chapter 15

2972 Words
Chapter 15 Tulad ng dati, parang first day school lang. Habang naglalakad sa hall way hindi ko maiwasan na yumuko habang nag lalakad. Patingintingin sa paligid nag babakasakali na baka may makita ako o makilala man lang na mga dati kung kaklase na naging kaibigan ko. At napaka swerete ko dahil wala akong makita na dati kung kaklase. At ang swerte ko din kasi wala akung naging kaklase last year na kaklase ko mgayon kahit isa kahit pa yung mga naging mga kaibigan ko. Talagang panibagong mundo na naman ang haharapin ko. Magkakaroon paba ako ng mga kaibigan sa kakaalse ko tulad nila ni Marie. Hayy!! sana nga. Kahit isa lang na kaibigan okey na, kesa sa wala. Pero okey lang din naman na kahit wala, sanay na namam ako laging mag iisa. Habang papalapit ako sa unang subject ko. May narinig ako na pamilyar na boses na nagsisigaw. "Measy! Maesy! aaahhhh!!! Measy! " "I-Ilycka?!" sabi ko nang makita kung sino yung nagsisigaw, sinisigaw ang pangalan ko. Kasama niya si-- "Mellisa?! " sabi ko ulit nang papalapit na silang dalawa sa akin at nang makilala ko sila. "Maesy! buti nalang at nakita kanamin! " Sabi ni Ilycka at niyakap ako. "Bakit kayo mag kasama?" takang tanong ko. "Hindi mo lang ba kami kukumustahin man lang?" reklamong sabi ni Mellisa. Oo nga naman pala noh! ewan ko ba sa sarili ko at yun agad ang naitanong ko. Sumimangot ako sa sinabi nila at humingi ng "Sorry!" "hmm- hayaan muna! " sagot naman ni Ilycka at yumakap sa braso ko. "kanina kapa namin hinahanap, gusto ka lang namin makita ni Mellisa bago tayo mag ka hiwa-hiwalay ng landas." sabay ngiti neto. At bigla tuloy ako maslalong nalungkot ng bangitin nila ang salitang hiwa-hiwalay ng landas. "oh?! bat ganyan ang mukha mo? biyarnes santo naba?" pabiromg sabi ni Mellisa. "kakatapos lang ng biyarnes santo noh! nung nakaraang buwan lang." malungkot na sabi ko. At bigla namang nagtawanan ang dalawa. ano naman nakain ng mga eto? "Maesy!!" Isang matalas na boses ang aming narinig at isinisigaw ang aking pangalan. Pag kalingon namin sa sumigaw na un ay si Abegail pala na papalapit na sa amin, kasama niya si Emily. "buti at nakita ka namin Maesy!!" sabi ni Abegail. "ay! grabi! si Maesy lang talaga yung gusto neyong makita?! nakaka hurt auh!" reklamo naman ni Ilaycka. "andito pala kayo!" sabi naman ni Emily. "ay! grabi siya oh! nakaka touch yang hindi mo pagka gusto sa amin! promise!" reklamo ulit ni Ilaycka. Siniko naman ni Abegail si Emily at sabing "yan ka na naman? meron kaba ngayon? seguro kabuwanan mo." Napangiti ako sa biro ni Abegail kay Emily, at eto namang si Ilaycka at Mellisa ay todo kung makatawa. "bat pala kayo mag kasamang dalawa?" tanong ko. At yung dalawa kung kaibigan, si Mellisa at Ilaycka ay mas lumakas ang tawa, na akala mo wala ng bukas. "hahahahaha.. yan talaga ang tanong mo Maesy? wala na bang iba? yan din kasi tanong mo sa amin! hahahaha.." sabi naman ni Mellisa. Sumimangot tuloy ako. Nakakainis naman sila. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit ganun nalang ang tanong ko. Gusto ko lang malaman kung bakit sila mag kakasama ey! "sege na nga!" sabi ni Ilaycka saka humawak sa aking braso. "me and Mellisa we're classmate. Seguro you know naman iyon, becouse yun yung nakalagay sa bulletin board at seguro naman you make basa basa naman. Kaya im sure you know na mag kaklase kami so dont need to explaine to you na why magkasama kami. diba?" paliwanag ni Ilaycka. Bulliten board? bakit tila diko iyon nabasa dun na mag kaklase sila.' sabi ko sa sarili "so? kayo din magkaklase? kaya kayo.mag kasama din?" tanong ko kila Abegail at Emily. Tumango naman silang dalawa bilang sagot sa aking tanong. "wait??! but hindi ko nabasa name neyo sa iisang section?" sagot naman ni Mellisa. "Lumipat ako sa section niya." sagot ni Emilly. "pwede pala yung ganon? " takang tanong ko. "oo. Pwede naman! basta malakas ka sa kapit." sagot ni Abegail. At kumindat pa eto. "alam neyo naman na para kaming kambal. KAMBAL TUKO!!" dagdag na sabi ni Abegail. At nag tawanan kami. Sa pag uusap namin, bigla naman ulit may sumigaw. "Maesy!! " sigaw ng familliar na boses. Okey, kanina pa nila isinisigaw ang pangalan ko.. Anganda ng pangalan ko. "Marie!!" sabi nila Mellisa at Abegail. Lumapit sa amin si Marie, hinawakan niya ang dalawa kung kamay. Bago pa eto mag salita ay inunahan ko na siya. "kaya karin ba nandito kasi gusto mo din ba ako makita bago tayo magka hiwa-hiwalay??." sabi ko agad. "oh! bat ganyan ang mukha mo?! tsk! anh advance mo naman mag isip. Ang drama mo." sabi ni Marie. Ngumiti ako ng pilit, kasi ang totoo, Hindi naman talaga ako masaya, dahil etong, nagyimg bagong school year, wala man lang akung naging kakalase sa mga kaibigan ko. kahit ni isa man lang sakanila wala. "ayaw mo ba akung makasama? ayaw mo ba akung maging kaklase?" sabi ni Marie. " A-ano? ano kamo?" sagot ko. Tama ba ang pagkaka intindi ko sa sinabi niya. Mag kaklase kaming dalawa? pa-paano? "What?! what do you mean Marie? mag kaklase kayung dalawa?! dont tell me na?!" nan laki ang mga mata ni Ilaycka at tinakpan ang kanyang bibig at sumigaw ng "o! m! g! oh my ghost!!" "ibig mong sabihin lumipat ka? ng section? at sa section ni Maesy?" tanong naman ni Emily. Tumango si Marie. "alam naman natin na mag kaklase kayong dalawa." tukoy ni Marie kay Ilaycka at Mellisa, "at segurado rin ako na may isa sa kanila Emily at Abegail ang lilipat para maging kaklase lang sila. So kaming dalawa lang ni Maesy ang naiba?! kaya nag decide ako na lumipat nalang sa section ni Maesy para magkasama kami at maging classmate kami." Hindi ko inaasahan na gagawin ni Marie na lilipat siya sa section ko para maging kaklase kami. Masaya ako kung ganun. "oh?! hindi na magiging biyarnes santo ang mukha mo Maesy dahil magkasama na kayo Marie." sabi ni Abegail. Ngumito ako ng napaka lapad na ngiti. Atsa lumipas na sandali, nagsi palam ma sila, Emily, Abegail, Ilaycka at Mellisa. . . . . . . . . . . Lumipas ang ilang buwan, naging okey naman ang school year ko. Kasama syimpre si Marie. Pero sa pag lipas ng ilang buwan, hindi lang ako ang naging kaibigan ni Marie. Imaasahan ko na naman iyon, diba last school year nga bagi kami naging magkaibigan nauna niyang naging kaibigan sila Abegail, keya inaasahan ko na din na mag kakaroon siya ng mga bagong kaibigan. Ganun parin ako. Tahimik, malimit lang kung magsalita, mas gugustuhin na ma pag isa kesa maki halubilo sa iba. Kasa kasama ko parin si Marie, pero madalas hindi.Hindi na din ako nakakapunta sa bahay nila ng madalas, kasi nga sa pag pasok ko sa bagong yugto, may pagbabago din sa takbo ng