Her POV Hindi ko na nabago ang isip ni Hiro at ginamit na namin ang motor niya bilang pangbiyahe papunta doon sa Tagaytay. Masaya naman, kahit papaano dahil nararamdaman mo yung lamig ng lugar lalo na’t open space yung sinasakyan namin. Hindi ko alam kung ano ang trip nitong si Hiro dahil sa tuwing hindi ako nakakapit sa kaniya eh bigla na lang binibilisan ang pag-andar para lang makakapit ako sa kaniya. “Hiro, ayusin mo nga yung pagmamaneho mo,” inis kong sabi sa kaniya. “Bakit ayaw mo kasing kumapit? Sisisihin mo pa ako,” natatawa niyang sabi. Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya sabay napasandal ng aking ulo sa kaniyang likuran. Napatingin lang ako sa ganda ng tanawin na nakikita ko sa lugar. “Ang ganda,” sambit ko. “Sabi sa ‘yo eh worth it pumunta dito ng naka-motor la

