Sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi kinaya ni James ang aksidenteng nangyari sa kanya. Iniwan na niya ako; iniwan na ako ng pinakamamahal kong boyfriend na kaisa isa akong minahal. Puro pighati ang nananalaytay sa akin ngayon ngunit hindi ko naman hahayaan na kalungkutan ang mamumutawi sa aking sarili. Marami akong bagay na dapat ipagpasalamat kahit pa nawala na siya. Hindi talaga happy ending ang istorya ng kagaya ko pero kahit ganun, at least ay naging masaya ako noong nasa piling ko pa siya. Noong gabing magkabati ni Katarina ay siya namang pagkawala ni James. Ibinurol lamang siya ng dalawang araw at kaagad din siyang inilibing. Ginusto ng kanyang mga magulang na huwag ipakita sa publiko ang kanyang libing at hiniling din nila na isarado ang kabaong habang ito'y nakaburol bagay na h

