Chapter 11
.
.
.
.
(Maesy, point of view)
.
.
----------
.
.
Dalawang linggo na ang nakakaraan ng umalis si Ren. Sa loob ng dalawang linggo, pakiramdam ko bumalik akung muli sa dati. Dating mapag isa, walang kinakausap, walang kinikibo. Kahit kila Marie, mas lalo akung naging tahimik. Kasa kasama ko sila, pero para lang akong hangin na hindi nila nakikita. Choice ko naman yun, at satuwing kinakausap nila ako tipod akong sumagot. Minsan tatango nalang ako bilang sagot.
Sabi nga minsan sakin ni Ilaycka, "mapapanisan ka ng laway yan girl! babaho ang hininga mo! kaylan mo balak maki pag usapn samin ng matino?" natawa nalang ako dun sa point na mapapanisan ng laway. Kaya napangiti nalang ako. Pero as usual, hindi parin nag salita. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ako agiging ganito, sobrang tahimik.
Hindi naman eto ang unang beses na umalis si Ren ng walang paala. Pangalawang beses na eto. Pero, ang pinag kaiba nga lang, nung una alam ko na my babalik parung Si Ren, na may Ren pa akong makikita kahit anong araw. Na may aasahan pa ako l. Pero ngayon? wala na eiy! wala ng pag asa kahit isa. Siya nga lang ang kauna unhan kung matiyagang kumaibigan sakin, tapos ganit. Umalis na siya.
.
.
.
Pangalawang araw na ngayon na hindi ako pumasok sa eskwela. Ewan, pero wala akong ganang pumasok. Wala din naman akong sakit. Friday ngayon at saturday naman bukas. Its week end naman so sa monday nalang ako papasok. Pero depende parin kung hindi ako tatamarin.
Andito ako ngayon sa aking kwarto 9 am na pero nakahiga pa ako. Hindi naman ako inaantok, basta nakahiga lang ako pero mulat ang aking mata.
Naramdaman ko na may pumasok sa aking kwarto.
"apo, may masamaba sayo? may sakit kaba? o may problema ka?, Andito lang si lola."
"La! ayos lang po ako. Wala po akong nararamdamn na masama. Wala din po akong iniinda na sakit. At wala din po akong problema. Ayos lang po talaga po ako La." sagot ko sa aking lola. Si lola pala ang pumasok. Sabagay, sino paba ang aasahan kung papasok maliban kay lola. Si lola lang naman ang kasama ko sabahay.
May pinsan ako, na anak ni tita Gwen. Si tita Gwen ay kapatid ni mama. Katabi lang namin sila ng bahay, pero hindi ko sila close. Ewan, lalo na yung si Veronica. Kasing edad ko lang eto pero, mas close ako kay ate Vyda. Pero hindi gaanong close.
"Dalawang araw kanang hindi pumapasok, nag aalala lang ako sayo. Ni hindi kaman lang din lumalabas, nasa loob kalang ng iyong kwarto." sabi pa ni lola.
Pero hindi parin ako lumilingon sakanya, nanatili parin akong nakahiga at nakatagilid ako pa talikos sa kinaroroonan ni Lola. Naramadaman ko rin ang paglapit niya sakin at pag tabi at pag upo sa gilid ng aking kama. "ayos kalang ba talaga apo?." sabi pa niya.
Alam ko na kukulitin at tatanungin ng tatanungin ako ni lola hanggang mag sabi ako sakanya. Kaya wala akong nagawa, bumangon ako sa pagkakahiga, naupobako sa tabi ni lola,
"ang toto niyan La!" panimula ko. Pero pumapatak na ang mga luha ko. "pwe-pwede po bang payakap?" yan lang ang nabigkas ko sa dami ng gusto kung sabihin sakanya.
Niyakap niya ako ng napakahigpit. At sabing, "Apo, andito lang si Lola, pwede mo sabihin sakin ang lahat." sabi niya habang nakayakap sakin at hinahaplos haplos ang aking likod.
Tumulo na ang mga luha ko. Seguro, ang totoo niyan, hindi pa ako handa sa pag alis ni Ren, seguro nga kaya ganito ang pakiramdam ko kasi hindi pa ako handa na harapin ang mundo na pinakita sakin ni Ren. Hindi ko kasi alam kung paano ko eto haharapin na mag isa.
