Winter's POV "She's awake," saad ni Kiel kaya napatingin kami kay Queen na nakayuko habang nakatali sa isang upuan. Dahan-dahan nitong inangat ang ulo nito saka nagtatakang humarap sa amin. We're in Shiro's place, dito namin naisipan na dalhin si Queen. "N-nasaan ako?" takang tanong niya. Nagsalubong ang kaniyang kilay nang nagawi ang tingin niya sa amin. "You? T-teka nasaan ako? Bakit ako nakatali rito! Pakawalan niyo ako!" sigaw niya. From the way she acted, I'm pretty sure that she's back to herself already. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. "A-anong gagawin n'yo sakin!? Ikaw na bruha ka! Bakit ako nandito!?" Nagpumilit siyang kumawala sa kaniyang kinauupuan ngunit dahil sa nakatali siya ay hindi niya magawang makaalis. "Ano'ng natatandaan mo?" tanong ko sa kan'ya. "What!? Do

