chapter 10

2312 Words
Chapter 10 (Maesy, point of view).... ---------- Wala kaming klase sa isa naming subject kaya andito kami ngayon sa garden kung saan madalas naming pagtambayan tuwing walang klase. Kimakabahan ako. Ewan, may galak din sa puso ko ang nadarama ko ngayon. Nakahiga kasi si Ren sa may laps ko gunawa niang unan eto. Una pinapaayos ko eto ng upo, Pero di kalaunan hinayaan ko nalang din. Mukha akong kinikilig, pero pinipigilan ko. Para di mapansin ni Ren ang pag pula ng aking mukha tinuon ko ang pag babasa ng comiks book at dina nilingon. Baka pag tripan niya pa ako. Pero may napansin ako na kakaiba sakanya, ewan pero parang ang dating sakin ng mga ginagawa niya ay parang may mangyayari. Sa tuwing tinititigan ko siya, parang may problema eto. Gusto ko sana siya tanungin pero hindi ko alam bat tila umuurong ang aking dila at hindi na ako makapag salita. . . . . . Lumipas ang isaang oras, at bumalik na kami sa aming classroom, oras na kasi sa susunod naming subject. Nag kayayaan narin sila Marie na umalis na at mag tungo sa aming susunod na subject. Nauna na silang naglakad paalis at naiwan kami ni Ren, dahil inayos ko pa kasi ang gamit ko sa bag ko. "tara na!" yaya ko kay Ren, "salamt sa pag hihintay." at ningitian ko siya. Nang tatalikod na ako sakanya at hahakbang na ng bigla niyang hinila ang kamay ko papunta sakanya. At hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin, dahil bigla niya akong niyakap. Sa pagkabigla ko hindi ako gumalaw habang yakap yakap niya ako. Hindi din ako nagtugon sa yakap niya. Naka tulala ako sa nangyari kaya hinayaan ko siya sa pagyakap niya sakin. Wait! inhale! exhale! hihinga muna ako. Hindi ako makahinga. Ren, why? bat mo ako niyakap. Te-teka! yakap?! wait! Oo nga pala. niyakap niya ako. At bigla nalang ako natauhan na yakap yakap niya pala ako. Kaya dali dali akong lumayo sakanya. "te-teka Ren, bat mo naman ako niyakap?" takang sabi ko sakanya. Kesa sa sagotin ako, ningitian niya lang ako. At umuna ng naglakad. TEKA?! tinalikoran niya ako bigla?! bat niya yun ginawa? bat niya ako niyakap?! "hoy! Maesy! ano ba? maglalakad ka ba o mag e-estay kanalang diyan?" sigaw ni Marie. Kaya dali dali akong naglaakd patungo sakanila. Nakita kaya nila ang pagyakap sakin ni Ren. Patay! baka kung anong isipin.nila. Kasi namam etong mokong kasi na'to, bat niya kasi ginawa yun. Hanggang sa makarating kami sa classroom namin, sa pagyakap sakin ni Ren parin ang nasa isip ko. Iniisip ko kung bakit niya ako niyakap. Para saan yun?!. te-teka? para saan? ibig sabihin may ibig sabihin ng oagyakap niya yun sakin, pe-pero? ano na naman?. Andito kami ngayon sa loob nh classroom namin, syimpre nasa hulihan kami. Last subject na pala namin eto, at uwian na namin. Tinitigan ko ulit si Ren. Pero hindi eto naka tingin sakin. 'para saan yung yakap na yun Ren? may problema ka ba?' sabi ko sa isip ko, na nais sabihin kay Ren, pero diko masabi. Wala akong ganang makinig sa tinuturo ng teacher ko kaya, hiniga ko nalang ang aking ulo sa desk ko. At ibinababa ang kamay ko at isinuswing ko to. Nakatingin din ako sa kamay ko habang siniswing ko eto, ng may bigla humawak sa kamay ko. Pag tingen ko sa sa nagmamy ari, walang iba kundi si Ren, naka higa din ang ulo niya sa may desk niya. Sa pagtitig ko sakanya, naramdaman ko na pinagdikit niya ang kamay ko sa kamay niya at inilock eto, yung parang kaming naka holdinghands, ay! hindi pala, naka holding hands pala kami. Ngumiti eto sakin, kaya napa ngiti narin ako. Ewan ko bat hinayaan ko si Ren sa pag hahawak niya sa kamay ko. Iniisip ko nalang na eto