Takot parin ako. Takot ako dahil sa nakaraan ng buhay ko. Takot ako dahil sa nanguari sakin. Takot ako mag tiwala sa iba, takot ako maki halobilobsa iba dahil narin sa karanasan ko dati sa mga taong nakapaligid sakin. Kaya heto ako ngayon at natatakot na baka maulit muli.
Pero sa pag dating ni Ren, dahil sa pag tiyatiyaga niya na ipakita sa akin ang mundong makulay, dahil sakanya natutunan ko ang salitang kaibigan, ang pagtitiwala. Pero sa kabila ng lahat, akala ko kaya ko na. Akala ko makaka adjust na ako dahil sa tulong ni Ren, pero, hindi pa pala. Hindi ko pa pala kaya ang mag isa. Nag sisimula palang ako pero nawala na yung taong aasahan ko nag tutulong sakin.
"apo! lagi mong tatandaan, andito lagi si lola. Andito kami lagi para sayo." sabi ni lola.
"alam ko Lola, alam na alam ko na andiyan kayo lagi para sakin. Pero hindi rin ako umaasa, hindi bat binigay neyo ako muli sa aking ama?." sabi ko sa aking isipan. Hindi ako nagagalit kay lola sa nagawa niyang pag bigay muli sa akin sa aking ama. Alam ko naman na ginawa niya lang yun dahil yun lang ang tanging paraan para gumaling ako. Dahil sa kabali ng lahat si Lola parin ang unang nagtangol at umalalay sakin dati sa sitwasyon ko.
.
.
.
.
.
( ...flashback... )
MAesy point of view
nasa sala kami noon ni mama m, si mama Sheena walong taong gulang ako noon. At Habang nakaupo si mama, kalong kalong naman niya ang ako at binabasahan ng storybook.
Pero bigla kami natakot ni mama dahil my biglang pumasok sa aming pamamahay ng mga kalalakihan na nakasuot ng itim na damit at naka suot din ng itim na mass sa mukha, na mga mata lang ang mga nakikita.
"sino kayo?! anong ginagawa niyo sa pamamahay ko?! sino kayo!!" sigaw ni mama sa mga eti. Pero tila bingi ang mga ketoat nagpatuloy sila sa pag ikot ng buong bahay namin.
At tanging si mama lang at ang ako ang nasa bahay. Ayaw kasi ni mama na may kasama. Gusto niya na siya ang gumawa sa mga gawaing bahay at mag alaga sa akin at kay papa. Kahit may kakayanan naman kami para magbayad ng isang katulong pero di kumuha si mama.
Dahil sa takot ni mama, nagtungo kami sa my bodega sa bahay na malapit sa kusina. Hawak hawak niya ang akinh kamay kahit san kami pumunta. Kinuha ni mama ang tubo at bumalik kami sa sala para puntahan ang mga strangherong bigla nalang pumasok so aming bahay.
Hinawakan ni mama ang tubo at buong loob niyang itinutok sa mga kalalakihan na nasa bahay. Ramdam ko ang panginginig ni mama sa mga oras na yun pero tinapangan niya ang kanyang loob para makaseguro lang na ligtas kami.
"si-sino kayo?! sabi ko!! sino kayo?! anong ginagawa niyo sa pamamahay ko?!" pasigaw na sabi ni mama. Humigpit ang hawak ni mama sa aking kamay at nanginginig pa eto. Dahil sa panginginig ni mama, pati ako ay kinakabahan na din. Unti-unti na ring pumapatak ang aking mga luha. At ang hawak ni mama na kamay ko ay humawak din ako.
"sa tingen mo?! masisindak kami diyan sa hawak mong tubo?! sa tingen mo ba matatakot kami ?! hahahaha.. tignan mo nga kami? marunong kabang mag bilang?! lima kami laban sayo? satingen mo kaya mo kami ha?!" sigaw ng isang lalaki kay mama. Nalilisik ang mga mata nila. At lima nga sila. Limang kalalakihan na my mga magagandang pangangatawan, mukha silang nag g-gym. Lagi kasi sinasabi ni papa yung gym. Yun daw yung ginagawa ng mga kalalakihan pag gusto nilang mag palaki ng katawan.
