Chapter 14
.
.
.
.
.
Si-sino sila?, ako ba pinag uusapan nila? bakit ba ako nan dito?
Pinilit kung makabangon mula sa pagkakahiga ko. Gusto ko malaman kung sino sila, kung sino ang nasa harapan ko na nakatalikod sa akin. Familiar kasi ang bosese niya...
" papa?! " bigkas ko ng humarap eto sa akin. Kaya pala parang kilala ko ang boses niya, si papa pala.
" pa-papa! " ulit ko.
Pero, imbes na sagotin ako ay lumapit sa akin si lola.
Nanginig ako ng makita ko si papa, bigla akung natakot, at hindi ko din namamalayan na tumulo ang aking mga luha.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay papa, hindi ko alam kung kakamustahin ko ba siya o ano. Natatakot kasi ako. Natatakot ako kay papa, baka may masamang gawin eto sa akin.
Nang maalala ko ang narinig ko kanina, nag tanong ako kay lola,
" ibabalik neyo ba ako kay papa? lola."
Imbes na sagotin ako ni lola ay tumingen siya kay papa at niyakap niya ako.
"Ano po ba ang sakit ko? " tanong kung muli,
" pasensya na kasi hindi ko sinasadyang marinig ang inyong usapan. Pe-pero, totoo po ba la?!" paumanhin ko. Pero hindi parin nila sinasagot ang mga tanong ko. Sa halip ay, niyakap ako ni lola ng mahigpit, at naramdaman ko ang mga pag patak ng mga kuha nia sa likod ko. Umiiyak si lola? ba-bakit?, totoo nga na ibabakil ako ni lola kay papa. Ayoko! ayoko ng bumalik kay papa.
"Lola, please.. please po, wag niyo po ako ibalik kay papa." pagsusumamo ko kay lola.
"pasensya kana apo. Pero mukhang tama ang papa mo. Mas maigi seguro na andun ka sa puder niya. Mas maaalagaan ka niya, mas maibibigay niya sayo ang mga pangangailangan mo. Maipapa gamot ka niya." Paliwanag ni lola sa akin.
"Lola?! ano po ba ang sakit ko.?" tanung ko ulit. Pero tulad ng dati, wala parin akung nakuhang sagot.
"basta, apo! mahal na mahal ka ni lola." pag iiba usapin ni lola. "babawiin kita apo. Nag usap na kami ng papa mo, sa oras na gumaling kana, babawiin kita sakanya. Kaya mag pagaling ka kaagad ha! dadalaw ako sayo dun, dadalasan ko ang pag dalaw saiyo dun. Pangako yan apo." sagot ni lola. At hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, at pinipunasan niya ang bawat pag patak ng mga luha ko.
At ako naman ay nakahawak sa kamay ni lola na nakahawak sa pisngi ko.
.
.
.
.
.
.
Lumipas ang tatlong araw, nailabas na ako sa hospital, at sa bahay nga ng aking ama ako tumuloy. Ayoko sana manatili kay papa pero, sabi ni lola na kailangan daw para tuluyan na daw akung gunaling. Pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ang sakit ko.
Tulad nga ng napag usapan, nandito ako ngayon sa bahay ng papa ko. Pero nag tataka ako dahil hindi eto yung bahay namin. Sa pagkaka alam ko hindi din dito ang lugar kung saan kami nakatira. Hindi din ganito ang styl ng bahay namin. Mas malaki to kumpara sa naaalala kung bahay namin. kailan pa kami lumipat ng bahay ni papa? bat wala akung matandaan? saka sobrang laki naman tong bahay para sa amin ni papa. tanong ng aking isipan. Napansin ko din na marami kaming katulong. Pero mas nag taka ako ng may sumalabong sa amin ng isang babae at lalaki. Yung babae ay mukhang kasing edad ni mama, pero yung lalaki ay mga nasa edad 12-13..
Teka? sino sila? anong ginagawa nila dito.
"titodad!! " sabi nung lalaki ng makalapit sa amin.
Teka?! titodad?
"hon! andito na pala kayo." sabi nung babae. At ningitian niya ako. Pero hindi ko siya ningitian. Ewan, pero parang ang sama ng loob ko sakanya. Pe-pero, ano tawag niya kay papa? hon?! anong nangyayari dito?.
"Daddy!!!." sigaw ng isang batang babae na papalapit sa amin. Mga nasa anim na taon eto.
Wait lang! kanina pa ako naguguluhan, sino ba mga eto? asaan ba talga kami.
Tinitigan ko yung bata, ningitian niya ako at biglang niyakap. Sa lahat na nandito sa loob sakanya ko naramdaman ang pagiging kompartable. Angaan gaan ng pakiramdam ko sakanya. Para bang ang tagal ko na siyang kakilala.
"finally! youre here ate! i miss you so much ate! " sabi pa na batang babae.
teka?! a-ate? tinawag niya akong ate. Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko, nang kumawala siya sa akin bigla ko din siyang niyakap ng mahigpit, na para bang kay tagal ko na siya kakilala parang kaybtagal din kaming hindi nag kita.
"how are you baby? i miss you too so much." sabi ko. Hindi ko lama kung bat sinabi ko iyon, basta alam ko lang na yun ang nararamdaman ko sa mga oras nayun.
Nang kumawala ako sa pag kayakap, nakita ko ang expression nila papa at nung isang babae, para silang nalilito na nagtataka. Tumingin din ako sa isa pang babae na kakarating lang ata dahil ngayon ko lang siya napansin na kasama namin siya. Sa tingen ko mag kasing edad kami. Nakita ko na pareho ang expression ng mukha niya sa papa ko atvsa isang babae. Hindi ko nalang pinansin iyon.
"how you fell ate? are you okey? dady said me na you gonna sick. That is true ba ate?" tanong nung batang babae.sa akin.
"yeah! im sick, and im fell good. And im gonna be okey soon. But?! can have question to you? " tanong ko.
"sure! what is it ate? "
"whats youre name? " yeah!! sa dami kung tanong sa aking isipan, na gustong sabihin yan ang labas sa bibig ko, dahil sa totoo lang, kanina ko pa gusto itaong yun, nalilito lang ako.
"so?! daddy is right?! that you have a sick. I'm sorry ate for what happend." sambit ng batang babae. Hindi ko alam bat niya yan sinabi, ano bang connection ng pagtatanong ko ng pangalan niya sa sakit ko. Naguguluhan na ako.
"Monique! I'm Charry Monique, but just call me Monique, but also i want you to call me cha! just like your name Che! " pakilala niya.
Che?! parang narinig ko nayan from somewhere, but idont think so kung saan at kaylan. "cha?? how so beautifull and nice cute name." sabi ko.
Hindi ko alam, pero sa lahat ng andito ngayon ay kay Monique lang ako komportable.
"Maesy, Monique is youre halfsisiter." sabi ni papa. Halfsisiter?! Magkapatid kami? kaya pala? kaya pala angaan ng pakiramdam ko sakanya.
"and, this is youre tita charmaine, my new wife, Monique's mother." sabi ni papa . So, stephmon ko siya.
"and, also. This is Chloue, youre stepsister, at same age kayo. She already 15, and this is Christian, youre stepbrother. He was 12 years old. " pakilala ni papa oa sa dalawa. "anak sila ni tita Charmaine mo." dagdag na sabi ni papa.
So, may iba na palang pamilya si papa habang nasa hospital ako. Ang sakit, ang sakit isipin na habang nakaratay ako sa hospital nag planong bumuo ng sariling pamilya si papa. Tuluyang wala ng paki alam sa akin si papa. Hindi niya na talaga ako mahal ni papa. Ako parin ang sinisisi ni papa sa lahat ng nagyari kay mama. Kung wala ng paki alam si papa sa akin, bakit pa ba niya ako kinuha kay lola. Kung hindi ko lang iniisip ang kalagayan ni lola hindi ako sasama kay papa. Narinig ko kasi na walang wala na si lola. Oo, mahirap lang si lola, pero mayaman siya sa pagmamahal, ramdam na ramdam ko iyon.
Lumipas ang ilang araw, tanging si Monique lamang ang nakagaanan ko ng loob. Tanging sakanya lang ako naging komportable.
Hindi ko alam kung ikasasaya ko ba ang malimit na aming pagkikita ni papa sa bahay dahil hindi niya na ako nasasaktan, dahi nga na busy eto sa pag aasikaso sa kompanya. Hindi ko alam kung paano muli nakabangon si papa dahil sa pagkamatay ni mama ay pinabayaan ni papa ang kanyang sarili at ang kompanya.
Si papa ang may kaya. Ang angkan ni papa ang may kaya sa buhay. Pero si mama ay isang simpleng pamumuhay lang ang meron sila ng pamilya nila. Hindi ko alam masyado ang tungkol sa pamilya ni mama. Pero sa pamilya ni papa, ang alam ko ay si papa ang panganay at si papa ang nag mana sa isa sa pag mamay ari ng pamilya ni papa. Yun! yun ang alam ko.
Hindi ko din alam kung, dapat ko din ba ipag pasalamat kila tita Charmaine na nagka kilala sila.
Una, naging maganda ang takbo ng buhay ko. Pero, di nagtagal, naging impyerno na naman ang takbo ng buhay ko. Sa tuwing wala si papa sinasaktan ako ni tita charmaine, lalong lalo na si Chloue, niminsan hindi ko nagawang humingi ng tulong kay papa, ni minsan hindi ko nagawangag sumbong kay papa dahil narin sa takot na baka hindi niya ako paniwalaan, ngayong nakikita ko kung gaano kamahal ni papa si tita charmaine. At tama naman sila na kahit magsumbong ako wala namang paki si papa sa akin. Na hindi niya ako paniniwalaan sa mga sasabihin ko.
Alam ko yun, kasi minsan na nangyari yun. Sinubukan ko mag sumbong, pero nabaliktad lang ako. Nag mukhang ako ang kontrabida sa harap ni papa.
Pero kahit ganun pa man, may nag iisa akong kakampi. Si Monique, pero gusto niya na tawagin ko siyang CHA. Hindi ko alam, pero parang pamilyar sa akon ang pangalan niya na hindi ko maintindihan.
Lumipas ang tatlong buwan tuluyan na akong gumaling sabi ng doktor, pero hindi ko alam kung anong sakit ang meron ako. Pero hindi na ako nag tanong kasi sabi ni lola na mas maigi pa na wag ko na daw alamin. Para hindi na daw dadagdag sa iisipin ko.
Naalala ko rin dati na nung nag away kami ni Chloue...
"nararapat lang sayo yang nangyari sayo! you deserve it! sa lahat ng pasakit na ginawa mo sa amin, lalong lalo na sa akin! lalong lalo na sa mama mo! you deserve what you get! sana, hindi kana gumaling! " masungit na sabi ni Chloue sa akin, habang hawak hawak niya ang braso ko. "makaka ganti din ako sayo!" dagdag pa niya.
"hindi ko alam kung anong pinag sasabi mo! hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sayo! bakit ba?! bat mo ba ako ginaganito?!." sabi ko sakanya, na lumuluha dahil sa sakit na pagkahawak niya sa aking braso na mahigpit na mahigpit.
"wala naman! kung ano man yang naaalala mo, yun lang! yun lang yun. Ikaw ang dahilan kung bat namatay ang mama mo! kaya nararapat lang yan sayo!" sigaw na sabi ni Chloue.
Hindi ko alam kung ano ang pinag sasabi niya, pero hindi ko nalang inintindi dahil sabi nga ni lola na wag daw ako masyadong mag iisip isip. Tulad ng sabi ni lola, lagi niya akung dinadalaw sa bahay ni papa. Pero niminsan hindi ko nagawang mag sumbong sakanya. Ayoko kasi na pati sila madamay pa. Ayoko na pati sila mapahamak ng.dahil sa akin. Sila nalang ang tanging tumutulong sa akin at nag mamahal kaya ayokong pati sila mawala. Ganun din kay Monique, hindi ko nagawang magsumbong sakanya, kasi masyado pa etong bata at ayokong lumayo ang loob niya sa pamilya niya.
Basta sinarili ko ang lahat. At ang inis ko kay papa na hindi man lang niya ako nagawang ipag tangol.
Dati, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari kay papa, at natatakot akp sakanya dahil dun sa pananakit niya sa akin, pero ngayon hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para kay papa, kung galit pa ba o takot. Nag halo halo na ang nararamdaman ko para kay papa.