buhay ko. Maliban sa eskwela, bagong classmate, bagong kaibigan, pero hindi ko sila as in best friend tulad nula Marie, dahil yung kasa kasama namin nila Marie, hindi ko alam kung bakit hindi ako komporyable na kasama sila lalo na yung Camile na kaklase namin. Keya mas pinili ko nalang na sumunod sunod sa agos nila. Sa bahay, may bagong yugto din na naganap sa akin. Dahil sa sinabi ni lola na nais maging kaibigan ako ni Veronica ako na yung unang lumapit. Ako na ang unang nakipag kaibigan. Naging kaibigan ko din ang mga kaibigan niya. Tulad nalang nila, Raymond, Ejay, Ryan, Iyves, Jessica, Athena, Glayzel, Sharlot at si Franciss na taga ibang lugar pero lasi siyang nag babakasyon dito sa amin sa lugar namin. Nung una ko silang makilala at makita nagtaka ako kasi parang familiar sila sa akin, nagtaka ako sa sarili ko, sinasabi ng damdamin ko na lubos ko silang kilala pero tumatanggi amg isipan ko na hini ko sila kilala. Pero sabi ni Veronica na pwede ko daw sila kilala kasi same school daw ang linag aralan namin sa middle school. At si Raymond at Ejay ay pareho ko daw sila kaklase noong midla school. Pati daw si Veronica ay kaklase ko din siya sa middle school. Oo nga nakalimutan ko na klaklase ko sila, noong maka alis ako sa bahay ni papa ay pinag take ako ng test sa school at makalipas ng isang linggo ay grumaduate ako sa middle school at ganun din si Veronica, keaya seguro familliat sila sa akin. Isang buwan lang ako naka pasok pero grumaduate ako. Sabi nila naipasa ko daw ang exam na pian take sa akin kaya isasabay nalag daw ako sa mga gagraduate. Pero sa totoo lang nakaka sabay talaga ako sa mga estudyante na akalain mong nakapag aral talaga ako. Kasi alam ko ang mga bawat lesson na tinuturo nila. Ngayon nga na kaibigan ko na din ang mga kaibigam ni Veronica, medyo nah aadvnce ako ng konte, pero masaya ako kasi masaya silang kasama. Tapos yumg si Raymond at Ryan ay masarili silang hacienda at don din sila madalas na nag tatambay na mag kakaibigan. Ang ganda don sa Hacienda nila Raymond may batis pa. Ang daming tanim. Ang daming puno. Amg sarap manirahan. May pasadya din dyn na isang bahay malawak yunh bahay at may dalawang kwarto iyun, yung isang kwarto, para daw sa babae. Malawak din yung kwarto wala nga lang kama, sa sahig daw matutulog at maglalatag nalang daw. Ganun din ang kabilang kwarto na para daw sa boys room. Kompleto din ang gamit ang bahay na naroon. Malawak ang bahay pero hindi eto malaki dahil walang palapag eto. Malawak din ang sala, my dinning erea, may kusina at banyo. Madlas daw sila dun, at minsan dun na din natutulog. Minsan nakatog na din ako dun at masasabi ko na napaka ganda don. Hindi ka magugutom. . . . . . . . . . . Sa eskwelahan naman, madalas nga na hindi na ako nakakapunta sa bahay nila Marie kahit pa nga na mag kakalase kami, kasi nga ng naging magkaibigan kami ni Veronica ay naging madalas ako sa botica ni tita Gwen. May maliit na botik si tita Gwen ang ina ni Veronica na siyang kapatid ni Mama. Ang mga paninda dito ni tita ay mga damit alahas at sapatos, pati narin ang bag at mga relo. Mga gamit ang ibenebenta ni Tita Gwen. Tumutulong ako kila tita at Veronica, dun marin ako madalas nagpupunta. Kaya minsan hindi kami nagkakasama ni Marie. Sa pag lipas pa ng ilang buwan, naging malimit pumasok