Dahil sa sinabi nung lalaki, nag si tawanan ang iba niyang kasama. At sa hindi ko namalayan na bigla nalang akung hinila nung isang lalaki at hawak naman nung isa si mama.
"anak! anak! Maesy!" sigaw ni mama. Pero tumatawa lang ang mga stranghero.
"ma! mama! tulong! natatakot ako." sigaw ko at umiiyak.
Hawak ng lalaki ang buhok ko na napaka higpit, at akmang tutulongan ako ni mama, bigla din siyang hinila nung lalaki. Nag pupumiglas si mama sa pag kakahawak sakanya para matulungan niya lang ako kaya dakawang lalaki ang naka hawak sakanya, isa sa my buhok ni mama at isa dun sa may braso niya.
"Mga hayop kayo! wag yung sasaktan ang anak ko! sino ba kayo?! anong kaylangan niyo sa amin! ano ang atraso ko sa inyo!!" pag sisigaw ni
"ma! mama! bitawan niyo ako!" sigaw ko. At humahagolhol na ako sa kakaiyak.
"wala kana mang atraso samin, pero sa amo namin meron. Lalo na yang asawa mo! " sagot nung nakahawak sa braso ni mama.
Dahil sa labis na gusto ko makapunta kay mama, kinagat ko sa kabilang kamay nung nakahawak sa buhok ko. Sa sobra segurong sakit dulot ng pagkagat ko sa kamay niya, bigla niya akong sinampal na napakalakas lakas. Sa sobrang lakas napadapa ako sa sahig.
"Maesy! anak! ang anak ko! mga hayop kayo!! " pag sisigaw ni mama. Tanging iyak na napakalas lang ang tanging sagot ko. Para akong nabingi, dahil umaalingawngaw ang isang tinig sa aking taynga.
Umiiyak na rin si mama, dahil sa labis na gusto akong puntahan, sinipa ni mama ang ari nung lalaki na nakahawak sa kanyang buhok at kinagat ang kamay nung naka hawak sakanyang braso. Kaya naman, nakawala si mama sa pagkakahawak sakanya. Kaya bigla niya akong nilapitan at niyakap.
"parang awa niyo na! wag neyong idamay ang anak ko! wag neyo siang sasaktan!! ako nalang ako! ako ang saktan neyo wag ang anak ko!! " garagar na sabi ni mama.
"ok! sabi mo ey!!" sagot nung isa.
Bigla nilayo si mama sa akin, tinulak siya na napakalakas nang siyang kadahilanan ng pag bagsak ny kanyang katawan sa sahig, at napa higa eto.
Hinawakan si mama sa mag kabilang kamay ng dalawang lalaki, at sumond yung dalawang lalaki na hinawakan sa magkabilang paa naman ni mama. At yung isa ay bigla pinunit ang damit ni mama sa pang itaas.
"mga hayop kayo!! mga walang hiya kayo!! bi-bitawan niyo ako. Ha-hayop kayo!! wag! wag! wag! " pag sisigaw ni mama.
Naiwan akong mag isa sa gilid at pinapanood lamamg ang ginagawa kay mama. Alam ko na masama ang hinagawa nila kay mama, kaya kiniha ko yung tubo na nasa dikalayuan ang layo mula sakin, yun yung kinuha ni mama sa aming bodega. Kinuha ko yun, kahit medyo may kabigatan yun, buong lakas kong binunat at ipinokpok sa taong nakahawak sa paa ni mama, Ipinokpok ko iyon ng ipinokpok sa dalawang nakahawak sa paa ni mama.
"bitawan neyo ang mama ko! bitawan neyo siya! masasama kayo! bad kayo! bad kayo! " paulit ulit kung sinasabi.
"walang hiya kang bata ka! " sabat nung naka ibabaw kay mama. Kinuha niya ang tubo na hawak ko at malakas niya akong sinampal na kadahilanang napa dugo ang aking mga labi. Sumonod naman yung isang lalaki na linag hahampas ko kanina, sumunod siya na pinag sasampal ako. "letse ka! letse kang bata ka! "
"waaaaaaggg!! waaaaaggg!! MAESY!! MAE-SSYYY!! pag sisigaw ni mama.