ang paraan niya at eto narin ang paraan para kahit papano makalimot siya sa problema niya, kung may problema nga eto. Hanggang sa mag dismisan na ay ganun parin ang pwesto namon. Bumitaw ako sa oag hahawak niya nang mag ring ang bell at nagsitayuan na ang mga kaklase ko. May lungkot sa aking mga puso na nagsasabing kulang yung time namin, nakaka bitin. Gusto ko pa hawakan ang kamay ni Ren, pero dismisan na kasi. haayy!!.. Ngumiti ako sakanya at nang ihakbang ko muli ang aking paa, bigla niya akong tinawag. "teka lang Maesy,!" tawag niya sakin. "sandali! may ibabalik pala ako sayo. Tulad ng sabi ko sayo kanina na ibabalik ko sayo ang notebook at ballpen mo, eto!" pinatalikod ako neto at binuksan ang bag ko. Oo, backpack ang bag ko. Pero hindi ako si Dora. Gusto ko lang mag back pack, dun ako komportable eiy! "ibabalik ko na sayo eto." sabi niya. Pagka lagay niya ng notebook ko sa bag ko pinaharap niya akung muli sakanya. "at sabi ko nha kanina sayo na hindi na kita guguluhin o pag titripan simula buaks. Promise yun. Simula bukas wala ng magtitrip sayo. Wala na ding mang aagaw ng notebook mo. Hindi na din kita pagbabantaan na halikan." at ngumiti siya sakin. Tumingin din eto sa paligid at bigla niyang hinalikan ang aking noo. At ngumiti ulit eto saka tumalikod sakin. Naiwan akung tulala dahil sa ginawa niua. Tumingin ako sa paligid kung may tao bang nakakita, pero laking pasasalamat ko na wala ng tao sa loob ng aming classroom. Bat ganun siya, mag salita. Bakit para siyang nag papaalam. Aalis ba siya? hindi Maesy! wag ka ngang mag isip ng ganyan! Wala lang yun! . . . . . "Aaahhhh!! wag ka ngang Nega Maesy! baka naman, nagpapasalamat lang yung tao. Ikaw talaga! kung ano ano ang isip mo!" sabi ko sa sarili ko. Andito ako ngayon sa aking kwarta at nakahiga na sa aking kama, nag hahanda na para matulog. Pero hindi ako makatulog. Satuwing ipipikit ko kasi ang aking mata, ang pag yakap at pag halik sa aking noo ni Ren ang siyang nakikita ko. Hindi maalis sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Kanina pa ako paikot ikot sa aking higaan. Babangon, hihiga ulit. Babangon at ihihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha at guguluhin ang aking buhok tapos mahihiga muli, at ipipikit ang aking mga mata. YUN! yun ang lagi kung ginagawa. Aaaahhh!!! hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyari! Late na akung nagising kina umagahan, hindi ko nadin alam kung anong oras na ako nakatulog din kagabi. Basta ang alam ko, himdi ako nakatulog ng maayus. At puyat ako ngayon. Ayaw ko pa sana gumising at bumamgon kasi papikit pikit pa ang aking mata. Halata na hindi ako nakatulog ng maayos. Pero kailangan dahil baka pagalitan pa ako ni lola at magtaka pa iyon. Kaya wala akong nagawa kundi pinilit na bumangon kahit pahikab hikab pa ako. Buti na lang at week ends ngayon walang pasok. At may oras ako mamaya para makatulog at makapag pahinga. Andito ako ngayon sa likod bahay ng aking lola, my pananim kasi ang aking lola na mga gulay at halaman. Kasalukuyan ako na nag bubungkal ng lupa para sa itatanim ni lola na gulay. "ano ba kasi ang meron kami?! bat niya kasi ginawa yun, ano ba talaga?!" sabi ko . At oo, kausap ko ang sarili ko. Mukhang nababaliw ata na ako, kasi namam kasi, kahit anong gawin kung pag lilibang sa sirili ko, umeeksena parin sa aking isipan ang pangyayaring pag yakap at paghalik sa aking noo ni Ren. "mag kaibigan lang naman kami?! diba?! bat kung ano ano ang iniisip ko." Dagdag ko pa na sabi na patuloy parin sa pag bubungkal. "namimis ko na siya! dalawang araw pa ang hihintayin ko para