Third Person's POV Naunang nagtungo ang dalaga sa nasabing lugar kung saan nagtatago si Heid nang pumatak ang alas-dyes na gabi. Hindi nga siya nagkamali, dito lang pala nagtatago sa kagubatan kalapit ng University ang matandang 'yon. Matapos maiparada ang motor sa likod ng paaralan kalapit ng isang puno ay kaagad niyang isinuot ang earpiece kung saan konektado sa grupo ng binatang si Shiro. Sa kaniyang tapat ay ang isang lubak na kalsada kung saan walang dumaraan dahil sa masukal ang lugar. Sa kaniyang likuran hindi kalayuan sa kaniyang p'westo ay ang gate na kalawangin na inilarawa ng dalang so Queen. Hindi masyadong kapansin-pansin dahil sa matataas na d**o na nakaharang dito. "You guys ready?" tanong ng dalaga. "Yeah. We're in front of the University," rinig niyang saad ng binata