At dahil sa unti-unti na akung gumagaling, dumating yung araw na pinaka hihintay ko. Ang maka uwi sa pamamahay ni lola. Tinupad ni papa ang napag usapan nila ni lola, dahil na din sa pag mamaka awa ko sakanya.
.
.
.
.
Araw, ng pag alis ko sa bahay ni papa, hindi ko alam pero parang paki ramdam ko parang pangalawang beses na etong nangyari na sunduin ako ni lola, na ganitong ganito din,.
nag eempaki ako ng gamit ko ng may kumatok sa aking pintuan,
"pasok! " sabi ko.
Bukas iyon at pumasok si Monique, ay! cha-cha pala.
"ate, dadalaw ka naman dito diba? mamimis kita ng sobra ate." sabi ni Monique nang makalapit sa akin.
"syempri! dadalaw si ate dito, di nga lang araw araw, pero dadalaw ako sayo." lumuhod ako para mag pantay kaming dalawa at.dun ay hinaplos ko ang mukha niya at niyakap siya.
"mamimis kita ate." sabi niya na nakayap din sa akin.
"mamimis din kita ng sobrang sobra." sagot ko. At kumalas sa pag kakayakap sa kanya.
"Maesy, apo. Tara na! nag hihintay na ang sasakyan natin sa labas." si lola.
"andiyan na po la." sagot ko.
Mag kahawak kami no Monique habang pababa sa aking kwarto at nag tungo sa labas kung saan nag hihintay ang aming sasakyan.
Nag paalam na din ako kay papa. At kila tita Charmaine, Chloue, at Chtistian. Pati narin sa mga kasambahay na naroon.
.
.
.
.
(end of flashback!! )
.
.
.
.
.
Isang taong mahigit na ng mangyari yun, pero sa tuwing maalala ko parang kahapon lang nangyari.
"tahan na apo." sabi ni lola na nakayakap pa din sa akin at hinahaplos haplos ang aking likod.
"ano ba kasi ang problema?" tanong ni lola. Pero this time kumawala na siya sa aming pagkakayakap.
"kasi la, may nakilala ako na kaklase ko, naging kaibigan ko po siya, at masaya ako sa tuwing kasama ko siya, maging komportable ako sa kanya, at sa lahat ng nakilala ko siya lang ang hindi sumuko na kaibiganin ako. Nang naging sanay na ako na kasa kasama siya, ang siyang namang pag lisan niya, ang masakit lola, hindi man lang siya nag paalam." mahabang sabi ko kay lola. Pero hindi ko sinabi sakanya ang pangalan ni Ren.
"masaya ako apo na may kaibigan kana, pero wag kang maging malungkot anak kung sakaling umalis siya nang walang paalam, kasi apo, may darating din naman. Bakit? siya lang na ang kaibigan mo na kaklase mo?"
Uminling ako bilang tugon sa tanong ni lola.
"yun naman pala eiy! andiyan din ang pinsan mong si Veronica, pwede mo din siyang maging kaibigan." sabi ni lola na nakangiti.
Ngumiti na din ako at muli siyang niyakap.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Maesy!! hala ka gurl! bat dika pumasok! nakakaloka ka! dalawang araw kang hindi pumasok at dalawang araw na walang pasok dahil week end. So?! apat na araw kang messing!!" dadak ni Marie pag ka pasok ko palang sa loob ng aming classroom.
"bagay talaga sayo ang pangalan mong Maesy! dahil Maesy the messing!! " sabi naman ni Emily, at inirapan ako.
Hala! kaylan pa siya naging si Abegail at Ilaicka? marunong ng umirap.
Hindi ko pinansin ang mga pinag sasabi nila, yumuko nalang at nag tungo sa aking upuan. Pag dating ko sa aking inuupuan ay napa bintong hininga ako.
.
.
.
.
.
Lumipas ang mga buwan, naging ordinary day nalang ang takbo ng buhay ko. Nakikipag kwentuhan lang ako sa lima pag kami kami lang ang nag uusap, pero pag nasa harap kami ng klase ay tanging pagtango lamang ang naisasagot ko. At tipid akong magsalita sa iba.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Lumipas ang isang taon, at 2nd yr. na ako. Tulad ng dati, ang lakas ng kabog ng puso ko. New school yr. new day, new classmate at panibagong chapter na naman ng buhay ko.
.
.
.
.
-----