makita at makasama siya." bat parang exited ata ako pumasok?! hahaha ang laki ng tama ko!! nababaliw na talaga ako!! "tama!!" sigaw na sabi ko. Pero narealize ko na nakakahiya yung bigla kung oag sigaw kaya dahan dahan akung tumingin sa paligid kung may tao, kung may nakakita sa aking ginawa o may nakarinig, baka pag isipan pa ako dito na nasisiraan ng bait. Tama!! tama!! kailangan kung malaman ang totoo. Kung ano ba talaga ang meron kami. Malay neyo diba?! pareho kaming nararamdaman. Hindi maging posible yun. . . . . . Monday na !! Its week days day!! Pasokan na naman. Haayyy!! exited ako na ewan. Exited ako na kinakabahan, tatanungin ko muna siya bago ako aamin, mahirap na baka masaktan ako diba. Nag lalakad na ako patungo sa aking eskwelahan namin, tinignan ko ang relo ko sa aking palapulsuhan, its 30 minutes to left before start the class. So im walk fast ! para di ma late at syimpre baka andun narin si Ren,. Pag pasok ko sa aming classroom ngiting ngiti ako. Pero, bigla akong nagseryoso dahil sa lahat ng kaklase ko kasama ang mga kaibigan ko ay nakatingin sa dereksyon ko. Okey?! ang weird??! anong meron. Dahil sa hindi ako sanay sa ganito, sa lahat sila ay nakatingen sakin niyuko ko ang aking ulo at nag patuloy sa oag lalakad pa tungo sa aking upuan. Nang makarating ako at maka upo, inangat ko ang ulo ko para tignan kung nakatingen parin cla sakin, at ganun na nga! nakatitig parin sila sakin, bakit ba? ano bang meron?. Nilibot ko ang aking mata sa loob ng aming classroom, para mahanap at makita ang taong kanina ko pa gisto makita, pero wala! wala akong Ren na nakita sa loob ng classroom. Baka late lang to. Mag hihintay nalang ako. Naiilang ako sa sa sitwasyon ko ngayon, dahil ang iba ay titingen sa gawi ko at tatalikuran ako, titingen ulit sila at iiling iling ang mga ulo nila. Okey?! kanina pang ang weird ng eksena ngayon, anong meron??! Hanggang sa lumapit sila Marie, Mellisa, Emily, Ilaycka at Abegail sakin. "sorry." sabi ni Emily pahkalapit nila sakin. "so-sorry? pa-para saan?" takang sagot ko. Okey, ngayon na humingi na sakin ng sorry si Emily sakin, bigla akung nakaramdam ng kaba. "alam na namin." sagot ni Abegail. "a-ang alin?" takang sagot ko parin, pero kinakabahan ma talaga ako. "tsk! nakakainis ka! nakaka asar ka! alam mo ba yun?." eritang sagot ni Ilaycka. "hindi lang ikaw ang kaibigan ni Ren dito, hindi lang ang kaklase niya, saka hindi lamg din sau malapit si Ren, lahat tayo dito ay malapit sa kanya." dagdag pa na sabi ni Ilaycka. "te-teka! ano ba pinag sasabi niyo?. Hindi ko kayo maintindihan. Pwede paki explaine?!" kalmado kung sabi sakanila. "sa akin?! okey lang naman eiy! pero sana hindi mo tinago. Sana sinabi mo samin na huling araw na pala ni Ren dito nung friday. Di sana naka pag paalam pa kami sakanya, o di kaya na hinayaan namin kayo na makapag usap ng masinsinan" sabi ni Abegail. Ano?! huling a-araw?! huling araw niya nung araw na yun?. Hindi ako nakasagot agad sakanila. Tinignan ko ang mga kaibigan ko isa isa, at sinunod ko na tinignan ko isa isa ang mga kaklase ko. Pero satuwing tinotignan ko sila nakatitig din pala sila sakin, at satuwing sakanila na ako makatitig bigla silang iiwas. Napayoko ang aking ulo. Ngayon alam ko na kung bakit ganyan sila mayitig sakin, Iniisip nila na sinolo ko si Ren, Iniisip nila na pinag kait ko sakanila ang pag kakataon na makapag paalam sila kay Ren, Dahil sa iniisip nila na hindi ko sinabi sa kanila, heto sila ngayon at masama ang tingen nila sakin. Alam ko naman na hindi lang ako ang kaibigan ni Ren dito. Isang palakaibigan si Ren, at lahat