si Marie, sa loob ng isang linggo minsan apat na besess o taong beses lamang siya kung pumasok. Minsan tinatanong ko naman siya, pwro sabi niya na dahil lang sa negosyo ng pamilya niya. Pero nangangamba na ako. Na baka katulad ni Ren na bigla din siyang aalis. Sana man lang mag paalam siya sa akin. Hanggang sa isang araw, nagkalakas ako ng loob para kausapin si Marie at sabihin sakanya ang nararamdaman ko na pangangamba na baka may balak siyang umalis na hindi man lang nag papa alam. "Marie. Aalis na din ba kayo ng pamilya mo?" tanong kp agad sakanya. Nang maka upo kami sa may canteen para mag meryenda muna habang nag hihintay ng klase. "ba-bat mo naman na- natanong?" utal utal na sagot ni Marie. Sabi na nga ba. Sa asta palang ng pananalita niya ay meron nga. "hindi ako mag tatampo o magagalit sayo Marie. Naiimtindihan ko naman ang kalagayan mo. Nag nais ko lang naman ay sana mag sabi ka kung aalis ka o kayo ng pamilya mo. Mag sabi ka para naman alam ko. Gusto ko na pag umalis kana may memories pa tayo na maalala. May araw o oras pa tayo na mg kakasama. Para alam ko ang makapag paalam ng maayos sayo, at mag pasalamat din." sagot ko. "im sorry Maesy. Hindi ko gusto na iwan ka. Sorry Maesy pero aalis na nga kami ng pamilya ko at hindi na din ako papasok sa esklwehan na eto kasi, lilipat na din ako ng paarala. Maesy sorry. Ayaw kung sabihin sayo baka malulungkot ka." paliwanag ni Marie. "ano ka ba Marie. Magiging masaya ako para sayo. Hindi ako magtatampo. Disiyon yan ng pamilya mo kaya kailangan natin respetohin." ngumiti ako sa kanya. "so? kaan ang alis neyo?" sabi ko. "sa susunod na buwan. May isang buwan nalang ako para mamalagi dito at makasama ka." sagot niya. "so? walang iwanan hanggang sa huli? ieenjoy natin ang mga araw na sandali nating pag sasama bilang mag kaibigan." sabi ko. "uy! kahit wala na ako sa tabi mo mananatili parin tayong magkaibigan. Darating yung araw na magkikita muli tayo" sagot niya. Tumayo ako at niyakap siya sa likuran, "hihintayin ko ang araw na yun Marie. Hihintayin ko yung araw nating muling pag kikita." . . . . . . . . . . Lumipas ang isang buwan, heto na! eto na yung araw na pag alis ni Marie. Mababawasa na naman ako ng kaibigan. Nag halo ang emosyon ko. Saya at lungkot. Saya dahil nakilala ko at naging kaibigan ko si Marie at kungkot kasi aalis na eto. Matagal na panahon pa ang dadaan para muli kaming magkita. Kung may aalis may papali eka nga nila. Umalis si Ren, at umalis na din si Marie. Sila Emily, Abegail, Mellisa at Ilaycka hindi ko narin sila madalas na makita dito sa paaralan. Pero sa kabila ng lahat naka tagpo naman ako ng mga panibagong kaibigan, at sila Veronica iyon. Sa kabila ng pag alis ni Marie may naging kasa kasama ako o maituturing ma kaibigan. Si Zhy. Zhydee Alcantara.. siya ang madalas kung ka set mate. Dahil nga sa Alphabeticla arrangement ang madalas anhbseting proper ngayong school yr. ay madalas ay siya ang kasa kasama ko. Wala din etong kasa kasama na iba na kaklase namin. Katulad ko ay gusto niya laging mapag isa. Pero madaldal eto pala kwento at napaka tapang. Nalaman kp din na meyembro din siya ng isang gang. Diba, uso din pala dito sa paaralang eto yang gang gang na yan. Kaya madala nag liliban sa klase namin. Keya minsan no choice ako, sumasabay nalang ako sa agos ng mga kaklase ko, minsa sa dating kasa kasama madalas ni Marie. Sila Joy, Mica Grace at ang sali pusang si Camille. Saling pusa ang tawag ni Zhy kay Camille at pati narin si Marie dati saling pusa ang tawag niya dito. Explaination ni Zhydee ay di raw siya belong sa amin ni Marie o kila Joy pero nakiki sali. At pansin ko din naman iyon. Madalas iniirapan niya ako wala naman akong ginagawa sakanya. Minsan mag kakasama kami dati nila Marie at nila Joy, Mica at Grace bigla nalang sisingit etong si Camille, sisiksik talaga siya sa gitna, minsa kung saan ako naka pwesto dun siya pwepwesto na pag sisiksikan ang sarili niya. Kaya aalis nalang ako at pupunta sa dulo. Ayoko kasi nag gulo. At ngayon na wala na si Marie, ayun si Camille felling prinsesa. Minsan ako lagi ang inuutusan na sinusunod ko naman, eh! sa ayaw ko nga ng gulo. Minsan gusto niya na siya ang masunod. Siya din ang nag dedesisyon kung saan kami pupunta, kung saan kami mag tatambay minsan sa pag kain din gusto siya ang masunod. Pero kung pag kain ang pag kain ang piang uusapan, hindi ko.siya sinusunod. Bahala siya sa buhay niya. Hindi namam siya ang kakain at hindi naman niya pera ang ipinang bibili. Kung maka arte akala mo nang lilibre. May isang araw nga sa hindi ako naka tiis sa ginagawa niya sa akin na pag hihiya kung utusan niya ako akala mo katulong niya ako. Alalay ba ang tingen sa akin. Nag wala siya dahil lang nasali ang pangalan ko sa top 10 list sa klase, pero siya kahit pang huli ay hindi siya nasama. "eh! alalay kalang naman. Bakit nasama ang pangalan mo sa list pero ako hindi. Seguro nang daya ka! ang kapal ng mukha mo ma mang daya! alalay lang naman kita!" malakas na sabi ni Camille sa harapan ko. Nasa loob kami ng aming classroom at saktong wala ang aming guro. Kaya biglang nabaling sa akin ang atensyon ng lahat ka klase ko ng bigla lapitan ako no Camille at kung ano ano na ang sinasabi. Nakahiga kasi ang ulo ko sa desk. Tulad ng dati na bakaugalian ko. Ganun din ang tagpo ko ng lumapit si Camille. Inabgat ko ang ulo ko at tinignan ko siya. Nilibot ko din ang paningin kp sa loob at lahat sila ay nakayingenbsa gawi namin ni Camille. Napa buga ako ng hangin at muli kung ihiniga ang ulo ko sa desk ko. Diko siya pinansin. "at abat! tinatalikuran mo ako alalay." sabi pa niya ulit. Hindi na ako nakapag timpi dahil sa paulit ulit niyang tawag sa akin ng alalay. Dahil nga sa madalas ko nakakasama si Zhy na palaban, ung ugali niya na palaban ay mukhang nahawa ako dun. Tumayo ko na may inis sa mukha. "pwede ba Camille, hindi mo ako alalay. Kahit kaylan hindi mo ako naging alalay. Masunurin lang akung tao kaya sinusunod ko mga pinag uutos mo. Wag ka sa akin mag reklamo, kay ma'am! dun sa adviser natin ka mag reklamo. At hindi sa akin." sabi ko. Tapos umupo ulit ako. Pero, pag ka upo ko biglang hinablot ni Camille ang kaliwang braso ko at hinila niya eto. Kaya napatayo ako. "ano ba! bitawan mo nga ako!" sabi ko. "ayoko nga! pinapahiya mo ako sa lahat ng classmate natin!" matigas na sabi niya. Napa ngewe ako sa sinabi niya na pinapahiya. Hindi bat siya ang gumagawa nun sa sarilivniya sa inaasta niya. Nang bigla niya tinaas niya ang kabila niyang kamay na aakmang sasampalin ako ay... . . . . . . . . . .*bogsh* . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD