"Kuya! Bilisan mo na nga r'yan! Kanina pa naghihintay sina Mommy at Daddy e!" Tamad na bumaba ang binatang si Shiro sa hagdanan ng kanilang mansyon habang hawak-hawak ang kaniyang toga. "Ano ba naman 'yan kuya! Graduation na graduation niyo tapos nakasimangot ka!?" sigaw ng pang muli ng kaniyang kapatid pagkakaba pa lang niya sa may sala. Hindi niya maiwasang mainis dahil nandito lang naman siya sa baba pero kung makasigaw ang kaniyang kapatid ay parang nasa mag-kabilang bundok sila. "Shut up," nasabi na lamang ng binata. Nauna siyang lumabas ng mansyon kaya naman sumunod na lang sa kaniya ang kapatid. Doon niya nadatnan sa labas ang kaniyang ina at ama na mukhang kanina pa siya hinihintay. "Congrats, son," nakangiting bati ng kaniyang ama bago siya nito tinapik sa balikat, ngumiti
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