ng ng kaklase namin ay ka close nila eto. Isang mabait si Ren, malalahanin sa lahat. Keya hindi na ako mag tataka kung lahat sila ay napamahal kay Ren. "so-sorry! pe-pero, sa- samaniwala kayo o hindi, hindi ko alam na aalis si Ren. Hi-hindi ko alam na huling araw na pala niya iyon." yun lang ang nasabi ko. Pinipigilan ko kasi umiyak. Gusto kasi pumatak ang mga luha ko sa mga narinig ko. "sa-saan ba siya nagpunta?" tanong ko pa. Gusto kobparin malaman, para maka seguro na may hihintayin pa ako. "wait! wala kang alam?! totoo?!" takang sagot ni Abegail. Tumango lang ako bilang sagot sakanila. "Nangi bang bansa na sila. Silang lahat. Silang buong pamilya niya. At ang sabi pa ni Calvin doon na daw sila titira, at doon na din daw mag aaral si Ren," sagot ni Marie. Tumango tango lang ako, bilang pag sang ayon sa sinasabi nila. Hindi ko na napigilang pumatak ang aking mga luha na kinana pang gustong lumabas. Ibig sabihin neto, wala na akong Ren na makikita, wala ng Ren na mangungulit sakin, wala ng Ren ang mang aagaw ng notebook ko. Wala na akong Ren na makakasama at kakulitan. Waka na?! wala na?! kaya pala. Kaya pala ganun nalang ang mga kinikilos niya nung araw na yun. At ang pag yakap at pag halik saking noo ni Ren ay isang pamama alam. Isang good bye hug at good by kiss. At heto ako na nag iisip ng kung ano ano, heto ako na umaasa na iisa ang nararamdaman namin sa isat isa, umaasa ako na hindi dapat. Nakayuko parin ako. Ayokong ipakita sa kanila na umiiyak ako. Dahil sa ilang minuto ang namayani saaming katahimikan, naramdaman ko na isa isa silang nag alisan sa tabi ko at nagbalik sa kanya kanya nilang upuan, pero may isang tao pa ako naramdaman na naiwan, na tila pinapanuod ako. Pinunasan ko ang aking mukha dahil sa mga luha kung pumapatak. At inangat ang aking ulo para makita kung sino ang naiwan. Ngumito eto sakin at pinunasan ang mukha ko. "Marie?!" sambit ko sa pangalan ng naiwan sa tabi ko. "tahan na." sabi niya, at ngumiti pa eto. "hindi ka galit sakin?" sabi ko. "bat ako magagalit? saan ako magagalit? dahil sa hindi mo pag sabi samin? kahit alam mo man o hindi, hindi ako magagalit sayo o maiinis. Duh!! napaka isip bata ang ganun noh!" sagot niya. "ey! bakit sila?" tukoy ko sa mga kaklase namin. "ano ka ba? hindi sila galit sayo noh! ganyan lang makatitog ang mga yan dahil gusto lang nila iconfirm kung totoo ang binalita sa amin ni Calvin. Dahil sa lahat tayo dito ay ikaw ang pina ka malapit sakanya. Kaya ganyan sila makatingen. Nais nilang mag tanong kaso hindi nila alam kung paano itanong sayo." sagot ni Marie. Aahhh!! ganun pala ang ibig nilang sabihin. Mali pala ako ng iniisip sakanila. Napa ngiti akoy nay Marie at ngumiti din eto pabalik sakin. Last Friday pa pala akung mali ang iniisip. Pati sa mga kaklase ko mali din ako ng iniisip sa kanila. "Ren, bakit? bakit dimo sinabi sakin? bakit dika nag paalam? bakit Ren?? bakit?" sabi ko sa aking isipan na paukit ulit kung tinatanong sa aking sarili. Ngayon, ngayon na wala na si Ren, paano na eto, paano na ako haharap sa iba, ngayong na sanay ako na siya ang lagi kung kasa kasama. Mas gugustuhin ko pa yung tatlong araw lang siya kung pumasok, atlis alam ko na makikita ko pa siya sa susunod na mga araw. Hindi tong ngayon na wala ng pag asa na magkita kami, na makita kung muli siya. Hindi pa namam ako lubusang nag papasalamat kay Ren dahil sa nagawa niya sakin. Paano na eto? babalik ba namam ako sa dati? ngayong wala na yung rasun kung paano ako namulat sa magandang mundo na sinasabi niya. . . . . . . -----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD