Third Person’s POV Hindi naiwasang magsalubong ng kilay ni Red habang paulit-ulit na nagmumura sa kaniyang isip at naglalakad siya patungo sa kaniyang condominium unit; pumalpak na naman kasi ang plano nilang mahuli ang babaeng nais madakip ng kanilang pinuno. Padabog niyang pinindot ang passcode ng pinto ng kaniyang suite, at padabog din niya itong isinara. l “f**k! f**k!” Naibagsak niya ang kaniyang sarili sa mahabang sofa at napahilot sa kaniyang sentido. He doesn’t know what to do. Hindi niya alam ang gagawin para mahuli ang taong nais nilang hulihin. Nawawalan na rin siya ng pag-asang masilayan ang kaniyang pamilya. He feel so tired. Kung p’wede lang niyang takasan ang lahat ay ginawa na niya, ngunit hindi maaari. Napabangon siya nang biglang narinig ang pagtunog ng kaniyang c