"yung isa hawakan niyang batang yan! ako na bahala sa babaeng yan para tumigil sa pagwawala!" sagot naman nung isa.
Hinawakan ako sa kamay nung isa, at biglang sinuntok sa sikmura si mama, "mama! ma-ma!! maaaa!! " iyak na iyak kung sabi.
Nakita ko na nang hihina si mama, dahil sa pagsuntok nila dito.
Kaya malaya nilang ginawa ang gusto nilang gawin kay mama, hinubad nila ang damit ni mama, mula pang itaas at pang ibaba.
"wow! pare! ang sexy naman niya!! kaya pala baliw na baliw ang dalawa. hahahaha.. sory sila kasi hindi tayo papayag na tikmam din siya! sino may gusto?! hahahaha" nakakabaliw na sabi nung isa.
"syimpre lahat tayo gusto yan!!" sagot din nung isa, at tumatawa pa. Na akala mo din sabik na naglalaway sa masarap na ulam.
Nasa walong taong gulang ako, pero nakita ko na ang kalaswaan at pag bababoy sa aking ina, na wala lang akung nagawa. Walang sawa nilang pinag samantalahan si mama, hanggang sa napagod sila, ng napansin ni mama na nagpapahinga ang mga eto, pinilit ni mama ang makalapit sakin, dahil tulala akong umiiyak sa kawalan, seguro natakot si mama na baka ako ang isunod nila, dahil kahit walong taong gulang ako my katangkaran ako na akalaing nasa sampung taong gulang na. Sinikap ni mama na lumapit sakin kahit hinang hina na siya, ng matauhan ako, nilapitan ko si mama at inalalayan siang makatayo, unti unti kaming umaalis sa kinaroroonan ng mga kalalakihan.
Hindi pa nga kami tuluyang nakakalayo, biglang nagsalita ang isa sakanila. "Ano sa tingen mo ang ginagawa mo?! sa tingen mo ba makakaalis kau dito? sa lagay mong yan? satingen mo ba papayag kami na hindi matikman yang anak mo?! hahaha.."
"mga hayop kayo!! " sagot ni mama. Pero pinag tawanan lang si mama. Dahil seguro sa takot ni mama na gawin din ng mga kalalakihan ang ginawa sakanya, kinausap ako ni mama.
"anak Maesy, makinig ka kay mama. humanap ka ng mapagtataguan mo. Wag na wag kang lalabas dun hanngang di kita pinapalabas."
"paano ka mama? sasaktan ka ng mga bad guy na yan. Tayo nalang ang mag tao mama." iyak na sabi ko. Niyakap ako ng mahigpit ni mama. "Pag bilang ko ng tatlo, pag sinabi kung takbo takbo. Magtago kana ha! " sabay sabi nito. Tumango lang ako bilang oag sang ayon sa pina plano ni mama. "isa, dalawa, tatlo!! takbo anak takbo!! " sabi ni mama. Kumaripas ako ng takbo at nag tungo sa taas. Pero bago ako makalayo, narinig ko pa ang sigaw ng isa sa kasamahan nila, "yung bata! habulin niyo!!" sabi niya. Pero, may malakas akong narinig na kumalabog. Hindi ko alam kung ano yan. Dahil hindi na ako lumingon para tignan kung ano yun. Derederetso nalang ako sa taas at nag tungo sa aking kwarto. Nilock ko ang pintuan ng aking kwarto at nag tungo sa cabinet na pasadyang ginawa, dahil gawa eto sa cemento at tanging pintuan lang niya ang gawa sa kahoy. Doon ako nag tago. Humihikbi ako, umiiyak pero maingat ako. Pinipigilan ko ang ang bawat hikbi at iyak ko. Para hindi makagawa ng ingay para hindi ako mahanap ng mga estranghero.
Pawis na pawis ako. Masyadong mainit sa loon, Hindibna ako makahinga pero nanatilibparin ako doon gaya ng sabi ni mama.
Matagal na akong naroon, pero wala parin akong naririnig na yapak. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ako na na naroon, pero pakiramdam ko parang ilang oras na akung naroon. Mayat maya my narinig akong malakas na sigaw.
"Sheenaaaaa!!! sheena!! asawa ko!!! Sheenaaaaaa!!! aaaahhhhh!!! Sheenaaaa!! "