maikli ang buhok.
Pero nanatili parin akung nasa likod ni lola. Nang magtatangkang lumapit sakin ung Veronica ay siniksik ko ang katawan ko kay lola. Ewan ko pero parang takot ako sakanya na nakokonsesya na nahihiya. Halong halo ang nararamdaman ko sakanya. Nalulungkot ako para sakanya na hindi ko alam kung bakit.
"Veronica, nag usap na tayo tungkol dito, diba? sana respetuhin mo ang disesyon ko." sabi ni lola dun sa Veronica. Nalungkot ang mukha neto at tumango tango bilang pag sang ayon niya sa sinabi ni lola.
Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila, kaya hinayaan ko nalang.
.
.
.
Tatlong araw ang lumipas ng iyuwi ako ni lola dito sa bahay niya. Sa tatlong araw na yun, Hindi ako lumabas, nasa kwarto lang ako palagi, dun na din ako kumakain. Dinadalhan na din ako ng pagkain sa loob ng kwarto ko para makakain.
Isang araw, nang nainip ako sa aking kwarto, lumabas ako sa aking kwarto at nagtungo sa sala. Hindi naman kalakihan ang bahay ni lola. Medyo malaki lang tignan ang bahay ni lola dahil bago ka makapasok sa bahay, may hagdan na eto. Pag pasok mo sala agad ang bubungad sayo, at sa sala ay jatapat niya ang kwarto ko. Sa gilid ay ang ang dinning erea, at sa harapan neto ay may kwarto na dalawa. sa hulian ay ang kusina at banyo.
Nilibot ko ang bahay ni lola. Tapos ng malibot ko eto, nagpahinga ako sa sala. May nakita akung salamin sa may gilid na kasing taas ng tao, lumapit ako dun. Nakatitig ako sa reflection ko sa salanin. Pinag masdan ko ang kabuuan ko. Ang laki ko na pala, ngayon ko lang napag tanto. Tama nga ang doktor sa sinabi niya sa akin na nasa 15 anyos na ako ngayon. Dahil sa pag orserba ko sa sarili ko naaayon sa tangkad ko ang edad na nasa labing lima.
"Ang laki ng pinag bago ng aking itsura, mula sa batang itsura ko." sabi ko sa sarili ko na naka harap sa salamin.
"parang hindi ako ang nasa harapan ko ngayon." sabi ko ulit.
Nag tataka man ako sa itsura ko na nakita ko sa repleka ng salamin, kaya pilit kung inalala ang mga nangyari sa akin. Nag tataka kasi ako, bat parang may mali.
Kasabay ng pilit kung inaalala anh nangyari ay biglang nangingilipit na naman sa sakit ang ulo ko.
Bigla kung hinawakan ang ulo ko na kay sakit. "Aaaaahhhh!! ang sakit!!! Aaahhh!! aahh!!! ang sakit ng ulo ko!! aaahhh!!" sigaw ko. Sumigaw ako ng sumigaw dahil sa sobrang sakit.
Dahil sa iniinda kung sakit, hindi ko alam kung sino ang lumapit sa akin. Hindi ko napansin ang paglapit nila sa akin. Nag wawala na ako sa sobrang sakit, at may biglang may itinusok sa akin. At dun ay naramdaman ko ang pag hina ng katawan ko at unti unting pumipikit ang aking mga mata.
.
.
.
.
.
"no! ako ang ama niya! ako ang mag didisisyon para sakanya! ako ang may karapatan dun." boses ng lalaki na nagagalit.
Nagising ako sa isang kwarto na panay puti ang kapaligiran, mukhang nasa hospital na naman ako. Piliit kung kinikilala ang lalaking nakatalikod sa gawi ko at nagagalit eto sa isang babae.
"Hindi mo pwedeng gawin yan! para ano?! ha?! para parusahan muli siya ha?! hindi ako makakapayag sa balak mo! " sagot nung babae.
Ano ba ang nangyayari at tila nag aaway sila.
"isipin neyo nalang ma para sa ikakabuti ni Maesy eto. Anak ko parin siya! bakit?! kaya neyo bang suportahan ang pang gagamot niya?! walang wala na kayo ma! susuportahan ko ang anak ko pero dun siya sa akin, dun siya mamamalagi. Dun siya titira sa bahay ko! " sabi ng lalaki. Si-sino ba siya? anong gamot? ako ba? may sakit ba ako?
Si-sino ba sila? ano bang nagyari sakin?.
.
.
.
.
.